CHAPTER 5

2151 Words
CHAPTER 5 “SAAN ka galing kanina? May nangyari ba? Bigla ka na lang umalis," salubong na tanong sa akin ni Mutya. Hinawakan nito ang magkabila kong pisngi at bahagyang pinatagilid ang aking ulo na tila sinusuri kung ayos lang ba ako. Nag-iwas ako sa kanya ng tingin. “May club ka na bang sasalihan?” pag-iiba ko sa usapin at tinanggal ang kamay niya sa pisngi ko. There's no way na sasabihin ko sa kanya ang dahilan ng bigla kong pag-walk out. Naabutan kong naghihintay pa rin sa akin si Mutya sa caf nang bumalik ako doon upang bumili ng tubig. Pakiramdam ko ay ilang araw akong hindi nakainom dahil uhaw na uhaw ako. “Wala akong sasalihan,” tugon naman nito sa akin. Mukhang hindi naman niya napansin na ayoko kong sagutin ang tanong niya. Ngumisi pa nga ito sa akin. “Bakit?” My forehead creased. As far as I know, mandatory kasi ang pagsali sa mga club. Hindi pwedeng wala. Nangibit balikat lang ito sa tanong ko at nagtipa sa kaniyang telepono. Mukhang wala ring planong sagutin ang tanong ko. Nangibit balikat na lang din ako at nagpaalam na sa kaniya na mauuna na. Kaylangan ko pang puntahan ang opisina ng HIS U state’s man. Napagdesisyunan ko kasi na iyon ang sasalihan kong club. Wala akong lakas ng loob na ipabasa sa iba ang mga isinusulat kong nobela pero hilig ko rin ang pagkuha ng scope nh mga nangyayari sa paligid at magbigay ng update sa iba. "Mauuna na ako, Mutya. May pupuntahan pa kasi ako." Nag-angat naman ito sa kanya ng tingin. "Okay, bye, Ligaya. Next time isasama talaga kita sa amin. Papakilala kita sa mga kapatid ko." Pagkindat nito sa kanya. Napailing na lang siya. *** “MAUPO ka muna...” Inilibot ko ang paningin ko sa buong State’s man office pagkadating ko doon sa loob. Ang itsura nun ay katulad ng board room ng kompanya ni Dad. May mahabang mesa sa pinaka gitna at sa ibabaw nito ang isang projector at laptop. May mga folder din. May kagamitan din ng audio/visual. “Here, fill up this form. It’s already written there on how to join our club. You have to give us a sample of your works at ang presidente mismo ang magdedesisyon if you’re qualified or not. So good luck! Sana hindi ito ang huling beses na makikita kita dito sa office.” Nagpasalamat ako kay Jam, na nagpakilala bilang sekretarya ng statesman. Ngumiti naman ito sa akin. "Good luck again..." Sa tingin ko ay hindi magiging madali ang pagsali ko sa club. I have to submit a sample of my work at iyon ang pinag-aalala ko. Magsusulat na lang siguro ako ng bagp Kung hindi man nobela, a short poem will do. Kahit anu na lang. 'Wag lang 'yong mga nauna ko nang isinulat. *** “KAMUSTA ang unang araw mo, anak?” Sinalubong ako ng ngiti ni Nanay kinagabihan pagkadating ko. Kinuha rin nito ang backpack ko at inilagay sa sala. Napangiti rin ako kahit nakakaramdam ako ng pagod. “Ayos lang naman po, Nay! Nakakapagod pero masaya. First day of school pa lang pero ang dami nang bilin ng mga prof.” Nag-mano ako matapos halikan ang pisngi ni Nanay Myrna. "Hindi ka naman ba nahirapan sa mga pinapagawa ng propesor mo?" tanong pa ng Nanay Myrna habang inaakay ako papuntang kusina. "Hindi naman ho--nanay, ako na po…” Marahan kong inagaw dito ang sandok at ako na mismo ang naghain sa pinggan ko nang akmang ipagsasandok sana ako nito. “Si tatay ho, pala? Nasaan? Kumain na po ba kayo?" sunod-sunod na tanong ko pa. “Nasa kabilang bayan ang tatay Sito mo, anak. Alam mo namang malakas ang bentahan doon ng Abaca kaya naroon siya ngayon,” tugon naman nito sa aki. Napatango ako. "Saluhan mo na ako, nay..." Natapos ang hapunan namin na puro lamang kami tawanan ni Nanay Myrna dahil sa pinagkikwentuhan namin. Laking pasasalamat ko rin at hindi niya nahalata ang pamamaga ng mgamata ko. Hindi niya alam kung anong nangyayari sa mga magulang ko. At wala akong planong sabihin iyon. Pinagkwento niya ako ng mga nangyari ngayong maghapon at tuwang-tuwa naman siya nang sabihin kong may sinalihan akong club. “O siya, mabuti pang magpunta ka na sa kwarto mo upang makagawa ka na ng ipapasa mo bukas," anito habang abala sa paghuhugas ng pinagkainan naming dalawa. Naghugas ako ng kamay matapos kung punasan ang mesang pinagkainan namin. “Sige po.” Tumango naman ako. Matapos kong mag half bath ay pumwesto ako ng upo sa higaan at kinuha ang aking laptop. Binuksan ko ito at nagtipa ng tula. Ngunit tatlong salita pa lamang ang natitipa ko nang burahin ko rin kaagad iyon. I closed my eyes at nag-isip pa ng malalim. I tried to focus! Wala kasi akong maisip na dapat isulat. Ilang minuto na siguro ang nakalilipas nang idilat ko ang mga mata ko at biglang pumasok sa isipan ko ang malamig na boses ni Messiah. Biglang pumasok sa isipan ko ang naging engkwentro namin kanina. At hindi ko namamalayang natagpuan ko na lamang ang sarili kong wala nang tigil sa pag-tipa. Hanggang sa natapos ko ang isang maikling tula. Napangiti pa ako sa isinulat ko at ilang beses na binasa ang pamagat. “His Voice...” Hindi na maialis ang ngiti sa aking labi ngunit nang mapagtanto ang dahilan nito ay agad din akong natigilan. Muling bumilis ang pagkalabog ng aking puso at muling binasa ang tula. Nanginginig na muli kong idinampi ang kamay ko sa keyboard upang burahin sana ang isinulat ko. Ilang beses pa akong napabuga ng hangin dahil hindi ko pala kaya. Hindi ko kayang burahin dahil ngayon ang unang beses na nagsulat ako nang hindi naiisip ang mga magulang ko. Ilang segundo pa akong napatitig sa tulang isinulat ko. Binasa ko 'yon at sa huli ay ni-save ko pa bago pinatay ang laptop. *** “BIGLA ka na lang nawala kahapon, Ligaya. Saan ka pumunta?” bungad ni Mutya kinabukasan pagkapasok ko. Abala naman nitong tinititigan ang makulay niyang mga kuko. My forehead creased because of her question. “Ha? Nagpaalam ako sa ‘yo, ‘di 'ba? Pumunta ako sa club na sasalihan ko,” tugon ko naman sa kanya. I put my bag on my chair at saka ako naupo sa tabi niya. I was about to open my laptop nang marinig ko muli ang boses ni Mutya. “Oo nga pala… anyways, kamusta? Naka-pasok ka sa club na gusto mo?” tanong nito sa akin. “Magpapasa pa lang ako ng form mamaya." **** MABILIS na lumipas ang oras hanggang sa natapos ang klase at tuluyan nang sumapit ang hapon. Nagpaalam ako kay Mutya na mauuna na at saka ako nagtungo sa states man office. Naabutan kong naroon si Jam at abala sa pag-aayos ng mga folders na nakakalat sa mesa kahapon. “Hi Jam!” bati ko dito pagkapasok ko. “Ligaya! I thought you wouldn’t come today! Kanina pa kita hinihintay.” Lumapit ito sa akin at katulad kahapon ay inalok niya ako ng upuan. “Na-fill out mo na ba 'yong form?” Tumango ako at ibinigay sa kaniya ang folder na hawak ko. Nandoon na sa loob nu’n ang form at tulang ginawa ko. “Pasensya ka na pala kung makalat ang opisina. Wala kasing naglilinis. Yung ibang member ng club ay next week pa papasok. Si Pres. Joachim naman ay may inaasikaso pang iba." Tumango lang ako sa sinabi niya. Ibinuklat ni Jam ang folder at pinasadahan ng tingin ang form. Napaiwas pa ako ng tingin nang basahin nito ang tula. “God! Nakakakilig naman ‘tong gawa mo. Feeling ko, gwapo itong tinutukoy mo sa tula!” sambit nito na tila kinikilig pa. “S—salamat.” Ngumiwi ako at pinagmasdan lang ang reaksyon niya. “Why do I feel captivated on his voice? Why do my heart beat fast on his cold voice? Why do his voice, bring s---” Naputol si Jam at hindi naituloy ang pagbabasa nang padarag na bumukas ang pinto ng opisina at ilinuwa nito ang lalakeng hindi ko inaasahang makikita ko pa. “Give me water, Jammailah!” Pagsigaw nito, hindi napapansin ang aking presenya. Umupo ito sa gitna at doon yumungko. “Faster! I’m f*****g thirsty!” muling sigaw pa nito. “O—okay, Pres!” Dali-daling kumuha ng tubig sa water dispenser si Jam at lumapit dito. “Here’s your water, Pres.” Inabot nito ang tubig at inisang lagok. Natuon ang paningin nito sa folder na hawak ni Jam. “What are those?” kumunot ang noo nito. Napakunot din ang noo ko dahil ibang-iba ang ugaling pinapakita niya ngayon hindi katulad noong pinasakah niya ako sa kaniyang sasakyan kahapon. “This?” ngumiti si Jam at kinindatan ako. “Form ng ating applicant, Pres. Try to read her poem, ang ganda!” Inilagay ni Jam ang folder sa mesa. Sa tapat mismo ng lalakeng tinatawag niyang President. “Nah! I’m too f*****g tired to read it. For sure, they’re not interested in the club. They're interested in me," mayabang na anito at itinulak papalayo ang folder. Napakunot ako sa inastang iyon ng tinatawag ni Jam na president. Hindi rin makapaniwalang natawa ako. Damn it! Hindi ko man inaasahang siya ang presidente ng club, inaasahan ko nang ganito siya kayabang! Napalingon naman ito sa akin at napatayo. “Y—you!” tinuro ako nito, hindi makapaniwala. “Yes, me." Bahagya kong sinulyapan si Jam na nanlalaki ang matang nakatingin sa amin. Muli kong ibinaling ang paningin sa lalake. “For your information, Mister President! I am not interested in you. It’s in the club. At kung nalaman ko lang ng mas maaga na ikaw ang Presidente dito—di sana ibang club na lang ang sinalihan ko.” Lumapit ako sa kanila at inabot ang folder at saka dali-daling umalis doon. Nang makalabas ng opisina ay gigil kong itinapon ang folder sa basurahan. Napakuyom pa ang aking kamao dahil sa inis. That President Joachim! Anong meron at naiisip niyang hindi ako interesado sa club at imbis ay sa kaniya? I don’t even know him! Lumabas na ako ng HIS U at pumasok sa unang sasakyang nakita ko. “Concepcion, ho.” Katulad ng nakagawian, inilabas ko ang aking earphone at nagpatugtog ng sakto lang. Sapat ng maririnig ko ang ingay sa paligid kasabay ng tugtog. Ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaang uguyin ako ng kanta. Kahit limang minuto lang, iidlip muna ako dahil late na akong natulog kabagi. Mararamdaman ko naman siguro ang pag-alis ng tricyle mayamaya. *** “HINDI ka pa ba bababa, hijo? Nakalagpasnna tayo sa inyo.” “Kanina ka pa titig na titig r’yan sa magandang binibining katabi mo. Kasintahan mo ba iyan, hijo?” Naalimpungatan ako nang marinig ang boses na tila nag-uusap. Napakunot ang noo ko nanh mau marinig akong humalakhak. “I'm the President of the Student Council, so it’s my responsibility na pangalagaan ang kapwa ko estudyante.” Dahil sa narinig ay naalarma ako. Idinilat ko ang aking mga mata at halos magulat ako nang makitang madilim na sa labas at ako at si…Messiah na lamang ang nasa loob ng tricycle. Anong ginagawa niya dito? Hindi ko na inintindi kung nasaan na ba kami parte at nasa sa kanya na ang atensyon ko. Hindi nito inaalis ang paningin sa akin kahit na gising na ako at nahuli siyang nakatingin sa akin. Napahalakhak din naman ang driver. “Sus! Nasa labas na kayo ng paaralan mo, Hijo. Isa pa, kilala mo naman ako ‘di ’ba? Alam mong wala akong gagawing masama kahit na ba ay napakaganda ng iyong kasintahan. Loyal ako sa asawa ko!” Pasimple akong napahawak sa tapat ng aking dibdib dahil sa sinabi nito. Parati na lang kumakabog ng mabilis ang puso ko. Sa tingin ko ay kaylangan ko ng magpatingin sa doctor. May mali sa akin, alam ko iyon. “Ano, hijo? Tama ako hindi ba? Sabagay, napakaganda ng iyong kasintahan. Kahit siguro ako ay hindi mapapakali kung hindi ko maihahatid sa kanila ng ligtas.” Muling hirit ng driver. Napaiwas ako ng tingin kay Messiah nang magustuhan ng puso ko ang kaalamang kasintahan niya ako. Hindi ito maaari. “I just have to take care of my future," saad ni Messiah sa sinabi ng driber. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Alam kong alam niyang kunya’y hindi ko naririnig ang sinabi niya. At alam kong malalim ang ibig sabihin nu’n. “Napakalalim ng sinabi mo, hijo. Ngunit naiintindihan ko iyon. Siya… ang babaeng katabi mo ngayon ang sinasabi mong kaylangan mong alagaan para sa hinaharap… tama ba ako?” Sa sinabing iyon ng matanda ay unti-unti akong napalingon sa katabi ko. Nanatili ang paningin nito sa akin. Seryoso ngunit naka-angat ang sulok ng kaniyang labi. Anong ibig niyang sabihin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD