SUMUNOD na araw ay maaga kaming nagtungo sa Park International School. Maaga rin naman akong naggising dahil maaga akong nakatulog kagabi sa kabila ng mga iniisip lo. "DITO tayo, Ligaya..." Iginaya ako ni Kervin papasok sa loob ny locker room ng Basketball Team. Unang bumungad sa paningin ko ay si Fabian na sinalubong ako ng tingin. Tinanguan ko siya as acknowledgement saka sila hinintay na matapos. Bahagya nga akong nag-alangan pumasok doon lalo na at lahat sila lalake doon sa loob. Pero sinugurado naman ni Kervin na okay lang. Nakita kong abala ang team sa paghahanda para sa laban nila ngayon. Inilibot ko ang paningin at naroon si Coach sa loob. May kung anu silang pinag-uusapan hawak ang isang maliit na board at pen at doon sinusulat ang kanilang taktika. "Go Blue Panthers!" siga

