From the Edmonton International Airport ay nagpasundo ako sa isang kaibigan. "Pare, kumusta? Welcome to Canada!" bati sa akin ni Timothy. Kaklase ko noong College at naging matalik na kaibigan. Naputol lang ang ugnayan namin noong nag-abroad ito. Nakita ko lang siya sa f*******: at nataong nakapag-asawa pala siya ng taga-Canada at halos iisang lugar lang sila ng asawa ko. "Sorry pare sa abala. Alam kong medyo rush ito." "Oo nga eh, nag-message ka lang kahapon tapos nandito ka na. Pero okay lang, Pare. So saan tayo? Sa bahay ka muna kung gusto mo," anyaya niya nang paalis na kami sa departing area ng Edmonton International Airport. Papunta kami sa parking lot kung saan ang sasakyan niya. "Hindi pare, pakidala na lang ako dito sa address na ito, please." Ayaw ko mang tumangi pero mas gu

