"I have to go back to Korea," malungkot na sabi ni Hanuel isang gabi. Inalis ni Crystal ang tingin niya sa pinapanood na palabas at inilipat iyon sa binatang naka-unan sa hita niya. Nakapikit ito at nakakrus ang dalawang braso sa dibdib. Muling binalik ni Crystal ang mga mata sa pinapanood niya. "Talaga? Kailan?" sagot niya. Nakaramdam ng lungkot si Crystal pero agad niya rin itong iwinaksi. Alam naman niya kasi na doon ang buhay ni Hanuel at hindi rito sa tabi niya. "Yes. Maybe the next day. I have an upcoming drama, plus I still need to fix our company," paliwanag nito. Kumunot ang noo ni Crystal pero hindi ito nilingon at tinuon lang ang pansin sa pinapanood. Medyo nasa climax na kasi iyon kaya hindi niya maialis ang tingin dito. "Company? Ano'ng nangyari?" Bumuntong hininga si Han

