APAT na araw mula ngayon bago gaganapin ang nalalapit na Sports Festival. Abala na ang lahat ng mga estudyante sa bawat activity na sinalihan nila. Puspusan na rin ang training ng mga athletes. Maging ako ay abala na rin dahil sa madaming gawain sa club. Matapos ang klase ay didiretso ako sa lugar na in-assign sa akin ni Joachim para kumuha ng scope. Apat na araw na rin ang nakalipas simula nang mangyaring kahihiyan ko sa club. Nagpapasalamat ako at wala naman na silang nabanggit tungkol doon. “Hi Ligaya!” Kinawayan ko si Mutya nang tawagin ako nito. Katulad ko ay abala na rin ito para sa cheer dance competition. Narito kami ngayon sa loob ng gym. Sila, abala sa pag practice, ako naman ay abala sa pagkuha ng info sa kanilang ginagawa. Kaylangan ko rin interview-hin si Claudio dahil

