CHAPTER 4

2169 Words
GRABE! I wasn’t expecting that I could really see him today! Tapos pumasok pa siya sa block natin kanina!” histirikal pa ring ani Mutya. Gamit pa nito ang kaniyang kamay bilang pamaypay dahil tila naiinitan ito. I shook my head at her and continued typing on my laptop. Nasa kasukdulan na ang nobelang isinusulat ko. At ilang kabanata na lang ay matatapos na ito. “Hey! Are you listening?! Ligaya, that’s Messiah we’re talking about. What’s wrong with you?” singhal nito at hinampas ang balikat ko. Natigil at nabitin sa ere ang kamay ko dahil sa itinanong niya. Bukod sa halo-halong emosyon ang naramdaman ko nang makita si Messiah, anu pa ba ang mali sa akin? I shook my head again. I know in myself that even this was the first time I met him (well not literally) this has to stop—this feeling. I maybe not a professional writer, but I’m not innocent anymore when it comes to the word ‘love'. I know this kind of feeling dahil ganu’n din ang nararamdaman ng mga karakter sa nobelang isinusulat ko whenever they’re infatuated or attracted to someone. At hindi ‘yon maganda! And just what I told to Mutya a while ago—hindi pa ako handa sa mga ganoong bagay. I don’t even know how to handle that thing dahil mismong sa mga magulang ko, nakita ko kung paano nila sinira ang isa’t isa. Hindi na sila makahinga ngunit pinipilit pa rin nilang manatili sa isang relasyon dahil sa akin. Nakakatawang pakinggan dahil ako ang dahilan kung bakit hindi sila maghiwalay pero hindi naman nila ako mabigyan ng oras. Imbis na mag-away ay sana itinuon na lang nila ang atensyon sa akin. “Wait! What are you typing by the way?” naalarma ako. Agad kong itiniklop ang laptop ko. No! I maybe a writer pero hindi ako handang ipabasa iyon sa iba. Nagsusulat ako para sa sarili ko. Sinusulat ko kung gaano kaperpektong pamilya meron ang mga karakter ko. By means of writing, nakakatakas ako sa reyalidad. Natatakasan ko ang magulong sitwasyon ng buhay ko. At nakakalimutan ko, na ang pangalan ko, ay kabaligtaran ng buhay ko. “Damot naman!” I glance at my wristwatch at hindi inintindi ang sinabi niya. Tumayo ako at iniligpit ang mga dala ko. “It’s quarter to twelve. I have to go.” Wala pa namang normal na klase ngayong araw. Kadalasan sa mga Propesor ay hindi pa nagtuturo kaya uuwi muna ako at doon manananghalian. Maybe the other day, saka ako magbabaon ng pananghalian. May pagkain naman sa cafeteria pero dahil sa ang mamahal, hindi na lang ako bibili. Kahit naman may pera ako, kaylangan ko iyong tipirin dahil sinusubukan kong tumayo sa sarili kong mga paa. Ayoko ring umasa sa ibinibigay ni Dad sa ‘kin. “Manong, sa Concepcion, ho.” pumasok ako sa loob ng tricycle at inilabas ang earphone ko. Mamaya pa naman ang alis nito dahil hinihintay pang mapuno. Hindi naman kasi lahat ng estudyante sa HIS U ay may magagarang sasakyan. Karamihan din sa kanila ay iskolar. At ‘yon ang pinagkaiba ko sa kanila. While listening to the music, I logged on to my account. Unang bumungad sa newsfeed ko ang mga post ng kaibigan ko. Bahagya pa akong napangiti dahil namimiss ko na sila. Isang buwan ko na din’g hindi sila nakaka-usap. Lahat kasi ng komunikasyon sa kanila ay ipinutol ko. Itinago ko ang aking telepono nang maramdaman ang pag-alis ng sasakyan. Hindi ko pa rin maiwasang mamangha hanggang ngayon sa buong Sagrada. Napakalinis ng paligid at sariwa ang hangin. They preserved the beauty of nature. Nang matanaw ang maliit ngunit masayang tahanan nina Nanay Myrna at tatay Sito, pumara na ako at agad na bumaba. Nagbayad sa driver at dire-diretsong binuksan ang kahoy na tarangkahan. Tila sabik na sabik akong pumasok sa loob upang makita sina Nanay. Noon kasi ay hindi ko naranasang umuwi galing paaralan na maabutan ko sina Mom and Dad. Kung hindi mga katulong, bodyguard ang parati kong nakakasama. “Nandito na ho ako, Nay, Tay!” sigaw ko at naupo sa sala. Hinubad ko ang aking puting sapatos na ipinares ko sa aking tight jeans. Inabot ko ang aking flip flops tsaka pumunta sa kusina. “Mano ho!” ani ko sa kanila. Ngumiti si Tatay Sito. “Kaawaan ka ng D’yos.” NATAPOS ang tanghalian at kinakailangan ko nang bumalik sa HIS U. Nahirapan pa akong sumakay dahil walang dumadaang tricycle. Pinunasan ko ang aking pawis na tumulo sa aking sintido. Tirik na tirik ang araw at hindi ko man lang naisipang magdala ng payong. Nang may madaanang waiting shed, sumilong ako at naupo. Sinulyapan ko pa ang aking relo dahil kalahating oras na lang ay mag-a-ala una na. Ayokong ma-late sa unang araw ng klase kahit na hapon na. Limang minuto pa ang lumipas at wala pa ring dumadaang trcicyle kaya muli akong nag lakad ngunit hindi pa man ako nakakailang hakbang nang may bumusina sa aking likuran. Isang SUV ang huminto kaya tumabi ako. Bumaba ang salamin nito at bumungad sa akin ang nakangiting mukha ng isang lalake. “Need a ride, babe?” napangiwi ako. Flirt! “No thanks…” ani ko naman at nagpatuloy sa paglalakad. “Oh c’mon! Walang nadaang tricycle ng ganitong oras dito. Sige ka, baka mapano ka. Nag-iisa ka pa naman tapos maganda… delikado. Tsk, tsk, tsk!” pananakot nito kaya napahinto ako. Nilingon ko siya at pilit na ngumiti. “Are scaring me?” “No, babe. Sinasabi ko lang. Alam mo kasi dito sa Sagrada, madaming rapist dito. Ikaw rin, baka…” binitin nito ang sasabihin. Bumuga ako ng hangin. “Fine! But don’t dare to make a move kapag nasakay na ako sa ‘yo,” napahalakhak ito sa aking sinabi. “What are you laughing at?" umarko ang aking kilay. “Ofcourse, I won’t make a move. I promise… ikaw kasi iyong kikilos kapag nasakay ka sa akin…” bulong aniya sa huling sinabi. “Ano?” he shrugged. “Nothing, just hop in.” nangibit balikat na lang din ako at itinuon ang paningin sa labas. “YOU won’t ask my name?” Natapos ang isang oras na biyahe na ganu’n parati ang bukam-bibig ng lalakeng sinakyan ko kanina. I don’t want to be rude at him pero naaarogantehan ako sa pag-uugali niya. He’s so full of his self! Tingin niya ay lahat interesado malaman ang buhay niya. Hindi naman ako ganito. Bagkus ay madami akong kaibigang lalake—in our circle of friends, karamihan ay lalake ang kaibigan ko. Dalawa lang sa kanila ang girfriends ko—sina Azulle at Anne. “Dito na lang…” at sa buong durasyon ng biyahe ay iyon pa lamang ang unang beses na kinausap ko siya. Kinalas ko ang pagkakakabit sa akin ng seatbelt at agad na bumaba nang maaninag ang matayog na gate ng HIS U. “Thanks for giving me a ride.” nginitian ko ito at agad na tinalikuran. “MAY gagawin ka pa ba mamayang uwian?” said Mutya who was busy playing the tip of her hair. Nakapangalumbaba ito habang nakatanaw sa mga estudyanteng labas masok dito sa cafeteria. I stopped typing at binaling ang paningin sa kaniya. “Oo. Bakit?” mamayang uwian ay didiresto ako sa office ng club na sasalihan ko. Matapos nu’n ay uuwi na ako. Ayokong gabihin sa daan dahil katulad ng sinabi nung lalake kanina, delikado kapag gabi dito sa Sagrada. Nanatili man ang ganda at katahimikan ng lugar, sa panahon ngayon, hindi pa rin mawawalan ng masasama ang loob. “Gusto sana kitang imbitahin sa amin. I want you to meet my parents and…” she wiggle her brows. Tumaas naman ang aking kilay at inilingan ito. Alam ko naman ang gusto niya pang sabihin. “You sure you don’t want to meet my brother?” she pouted. “No,” I don’t know what’s in me at bakit atat na atat siyang ipakilala ako sa kapatid niya. Wala namang mali sa pagpapakilala pero alam ko namang iba ‘yong intensyon niya. She’s wooing me to his brother. At kahit ilang beses niya pang subukan iyon, hindi niya ako mapapa-oo. Katulad ng paulit ulit na sinasabi ko; I don’t want to be committed. Bukod sa hindi ko alam how to handle it—natatakot din akong masaktan. To be broken again dahil ang pamilya ko—buo mang tingnan ngunit sa loob-loob nito, ay matagal na itong sira. Kaya nga narito ako sa lugar na ito dahil tumatakas ako sa reyalidad. The perfect family I thought ay hindi pala magtatagal. Madaling nag-sawa ang ama ko kay Mommy. At hanggang ngayon ay nasasaktan pa din ako sa narinig ko noon. Napakasakit sa dibdib dahil tila pinagsisihan ni Daddy na kami ang naging kapamilya niya. Though hindi man sabihin sa akin ni Daddy, sa mga kinikilos niya kasi ay bumabaligtad ang kahulugan. He said, I’m his favorite. Hindi ko iyon ke-kwestyunin dahil hanggang ngayon ay nararamdaman ko ang suporta niya sa akin. He even supported me sa pag layas ko. Pero kasi, the way he treat Mom, parang may nag-iba na. Hindi na siya iyong dating makita ko pa lamang—kumikislap na ang mata kapag nakikita si Mommy. Marinig niya lang ang pangalan ng huli, ngingiti na. Pero ngayon… ngayon ko napatunayan na kahit gaano pa kayo kasaya ngayon, dadating at dadating ‘yong oras na mawawala na lang ang kinang sa inyong dalawa. And that was what happened to my family. The sparks died between them. Nawalan ng sigla katulad ng alitaptap na namamatay ang liwanag kapag napapagod na. “I—I’m not in love with you anymore. This… this marriage is not working.” Napapikit ako at hinilot ang sintido nang muling marinig ang boses ni Daddy sa isip ko. “Hey! Where are you going?” Hindi ko inintindi ang pag-sigaw ni Mutya nang walang anu-ano’y tumayo ako at iniwan siya. Nagtatakbo ako palabas ng cafeteria dahil nanlalabo na ang aking mga mata. Masakit pa rin hanggang ngayon ang dulot ng mga salita ng aking ama. Pinunasan ko ang aking luha at hinayaang dalhin ako ng aking paa saan man ito magpunta. “Don’t cry, Serenity! Don’t cry. You should accept it. Dapat tanggapin mo nang hindi na maayos ang pamilya mo. Hindi rin magtatagal, maghihiwalay din sila.” Para na akong tangang kinakausap ang sarili habang humahagulhol. Napahawak ako sa tapat ng aking dibdib dahil sa pagkirot nito. Nag tungo ako sa lilim ng Acacia Tree at doon yumungko. How many time’s I’d cry for my family? Ilang beses ko na bang iniyakan ang magulang ko ng hindi nila nalalaman? Ilang beses ko na bang hiniling na sana mahirap na lang kami at naibibigay nila ang kanilang oras sa akin? Pero kahit na ganun… hindi ko pa rin maihiling na sana iba na lang ang naging mga magulang ko. Dahil kahit nasasaktan na ako, I still love them. “Are you okay?” isang malalim na boses ang nagpatigil sa akin. Hindi ako naimik ngunit nanatiling nakatungo ang aking ulo. Ayokong may makakitang umiiyak ako. Sanay na akong mag-tago. Sanay na akong itago itong nararamdaman ko. “Look, miss,” bumuntong hininga ito. Ramdam ko din ang paglapit pa nito sa aking pwesto dahil ang mga natuyong dahon ay tumutunog sa tuwing kaniyang naapakan. “As a President of the Student Council, I am concern with my fellow students. If someone bullied you, tell it to me upang makarating sa opisina ng Dean and we’ll talk about that matter. Ayokong may naaagrabyado sa paaralan ko.” Dahil sa narinig ay natigilan ako. Alam kong hindi ako nagkamali sa huling parte ng kaniyang sinabi. This is his school, kahulugan lamang ay siya ang anak ng may-ari ng paaralan. At hindi ako nagkakamali na siya ang tinutukoy ng mga babae kanina sa auditorium na hindi sumipot sa orientation. “Take this,” muling saad nito. “Take this hanky.” I mentally count one to three bago ko napagdesisyunang iangat ang aking ulo. Akmang ngingiti ako dito ng pilit nang mapagtanto kung sino ang aking kaharap. Messiah! Ang malakas na pagkabog ng puso ko nang una ko siyang makita ay muli kong naramdaman nang magtama ang aming paningin. Naka-angat pa rin sa ere ang kamay nito, inaabot sa akin ang kaniyang panyo habang naka-squat sa aking harapan. Bahagya ding naka-awang ang kaniyang mga labi. Napakurap ako at unang nag-bawi ng tingin sa kaniya. “I—I’m okay. Salamat.” gustuhin ko mang iabot ang panyo niya, hindi ko magawa dahil kinakabahan ako. Panandalian ko ding nakalimutan ang dahilan ng pag-iyak ko kanina. Tumikhim ito ng dalawang beses at tumayo ito base na din sa peripheral vision ko. Ibinalik ang panyo sa kaniyang bulsa saka ako tinalikuran. “The Student Council's office are always open, in case you need help.” tinanaw ko na lamang ang papalayong pigura nito hanggang sa tuluyan ko nang hindi maaninag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD