‘Sometimes the right path is not the easiest one.’ – Pocahontas -Third Person’s POV- Nagising si Detective Portman ng maalimpungatan siya dahil sa kalansing ng mga bakal. Hindi niya kaagad naidilat ang kayang mata dahil nasilaw siya sa liwanag ng buong paligid. Ang huling natatandaan niya ay nawalan siya ng malay matapos siyang paluin sa likod ng ulo ng isang lalaki at pagtulungan siyang buhatin nito. Bukod do’n ay wala na siyang ibang matandaan. Hindi niya rin alam kung nasaang lugar siya ngayon dahil wala siyang malay buong byahe. Nang makapag-adjust ang kanyang mata sa liwanag ay dahan-dahan niyang idinilat ang kanyang mata. Hindi pa namamalayan ng mga tao sa loob ng bodega na nagising na siya dahil abala ang mga ito sa kani-kanilang ginagawa. Nakabitin ang detective habang naka

