‘Everything we do, every thought we’ve ever had, is produced by the human brain. But exactly how it operates remains one of the biggest unsolved mysteries, and it seems the more we probe its secrets, the more surprises we find.’ – Neil deGrasse Tyson -Donovan’s POV- “Tingin ko ay kailangan mong pumunta ng ospital para matignan ka, hindi p’wedeng nalapatan ka lang ng paunang lunas,” Detective Villares said. “Hindi na, ayos lang ako,” pagpupumilit ko. Ayos lang naman kasi talaga ako, kahit na marami na akong sugat na natamo ay kaya ko pa. “Team leader, you need to listen to us. Kailangan mong maging malakas at malusog para sa ganitong kahirap at kadelikado na trabaho. Kailangan mo nang pumunta ng ospital ngayon,” mahabang paliwanag ni Detective Raynolds. “Pagkatapos nito magpapahinga

