PAPASIKAT pa lamang ang araw ngunit naliligo na sa pawis ang katawan ko. Suot ang kulay asul na sports bra na umabot sa kalahati ng aking tyan at leggings na pinaresan ng sneakers, nagtungo ako sa oval ng concepcion upang mag jogging. Ipinatong ko ang magkabila kong kamay sa tuhod ko at habol ang hiningang nagpahinga ako. Nang makabawi ay muli akong tumakbo at nag-ikot sa oval. Sa linggo na ito ay ngayon ko na lang nagawa ang mag-jogging dahil parating maaga ang pasok ko. Sa hapon naman ay gabi na ako kung umuwi kaya masyado ring abala ang buong maghapon ko. Sabado ngayon at nagpapasalamat ako na mapayapa ang araw ko. Walang tilian ng mga kababaihan, makulit na si President Joachim at walang Messiah na basta-basta na lang nanghihila sa akin. Hindi ko pa rin maintindihan ang mga iki

