ERICA POV
NAABUTAN niya si Jake na nakabusangot ang mukha habang nakaharap kay Manager Sotto, sa HR head Office na si Mrs. Cloma at ang matabang lalaking guest na si Mr. Dela Rosa.
"Ayan – 'yan tomboy na 'yan ang bumangga sakin !" bulalas ni Mr. Dela Rosa pagkakita sa kanya. Dinuro pa sya. Tsk !
Anak ng ! Nakapagkamalan na ngang bakla.. pati ba naman tomboy ?
"Anong pinagsasabi mong binangga ka? Asshóle, ikaw ang bumangga sa kasama ko !" singhal ni Jake at akma susugurin si Mr. Dela Rosa pero maagap na naawat ito ni Manager Sotto at Mang Piyo.
"Anong klaseng empleyado ang meron kayo dito?! Walang class ! Halatang walang pinag aralan, mga basagulero kung umakto," bulyaw ni Mr. Dela Rosa.
Matalim ang mga matang sinulyapan siya ni Mr. Dela Rosa sabay turo.
"You– son of bítch !" malakas na sigaw nito. Kinagulat pa niya ang paglapit ni Mr. Dela Rosa sa kan'ya at kinuwelyuhan siya.
"Don't touch her–"
Aminado siyang nakaramdam siya ng matinding takot. Akala niya kasi ay susuntukin siya nito, kaya mariin napapikit siya.
Subalit imbes na antayin ang suntok na dadapo sa mukha nya. Narinig niya ang malakas na kalabog, sanhi para mapadilat siya. Nakita niya si Mr. Dela Rosa na nakabulagta at nasa ibabaw nito si Jake na panay ang suntok.
Natameme siya saka nag-sink in sa utak niya ang isinigaw ni Jake. Did he said Don't touch HER? Wait– Bakit HER ? siguro dahil ang alam nito ay bakla siya? Gano'n ba?
"Awatin mo si Jake– !" sigaw ni Mrs. Cloma sa kanya.
Doon lamang siya tila natauhan sa pagkakatulala niya. Kaagad siya tumulong kay Mang Piyo at Manager Sotto sa pag awat kay Jake.
Nahila ni Mang Piyo si Jake palayo kay Mr. Dela Rosa, mabilis siyang napayakap sa harapan ng binata para 'di na ito sumunggab pa habang hawak-hawak at nakaharang si Manager Sotto kay Mr. Dela Rosa.
"This isn't over," pagalit na sabi ni Mr. Dela Rosa. "Ipapakulong kita–" sabay duro kay Jake habang dumudugo ang gilid ng mata at putok ang labi.
"Be my guest– Oh, f**k you ! Wag ka na babalik dito," gumanti naman ng sigaw si Jake kahit panay sita na si Mang Piyo rito na wag na magsalita pa.
"Kung hindi ka man mapapatalsik sa trabaho, sisiguruhin kong masisira ang pangalang ng hotel na 'to! Mga walang mga modo ang empleyado niyo," galit na sabi uli ni Mr. Dela Rosa at malakas na tinulak si Manager Sotto sabay dura sa sahig dahil sa dumudugong labi.
Tumalilis na ng alis si Mr. Dela Rosa na agad sinundan ni Manager Sotto at Mrs. Cloma. Naiwan silang tatlo sa HR Office.
Malakas na hampas ang ginawa ni Mang Piyo sa balikat ni Jake.
"Ang sabi ko humingi kayo ng paumanhin pero anong ginawa mo, Jake– pinalala mo ang sitwasyon. Paano pag nalaman ito ng Daddy mo? Tiyak na tatanggalin ka na," may bahid na iritasyon wika ni Mang Piyo at naglipat-lipat ng tingin sa kanila ni Jake.
Hindi kumibo si Jake bagkus hinila lang siya nito palabas ng opisina. Wala naman siya nagawa kun'di ang nagpatianod habang hila-hila ni Jake. Sa barracks sila nagtungo, pagkapasok sa kwarto nila. Malakas na sinipa nito ang plastic drawer dahilan para mawasak at masira iyon.
Ramdam niya ang frustration nito. Tahimik siyang naupo sa kama. Pinagmasdan lang niya ang binata na nakatayo sa gilid ng pinto at nakayuko tila malalim ang iniisip.
Bumuntong hininga ito at humarap sa kanya. "You, okay?" nag aalalang tanong ng binata.
Kumunot ang noo niya.
"Ba't ako tinatanong mo? Ikaw 'to sabik na sabik sumuntok–"
Lumapit si Jake sa tabi niya. Sinapo ang dalawang pisngi niya at inilapit ang mukha nito sa mukha niya. Napalunok siya ng laway dahil sa sobrang lapit ng mga mukha nila. Ultimo langaw mahihiyang dumaan sa pagitan nila.
"H-Hindi ko alam, kung anong nangyari sa'kin basta... nainis ako ng banggain ka ng gagóng 'yon. Kanina pa ako nagtitimpi kaya ng hawakan ka niya kanina....nagdilim talaga ang paningin ko, di ko siya na tantiya– feeling ko nga kulang pa 'yon suntok ko sa tarantadóng 'yon."
Umingos siya at inalis ang mga kamay ni Jake sa mukha niya.
"Kulang? Dumudugo na ang labi at gilid ng mata non !" sita niya.
"So? Paano kung ikaw ang nasuntok? Tsk! Dapat lang sa kanya 'yon–"
"P-Pero matatanggal ka sa trabaho dahil sa ginawa mo at–"
Hindi na niya natuloy ang ibang sasabihin ng tumunog ang cellphone ni Jake. Bahagyang lumayo ito sa kanya at tumayo ng tuwid, saka sinagot ang tawag.
Hindi naka-loudspeaker kaya di niya alam kung sino ang tumawag sa binata ngunit base na rin sa reaksyon ng mukha nito parang tungkol pa rin sa issue kanina. Mayamaya ay lumingon si Jake sa kanya at ngumiti. Pilit na ngiti.
"Matulog ka na. Babalik lang ako sa hotel," kalmadong sabi nito na ikinatango na lang niya.
Nang makalabas na ang binata, napahugot na lang siya ng malalim na paghinga. Tumayo siya upang kumuha ng bihisan ng may mapansin sya sa kama nya. Nanlaki ang mga mata niya pati butas ng ilong niya.
Shiit ! Tang ína – may tagos siya sa bedsheet !
Natuptop niya ang bibig. "Napansin kaya ito ni Jake? Hindi siguro... nauna itong bumangon at pumasok kanina," kagat labing sabi niya sa sarili.
Kabobóng kabobó ka, Erica !
Mabilis niyang tinanggal ang bedsheet at pinalitan iyon ng bago. Medyo malakas ang daloy ng dugo niya kaya siguro tumagos. Tsk ! Ingat na ingat pa naman siya, buti na lang di napansin yon ni Jake dahil yari talaga siya.
Kahit pagod na siya, wala siyang choice kun'di labhan ang bedsheet at isampay agad 'yon sa labas para matuyo agad. Nang akma na siya babalik sa loob ng barracks ng mapansin niya sa gilid ng barracks si Jake kausap si Mang Piyo.
Halatang seryoso ang pinag uusapan ng mga ito. May kadiliman sa pinagsampayan niya kaya di sya kita ng dalawa kaya naisip niya lumapit ng kaunti.
"Mamili ka, Jake. Ikaw ang tatanggalin o si Rico–" mariin sabi ni Mang Piyo.
Tinambol ng kaba ang dibdib niya dahil sa narinig. Damn ! Mawawalan na ba siya ng trabaho?