ISANG oras pa ang lumipas at natapos na ang klase na siyang ipinagpapasalamat ko. Madilim na sa labas at gusto ko nang dumiretso pa-uwi upang magpahinga ng maaga. Pakiramdam ko kasi ay pagod na pagod ako ngayong araw kahit wala pa naman gaanong ginagawa.
"Sabay ka na sa 'kin, Ligaya. Malayo pa ang gate. Tapos gabi na."
Hindi man komportable ay pumayag ako sa alok ni Mutya. Makakatulong iyon at hindi na ako mapapagod papalabas ng campus. Lalo na at ang layo layo pa ng main gate mula dito sa building ng department namin
"Sure! Thank you, Mutya!" nakangiting sambit ko naman sa kanya.
Dumiretso na kaming dalawa sa parking lot. Nadaanan pa namin si Joachim na may kaharutang babae. Napasulyap naman ito sa aming dalawa. Nakita ko pang nagpaalam ito sa kasama niya at naglakad patungo sa direksyon namin.
"Sinong tinitingnan mo?" Mukhang napansin ni Mutya na malayo ang tingin ko. Sinundan pa nito kung saan ako nakatingin ngunit inilingan ko lamang siya at pina-una na itong pumasok sa loob ng sasakyan niya. Mabuti at mabilis naman itong tumalima.
"Wala. Sa labas na lang ng gate mo ako ibaba, Mutya," sambit ko dito. Sumunod na rin ako sa loob. Sa passenger seat na ako umupo.
"Ha? Hatid na lang kaya kita? Delikado na sa daan lalo na at gabi na. 'Wag ka nang mag-tricycle, Ligaya," sambit niya sa akin habang ini-start na ang makina ng sasakyan. She started the engine then manuever it.
Napailing naman ako bilang pagtutol sa alok niya sa akin.
Ang alam ni Mutya ay iskolar ako ng Unibersidad kaya hindi na ito nagtataka kapag tuwing uwian at sumasakay ako ng tricyle. Pero hindi naman iyon totoo. Ngunit wala akong balak na ipaalam sa kaniya ang totoong dahilan kung bakit ako nag sinungaling sa kaniya. I just want to stay lowkey.
Besides hindi ko siya ganun kakilala para ikwento ang mga problema ko.
Muli akong napailing sa kanya. "'Wag na at mapapalayo ka pa. Besides, you are right. Gabi na at baka hinahanap ka na sa inyo," pagtanggi ko naman.
Madami pang naging dahilan si Mutya para lang makumbinsi ako ngunit sa huli ay hindi niya ako napapayag.
"Next time, hindi na ako papayag na hindi ka ihatid. Basta mag-iingat ka ha? Text me when you got home already."
Tumango ako dito. Hanggang sa ilang saglit pa ay nakarating na kami sa may gate. Bumaba ako doon at saka nagpasalamat sa kanya.
"Thank you! Mag-iingat ka!" sambit ko sa kanya.
"You too, Ligaya! Take care!"
Kumaway lang ako at nginitian si Mutya. At nang hindi ko na matanaw ang sasakyan niya ay saka ako dumiretso sa paradahan ng tricycle sa labas.
Pumasok ako sa unang sasakyan na nakapila at pumwesto sa loob ng upo. Sinabi ko sa driver aking address habang abala ako sa paghahanap ng wallet sa bag ko.
Naramdaman ko ang pag-alis na ng sasakyan kaya umayos ako ng upo lalo na at pununan na rin sa loob. Nang makita ko ang wallet ay cellphone naman ang aking pinagka-abalahan.
Akmang ilalagay ko ang earphones sa aking tenga nang matigilan ako nang humalakhak ang driver ng tricycle.
Natigilan ako dahil pamilyar ang boses nito lalo na nang mag-salita pa ito. "Kanina ka pa nandidito, Hijo, para hintayin iyang kasintahan mo, pero ni lumingon upang sulyapan ang gwapo mong mukha ay hindi magawa."
Sa sinabing 'yon ay doon lamang ako napalingon sa mga nakasakay ko. Inisa-isa ko ito at hindi nabigo ang puso ko dahil ang dahilan ng pagkalabog ng mabilis nito ay katabi ko lang pala.
Nagtama ang paningin naming dalawa ngunit agad ko ding iniiwas iyon at inilagay ang earphone sa aking tenga. Nangibitbalikat ako at hindi pinansin ito. Nagkunwari akong walang narinig sa sinabi ni Manong driver.
Malay ko ba kung ako o hindi ang tinutukoy ng driver. Hindi ko naman kilala si Messiah para mapagkamalang kasintahan niya. At saka, bukod sa akin, may isa pang babae akong nakasabay sumakay bago umalis ang tricycle kanina.
So I just shrugged the thought off. Ayoko kong maging assuming.
Hanggang sa makababa ako ay dinig na dinig ko pa rin ang walang tigil na panunudyo ng driver kay Messiah. Dinig ko iyon kahit nakasuot ako ng earphones. Ngunit katulad kanina ay hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin.
I just listened to a music para kumalma ang isipan at puso ko.
"Wala raw ho bang goodbye kiss, r'yan..."
"Ho?" Napakunot ang noo ko. Tinanggal ko ang pagkakakabit ng earphone sa tenga ko. Gusto ko kasing malaman kung hindi ako nagkakamali sa narinig ko.
Ako na lamang at si Messiah ang pasaherong natitira dito sa loob ng tricycle. Kaya alam kong para sa akin ang tanong na iyon ni Manong.
"May sinasabi ho ba kayo?" sambit ko pa.
Ngunit bago pa man makapagsalita si Manong driver ay narinig ko na ang baritonong boses ni Messiah.
"Manong, let's go." Sa buong durasyon ng biyahe ay iyon lamang ang unang beses na narinig kong nagsalita si Messiah. Kumpara kahapon na talagang napapahalakhak ito sa usapan nilang dalawa ni Manong driver.
Pasimple kong sinulyapan si Messiah ngunit diretso lang ang tingin nito sa harapan.
Hindi na rin naman inulit ni Manong ang sinabi niya kanina at nginitian na lamang ako nito. Nangibit balikat na lamang din ako at tinalikuran sila. Ibinalik ko ang earphones sa teynga ko at saka walang lingon-lingong pumasok sa loob ng bahay.
"Ginabi ka ngayon, anak?"
Bungad na tanong sa akin ni Nanay. Naka-upo silang dalawa ni tatay at magkatabi habang abala sa panunuod ng telebisyon. Pinatay din nila iyon at sinalubong ako.
"Gabi na ho kasi kami pinalabas ng Professor, Nay." Lumapit ako sa kanila at saka nagmano matapos ko silang halikan sa pisngi.
"Mabuti at maayos kang naka-uwi," ani naman tatay at iginaya ako sa kusina. "Tara na at kakain na, Ligaya."
Sumunod naman si Nanay at kumuha ng tatlong pinggan at inilagay sa mesa. Nagsandok na ito ng pagkain namin.
"Iyan nga ang sinasabi ko sa kaniya, Sito. Kahit naman tahimik ang Sagrada ay hindi pa rin mawawalan ng mga halang ang bituka..." sambit ni Nanay at saka naglagay ng pagkain sa pinggan ko. "Kumain ka ng madami, anak," anito pa sa akin.
"Salamat ho."
Matapos naming magdasal at magpasalamat dahil sa blessings na nasa mesa ay nagsimula na kaming kumain.
Tahimik lamang akong pinapakinggan mag-usap ang mag-asawa. Nakikisali lamang ako sa usapan nila sa tuwing may tinatanong sila sa akin.
"Ang sabi ko pa ay mag dorm na lang itong si Ligaya. Nahihirapan ng mag-adjust tuwing umaga dahil maaga ang pasok niya," dinig kong sambit ni Nanay.
"D'yan naman ako hindi makakapayag, Myrna. Pasensya na pero ayokong mag-dorm itong si Ligaya. Paano kung pasukin siya doon ng lalake?" nag-aalala namang sambit ni Tatay.
Napangiti at naiiling na lamang ako sa dalawang matanda. Alam kong kaligtasan ko lang ang inaalala nila kaya hindi ko magawang mag protesta. Bagkus ay natutuwa pa nga ang puso ko dahil sa concern na pinapakita nila sa akin.
Pareho silang tama. Ayaw lang akong mahirapan ni nanay dahil malayo ang byahe papuntang university. Samanatala si tatay naman ay nangangamba at baka mapahamak lang ako sa dorm.
"Naku, Sito! Sa loob naman ng Unibersidad ang Dorm. Mahigpit ang seguridad. Ano bang pinagsasabi mo r'yan?"
Natapos na ang hapunan ngunit ang pagtatalo nina Nanay ay tila wala ng katapusan. Hanggang sa magpaalam at pumasok ako sa silid ay naririnig ko pa rin ang kanilang boses. But in the end, si Tatay pa rin ang sumuko.
"Hay!" Nakangiting ipinikit ko ang aking mga mata nang dalawin ng antok.
It really feels good having a family like them.
***
"PLEASE, Ligaya. Please!"
Sumunod na araw ay hindi ko inaasahan ang pagpunta sa akin ni Jam sa aming department. Pinipilit ako nitong bumalik sa club ngunit umaayaw naman ako.
"I'm sorry, Jam. Pero ayoko talagang bumalik sa club n'yo. Ang yabang yabang masyado ng presidente ninyo," sambit ko sa kanya. Nilagpasan ko si Jammailah at saka ako pumasok sa loob ng room.
I wasn't expecting na pakikiusapan niya akong bumalik sa club. Pero ang yabang ng presidente kaya parang nawalan ako ng gana.
Kaya kahit na hindi ko hilig ang pag-sayaw, pipilitin ko na doon na lang mag-audition. Atleast, nandodoon si Mutya. May mag-cheer sa akin kung sakaling mapahiya ako.
"That's Jammailah, right?" Nakatingin pa rin si Mutya sa apalayong pigura ni Jam. Nasa pintuan ito at tila hinaharangan ang pagdaan ng ilan naming blockmates.
"Paano mo nakilala si Jam?" Nakakunot naman ang noong tanong ko. Nakapagtataka kasi itong si Mutya. We're both freshmen pero parang lahat ng tao dito sa Unibersidad ay kilala niya na.
Nakita kong kinuha nito ang kaniyang telepono at may kung anong tinipa doon bago bumaling sa akin. "I did some research. Kilala ko ang lahat ng mga taong may kaugnayan kay Messiah. Besides, my cousin's part of State's man club."
Napaayos ako ng tayo nang marinig ko ang pangalan ni Messiah. Napakunot din ang noo ko.
"Paanong may kaugnayan kay Messiah?" Hindi ko pinahalatang interesado ako sa tanong ko. Binuksan ko pa ang aking laptop at nagkunwaring may tinitipa. I acted calm. Pero ang totoo niyan ay naiintriga ako sa sinabi niya.
"All clubs in HIS U are connected to the student council president. Bago sila makakagawa ng hakbang mula sa kanilang club ay kaylangan muna maapprubahan mula sa Presidente. Jammailah is the secretary of the said club, kaya ayun..." Mutya shrugged her shoulders.
Napatango tango naman ako. Naiintindihan ko ang ibig niyang sabihin.
Hindi na ako naimik pa at nagreview na lamang. Napaangat ako ng tingin nang makitang hawak-hawak ni Mutya ang kaniyang bag. "Aalis ka? Saan ka pupunta?"
"I'm meeting someone." Pagkindat nito sa akin at nauna ng umalis.
Napailing na lang ako. Kung kaylan malapit nang magsimula ang klase ay saka naman aalis si Mutya.
At hanggang sa matapos nfa ang huling klase para ngayong umaga ay hindi na bumalik si Mutya. I sent her a message pero katulad ng sinagot niya kanina, ganun din sa telepono; she's meeting someone. Hindi ko rin siya nakasabay mananghalian.
I have an hour vacant before my afternoon class start so I decided to go to rooftop upang magpahangin. Ayoko ng maingay kaya doon ko napagdesisyunang pumunta. Hindi naman pwede sa field dahil madami ang mga naglalaro doon.
"Refreshing," ani ko at idinipa ang magkabilang kamay ko upang mas malanghap pa ang sariwang hangin.
Ang sariwang hangin ang isa sa gusto ko sa province. Nakakapag-relax kasi at ang sarap-sarap sa balat.
Nagtungo ako isa sa mga bench at naupo doon. Inilabas ko ang libro ko at hinanap ang page king saan ako natapos sa pagbabasa kanina.
Masyado na akong nadadala sa linya ng karakter na lalake nang makarinig ako ng kaluskos. Isinawalang bahala ko iyon ngunit mayamaya ay muli ko na namang narinig ang pagkaluskos na iyon. Sinundan ko ang tunog upang tingnan dahin nawala na ako sa focus sa pagbabasa.
Nakarating ako banda sa may dulo. Iyong hindi na makikita sa bungad pag-akyat ng rooftop.
"Claudio, I have to go..." ani ng boses na tila gusto nang umalis pero kabaligtaran sa tono ng kanyang tinig.
Muli pa akong naglakad hanggang sa tuluyan na akong nakalapit. Malinaw na din sa akin ang boses ng nagsasalita.
"My next class would start in any minute."
My forehead creased nang makilala ko ang boses ng nagsasalita.
Dahan-dahan kong inihakbang ang aking paa at hindi na ako nagulat sa nakita ko. Ngunit dinagundong ng kaba ang dibdib ko dahil ang lalakeng kayakap ni Mutya ay parang si Messiah. Kulay tsokolate at mahaba din ang buhok nito.
"Mamaya na lang," muling ani Mutya at hinaplos ang likod nito. Ibinaon naman ng huli ang mukha sa leeg ng kaibigan ko. "Claudio, stop it!" gigil at malanding bulong ni Mutya.
Napailing ako. Hindi ako makapaniwalang makikita ko si Mutya sa ganitong sitwasyon. I know she's liberated pero hindi ko akalaing magagawa niya ito mismo sa paaralan. Sa paaralan kung saan pinanatili ang pagiging konserbatibo.
Gusto ko ding sampalin ang sarili ko dahil paano kong naiisip na si Messiah ang kasama ni Mutya? He's the President kaya hindi niya magagagawang bumali sa batas ng sarili niyang paaralan.
Napahilot ako sa aking sintido at bago pa man nila ako makita ay umalis na ako. Bumalik ako sa building at doon pinagpatuloy ang pagbabasa ko.
Kalahating oras pa at dumating na si Mutya, kasunod nito ang aming Propesor.
"Hi, Ligaya!" bati niya sa akin.
Tinanguhan ko lang ito at hindi nililingon. Ako ang nahihiya sa nakita ko kanina. Hindi ko alam na nakikipag-ganun na siya sa mga lalake.
"Sungit naman!" Halakhak nito at saka naupo sa aking tabi. Muli nitong nilabas ang cellphone niya at may kung anu-anong pinagpipindot doon. Hindi nito iniintindi kahit nariyan ang guro sa harapan.
"Sorry," hilaw ang naging ngisi ko sa sinabi niyo. Bahagya ko lamang pinilig ang ulo ko at muling binalik ang atensyon sa unahan.
Wala akong oras makipagkwentuhan sa kanya ngayon. Mas gusto kong matuto kesa ang makipagkwentuhan.
***
NATAPOS na ang klase at inaayos ko na lamang ang mga gamit ko. Nauna na ring umalis si Mutya dahil may pupuntahan pa raw ito. Mukha ngang nagmamadali.
Inilagay ko ang laptop sa bag ko at lumabas na ng silid. Ngunit hindi ako maka-alis dahil may mga sophomore at freshmen students ang nakahara sa daan. May kung anu silang pinagkakaguluhan.
"Excuse me..." Dumaan ako sa gilid at nagpapasalamat naman ako dahil hindi ako nahirapang makipagsiksikan.
Pababa na ako ng hagdan nang siyang may tumawag naman sa pangalan ko.
"Ligaya, wait up! Hinintay kita ng dalawang oras, hindi pwedeng mauwi lang 'yon sa wala!"
Natigilan ako at nilingon ang tumatawag sa akin. Napangiwi pa ako nang makita ko ang gulo-gulong buhok ni Joachim. Hindi na ako magtataka kung siya ang pinagkakaguluhan ng mga kababaihan kanina.
Ganun ba siya kagwapo at kasikat sa iba para pagkaguluhan?
"Anong kaylangan mo, President?" diniinan ko ang huling salitang aking sinabi.
"You're hired." Malawak ang pagkakangisi nito sa akin. Dire-diretso din ang pagsabi nito.
Nangunot naman ang aking noo sa sinabi niya. "Wala akong naaalalang nag-apply ako ng trabaho sa 'yo," sarkastikong sambit ko. Natawa pa ako at saka nilagpasan ito.
"Oh c'mon! I mean, in the club! Nabasa ko iyong tulang ginawa mo. Please, sumali ka na ulit sa club!" Habol nito sa akin.
Napailing naman ako. "Sorry, Joachim but no." Nagpatuloy ako sa paglalakad.
Tinahak ko ang daan patungong paradahan ng tricycle pero hanggang sa makarating ako doon, nakasunod pa rin sa akin si Joachim.
"What the! Lumabas ka nga, Joachim!"
Pumasok kasi ito sa loob ng tricycle. Pinagtitinginan na kami dahil sa pangungulit niya.
"Please, Ligaya."
Bumuntong hininga ako at itinulak ito upang makalabas ng tricycle. Ang kulit-kulit!
"Ouch!" anito nang mauntog. Napangiwi pa ito habang hinahaplos ang ulo niya.
"S-sorry, ikaw kasi." Tumingkayad ako at hinipan ang kaniyang noo. "Sorry na. Masakit pa ba?" Nataranta ako nang hindi ito umimik. Sinulyapan ko ang aking relo. Alas kwatro pa lang, hindi pa sarado ang clinic. "Halika!" Hinawakan ko siya sa palapulsuhan nita. Akmang hihilahin ko siya pabalik sa loob ng campus sana.
"A-ano? Halikan?" anito at lumapit sa akin. Akmang dudukwang ito sa akin.
Ngunit hindi pa man siya tuluyang nakakalapit ay dumagundong naman ang madiing boses ni Messiah. "What do you think you're doing, Buenavidez? No PDA in my school!" mababa ngunit puno ng awtoridad na saad nito.
"Uh-uh..." ani Joachim, tila sumusuko dahil sa kasalanang ginawa.
Napalingon ako kay Messiah. Blangko ang kaniyang itsura. Umiigting ang panga habang nakatitig sa kamay kong nakahawak sa palapulsuhan ni Joachim