‘What you do in this world is a matter of no consequence. The question is what you can make people believe you have done.’ [A Study in Scarlet] Arthur Conan Doyle -Third Person’s POV- Kahit na nahihilo ay pinilit ni Detective Portman ang sarili na hindi mawalan ng ulirat. Dala-dala ang kahoy na nakuha ay dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa pinto na nakita kanina. Nang tuluyang makalapit sa pinto ay dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at bumungad sa kanya ang tahimik na pasilyo. Mula sa kwarto na pinanggalingan niya ay mukhang maliit lamang ang buong bodega, ngunit kabaliktaran nito ang labas dahil malawak at maraming pasikot-sikot ang buong lugar. Dahan-dahan siyang naglakad sa pasilyo habang pinapakinggan ang buong paligid. Hindi na rin makalakad ng maayos ang detective dahil

