"CONGRATULATION Mutya! You nailed it! Ang galing-galing mo kanina!" pagbati ko sa kanya. Katatapos pa lang nilang mag-perform para sa cheer dance competition kanina. This was the first time I saw her dancing na hataw na hataw kumpara sa mga nakaraang practice niya. Kung malisyosa lang akong tao ay iisipin kong pinapasikatan niya si Messiah dahil panay ang sulyap niya dito kanina habang nagpe-perform siya. Pero ayoko ko na lang isipin ang tungkol sa bagay na 'yon lalo na at madami rin akong kaylangan gawin ngayong araw. At hindi kasali ang pagtakbo ni Messiah sa isipan ko. "Thanks!" Umindak ito sa harapan ko at bahagyang pinagpagan ang suot niyang University Jacket. We're here at the bench at kasalukuyang nagpapahinga. Isang oras na ang nakalipas at hindi pa rin matawaran ang saya n

