
Masungit, suplado, may matabil na dila, mayaman, makisig at gwapo. Iilang deskripsyon na kilala ang lalaki na si Stevenson Loroño. Ngunit kahit may hindi kaaya-aya na katangian ang lalaki, hindi pa rin maiwasan ng sekretarya niyang si Florentine Gilingan na mahulog ang puso nito sa kaniya.Totoo nga 'ata talaga ang sinasabi ng mga kaibigan ng dalaga na isa siyang color blind. Dahil hindi man lang niya makita-kita ang pagiging red flag ng kaniyang boss, bagkus, mas nakadagdag alindog lang daw ito. Pero pa'no kung may higit na katangian na tinataglay pa itong tinatago? Pa'no kung unti-unti niyang maikukubli ang mga sekreto nito? Makakaya kaya niyang tanggapin ito o lalayo para sa kapakanan ng puso niya?
