Naglagi pa si Kuya ng isang linggo sa Hospital. Hindi naman kami hinayaan ni Mama na magsama ni Leila kahit isang saglit. Salit kaming apat sa pagbabantay kay Kuya. Si Leila at Mama. Ako at si Papa ang laging magkasama. Naiinis ako dahil hindi ko makasama si Leila pero minsan nagpapasalamat akong hindi ko sila nakikita ni Kuya dahil magseselos lang ako. Ang malala lang parang sinasadya ni Mama na ikuwento ang pagiging sweet ni Kuya kay Leila at ang pag-aalagang ginawa naman ni Leila para kay kuya sa akin. Ilalabas na namin si Kuya sa Hospital. Kami ni Papa ang naroon dahil naghahanda sila Mama ng isang salo-salo bilang pasasalamat. Ilang mga kamag-anak lang at churchmate ang kasama para sa salo-salong iyon. Inalalayan ko si Kuya habang bitbit ni Papa ang mga gamit niya. Nakakapaglakad n

