SA buhay, hindi mo alam kung anu ba ang totoong dahilan ng pag dating ng isang tao. You will not know what really his purpose until you let him in to your life. Hindi mo alam kung mananatili ba siya hanggang sa huli o dadating ang araw na magiging isa na lamang siyang mumunting ala-ala at magbibigay sa 'yo ng aral.
Kahit ilang beses na pag balik-baliktarin ang pangalan ko, salungat pa rin iyon sa buhay ko.
Hindi ako masaya. I'm not happy with what I have right now. Siguro sasabihin ng iba na maswerte ako sa buhay ko dahil lahat ng gugustuhin ko ay nakukuha ko. Pero hindi ako.
Dahil mas gugustuhin ko pang wala ako ng mga materyal na bagay na mayroon ako ngayon at masaya. Kaysa naman sa tinatamasa ko nga ang marangyang buhay ngunit hindi ko naman magawang tumawa ng totoo.
Hangga't maaari, ayokong magpapasok ng tao sa buhay ko ng ganun na lang kadali. I built a wall upang hindi sila tuluyang makapasok. May itinayo akong matayog na pader sa buhay ko upang hindi malamam ng mga taong nakapalibot sa akin ang problema ko.
Hindi ako handang buksan ang buhay ko para sa ibang tao at hindi ko alam kung kaylan ako magiging handa. O baka nga ay hindi na.
I heaved a sighed then massage my temple. I shrugged my thoughts off.
Itiniklop ko ang aking laptop matapos kong magtipa ng pinaka huling kabanata ng aking sinusulat na nobela.
Nakakatawa at nakakaramdam ako ng inggit sa mga tauhan ng sinusulat ko.
The characters of my novel found their happy ending already. Samantalang ako ay nag-uumpisa pa lamang tahakin ang buhay ko. At hindi ko alam kung anu ang kahihinatnan nito. Hindi ko alam kung kaylan matatapos at hindi ko alam kung magiging masaya din ba ako sa dulo katulad ng sa isinusulat ko.
I glanced at my wrist watch and stood up nang makita ang oras. Hapon na ngunit napakadami pa ring mga estudyante.
Kung pagmamasdan ko, kaya kong magsulat ng synopsis ng nobela patungkol sa kanila. Kaya ko silang manipulahin sa isipan ko at mag-isip ng pupwedeng mangyari sa kanila.
Pero hindi ako ganun. I'm not selfish. Hindi porque't nakikita ko silang masaya ngayon ay maiinggit na ako. Hindi ko kayang baligtarin ang buhay nila sa nobela ko katulad ng ginagawa ko sa akin.
Naabutan kong abala si Mutya sa pagtingin ng kung ano sa kaniyang laptop. Nang makita niya ako ay agad nito iyong itiniklop at napakalaki ng ngiting sinalubong ako.
"Ligaya!" Tumili ito at inalog alog ang balikat ko. "These is what I'm talking about. These is what I like being college student!" hyper na pagkakasabi nito.
"Ano ba 'yon?" Umupo ako sa aking upuan at pinasadahan ng haplos ang aking buhok. Nagulo ito kanina dahil masyadong mahangin sa labas. Ayoko ko pa namang nagugulo ang buhok ko.
"The schedule of the events are already out! Inilabas na ni Pres. Messiah honeybunch ang schedule. And takenote, sunod-sunod!" Muli nitong binuksan ang laptop at inilapit sa akin.
Tiningnan ko ang website ng HIS U at tama nga ang sinasabi ni Mutya. Unang gaganapin ay ang Sport Fest, sunod ang Freshmen night o tinatawag na acquaintance party.
"After the said event ay ipapadala ang basketball team sa Maynila upang makipaglaban sa ibang mga Universities! Gosh! I'm so excited! Magpapasukat na ako ng gown for the party!"
Kaya pala panay na ang practice ng mga athlete's nang madaanan ko sa soccer field kanina.
"Aren't you excited?"
Ibinalik ko kay Mutya ang laptop matapos kong tingnan ang mga schedules ng event. Nangibitbalikat ako. "Malayo pa naman," I said nonchalantly. I even shrugged my shoulders at her.
Ang totoo niyan ay hindi ko alam ang sagot sa tanong ni Mutya. Hindi ko alam kung magiging excited ako dahil wala akong hilig sa mga ganoong event. Acquaintance party iyon, which means ay may makikilalala kang ibang tao. Hangga't maaari, ayokong magpapasok ng ibang tao sa buhay ko. Sapat nang si Mutya lang ang kakilala ko dito sa university. Ayoko ko ng madaming kaibigan. Pakiramdam ko ay mai-expose ko ang problema ko kapag ganun ang nangyari.
"Anu ka ba! Usap-usapan na 'yon kaninang umaga pa. Tapos ikaw hindi interesado!" hindi makapaniwalang saad ni Mutya sa akin. Inginuso nito ang labi nito at padabog na bumalik sa kaniyang upuan.
Hindi ko inintindi si Mutya. Nginitian ko lang ito ng tipid at hindi na nagkomento pa. Ibinaling ko ang paningin ko sa labas ng bintana.
Tanaw ko pa rin mula dito ang mga players na abala sa kani-kanilang sports. Napaangat pa ang aking kilay nang makita si Pres.Joachim. Naka-jersey ito at basketball shorts. Mukhang papasok dito sa building namin.
"Pero alam mo kung sino ang swerte sa event na 'to? Iyong mga kasali sa State's Man club!"
Halos mapatalon ako sa gulat nang muli kong marinig ang boses ni Mutya. Agad din akong napalingon dito dahil nakuha nito ang atensyon ko dahil sa sinabi niya.
Inalis ko ang tingin ko kay Pres.Joachim at ibinaling kay Mutya. "What do you mean?"
Lumaki ang ngisi nito. "Isa kasi sa kanila ang pwedeng isama sa Maynila kasama ang Basketball team para icover ang mga nangyari. Gusto ko nga sanang sumali sa club na 'yon kaso wala akong talent sa pagsusulat---teka, ikaw ba Ligaya, ano palang club ang sinalihan mo?"
Nag-iwas ako sa kanya ng tingin. "Hindi ako natanggap." Hindi ako natanggap dahil puno ng ere sa katawan ang Presidente ng State's man club.
"Aww, that's bad! What's your plan then? Planning to join another club?"
Umiling ako.
Wala pa akong plano sa ngayon. Gusto ko munang pahupain ang inis ko kay Joachim bago sumali sa iba o... hindi na lang. I'm not into sports, hindi rin ako marunong kumanta at sumayaw. State's Man club is the only choice I have pero nasira naman.
"Wala kang sasalihan?!"
Gulat akong napaigtad sa pagkaka-yungko ng aking ulo dahil sa sigaw ni Mutya.
"Anu ka ba?! Nakakagulat ka naman!" ani ko. Bigla kasing tumaas ang boses nito.
Nag-peace sign naman ito at alanganing ngumiti sa akin. "Sorry. Nagulat lang kasi ako na wala kang sasalihan. Hindi kasi 'yon pwede, Ligaya! It's mandatory to join in any club. Hindi pwedeng walang ibang pinagkakaabalahan ang mga estudyante dito maliban sa pag-aaral!" muli na namang tumaas ang boses nito.
"Stop shouting, Mutya," pagsuway ko sa kanya. Hinawakan ko pa ang aking teynga dahil sumakit ito sa tinis ng boses niya. "If it's mandatory, bakit wala kang sinalihan? You said you don't want to join sa kahit anong club?"
Humalakhak ito. "I changed my mind. Kagabi ko lang na-discover yung talent ko. Magaling pala akong sumayaw at kumanta and take note... ang umarte," she wiggle her brow, laughed again at maya-maya lang ay nanlilisik na ang matang tinitigan ako.
Bigla naman akong nangilabot at napatayo. "Kaylanman ay hindi mapapasayo si Messiah! Mapapatay kita sa oras na agawin mo siya mula sa akin!" Humakbang ito papalapit at umangat sa ere ang kaniyang kanang kamay.
Napapikit ako at hinitay na lamang dumapo ang palad niya sa aking pisngi. Ngunit agad ding napadilat nang umalingawngaw ang nakakakilabot na boses ni Mrs.Manoguid. "What do you think you are doing, Miss. Fabrigas?!"
Humalakhak ang ilang blockmates namin dahil doon.
"Opps." Mahinang natawa si Mutya at humarap sa unahan. "I'm sorry, Mrs. Manoguid," anito at bumalik sa kaniyang kinauupuan.
Nakahinga naman ako ng maluwag at naupo sa kaniyang tabi.
"Ayos ba? Pasado na ba ako kapag nag-audition ako?" Pagkindat nito sa akin. Napailing na lamang ako at itinuon ang atensyon sa unahan.
Muling humalakhak si Mutya at may kung anong sinabi na naging dahilan ng pag-lingon ko sa kaniya.
"But I'm serious. I won't let anyone to own, Messiah. He's mine already."
Natigilan ako sa sinabi niyang iyon. Hindi ko alam ngunit umapekto iyon sa akin. Kumirot ang aking dibdib sa kaalamang may iba nang umaangkin kay Messiah.
Hindi ko na alam kung bakit ba nararamdaman ko ang bagay na 'to. Hindi ko alam kung bakit ganun na lamang ang kabang nararamdaman ko kahit pangalan pa lang niya ang naririnig ko.
You know it but you keep on denying it!
Umiling ako. Kinokontra ko ang aking isipan. Hindi pwede. Hindi pwedeng sa unang pagkikita ko pa lang sa kaniya ay ganun na ang epekto nito sa akin. Sa nobela lamang nangyayari ang bagay na 'yon. Hindi pwedeng mangyari sa totoong buhay.
Muli akong napa-iling. Love at first sight is not f*****g true! It's not existing! Sa mga libro lang uso ang ganun!
"Yes, Miss Secorata? Iling ka nang iling. Masakit ba ang ulo mo o may problema ka lang sa itinuturo ko?"
Natigilan ako bigla nang tawagin ako ng propesor sa harapan. Inalis nito ang salaming suot at naningkit ang matang sinuri ako.
"I--I'm sorry, Miss." Napaiwas ako ng tingin.
Hindi na umimik pa ang propesor at bumalik na ito sa pagtuturo. Napabuga naman ako ng hangin at pinilit na makinig sa klase kahit na napakagulo ng isipan ko ngayon.
"Are you okay?" bulong naman ni Mutya na tinanguhan ko na lamang.
***