"Uhm... Crystal. Ano? Ayos ba yung ginawa ko?" nakangiting tanong ni Bryan kay Crystal. Nasa isang coffee shop sila malapit sa tinitirahan ni Crystal. Tinawagan niya ang binata dahil gusto niyang magpasalamat dito. Humigop muna si Crystal ng mainit na kape. "Thank you, Bryan. Sobrang na appreciate ko yung ginawa mo." Ngumiti si Crystal sa binata at tinitigan ang mukha nito. "Ano bang pumasok sa isipan mo at ginawa mo 'yon? Paano kung na bash ka rin?" Ilang araw na kasi ang makalipas matapos na magpost si Bryan ay humupa na ang pangba-bash kay Crystal. Maraming nagulat at nagtaka. Merong naniwala at meron ding hindi. Marami ang naki-simpatya sa kanya at humingi ng tawad. Unti-unti ay nakakalabas na rin siya kanila. Hindi pa rin siya nakakapasok sa kanyang trabaho dahil binigyan siya ng l

