‘In a world where everyone is over exposed, the coolest thing you can do is maintain your mystery.’ -Third Person’s POV- Kasalukuyan namang papunta sa isang coffee shop si Detective Portman kung saan nakapag-kasunduan nila ni Detective Gallardo na magkita. Matapos ang halos kalahating oras na byahe ay nakarating din ang detective sa kanyang destinasyon. Matapos maiparada ang kanyang sasakyan ay kaagad itong nagtungo sa loob at do’n ay nakita niya ang kaibigan na kanina pa naghihintay. “Long time no see,” bati ni Detective Gallardo ng makita ang papalapit na detective. “Yeah, long time no see,” sagot naman nito saka naupo sa kaharap na upuan. “Ano ‘yong ‘mahalagang impormasyon na sasabihin mo at sinadya mo pa talaga ako rito sa San Bernin?” tanong kaagad nito ng makaupo. “Chill out, m

