22

1195 Words
JAKE POV "WHAT THE heck did you do?! Mr. Dela Rosa is a Senator ! Ang simple lang ng problema pero pinalala mo, kinailangan ko pang kausapin ng personal si Mr. Dela Rosa para hindi ka niya kasuhan–!!" malakas na bulyaw ni Daddy ng magkaharap sila sa private office nito sa hotel. Umingos siya. "Dad, may CCTV. Kitang kita sa camera na siya ang unang bumangga kay–" "f**k ! This is not about the employee who was hit. He's angry because you beat him up! You didn't even think. You didn't think about the reputation of the hotel," galit na bulyaw ni Daddy. Yeah, aminado na siya na masyadong padalos-dalos ang ginawa niya pagsuntok kay Mr. Dela Rosa. Ngunit, gusto lang niya protektahan ang mga empleyado sa hotel sa mga taong panget ang pag uugali. Hindi dahil kaibigan niya si Rico kun'di para sa lahat iyon. "Reputasyon? ng hotel ? Well, I beg to disagree, Dad. Kasi magkaiba tayo ng aspeto pagdating sa negosyo. Ikaw, ang importante lang sayo... lumago at makilala ang hotel. Yeah, it's normal– kaya ka nga businessman e'. Pero para sakin kasi– mas uunahin ko ang kapakanan ng mga empleyado ko. 'Yon mga taong nagpapaikot, nagpapagalaw at nag-aalaga ng negosyo ko ! 'Yon mga taong dahilan ba't lalago ang negosyo ko, sila ang uunahin ko dahil 'yon ang tama." Matapang na lintanya niya sa harap ni Daddy. "Mr. Dela Rosa is rude, conceited and thrasonical person, and I know you know that, Dad– At hinding hindi ako papayag na mananakit siya o manghahamak siya ng kahit na sinong empleyado sa hotel ! Not in my watch– So, I'm sorry for my obstinacy but I will never apologize to him nor beg him not to sue me. Kasuhan nya ko kung gusto nya, samahan ko pa sya," walang kakurap-kurap na dugtong niya. Bahala na kung magalit sa kanya si Daddy. Bahala na kung paalisin na siya sa hotel, basta wag lang matanggal si Rico. Hindi pa man siya sigurado subalit alam niyang may malalim itong rason kung bakit ito nagta-trabaho sa hotel, kaya ayaw niyang maalis ito. Napabuntong hininga si Daddy. Madilim pa rin ang anyo nito, halatang galit pa rin at hindi nagustuhan ang sinabi niya. Well, he don't care anymore. Kanya-kanya ng paniniwala at adhikain sa buhay lang 'yan. Kumbaga sa politiko, may dalawang klase lang. Una, pumasok sa pulitika dahil 'pera' – sa perang ibabayad sa kanila dahil uupo sila sa serbisyo. Pangalawa, pumasok sa pulitika dahil nais tumulong sa tao, nais gumanda at umasenso ang nasasakupan. At masasabi niyang, sa ilang linggong pumapasok siya araw-araw sa hotel. Iba't ibang uri ng guest ang nakakasalamuha nila. May mabait, may galante, may matapobre, may walang pakialam, may pa-VIP at may mga bastos din. Halo-halo, kaya nabibilib siya sa mga empleyado ng hotel na ginagawa ang lahat para magawa at maasikaso ng maayos ang mga guest. Hindi lang naman si Rico ang naging kaibigan niya sa hotel, marami rin. Malaking tulong ang pagiging janitor niya para makilala ang bawat mga taong bumubuo ng JMorriss Resort and Casino. Mula sa mataas hanggang sa pinakababa, lahat ng empleyado kailangan pantay pantay ang pagtrato dahil lahat sila importante sa loob ng hotel. Magsasalita pa sana siya dahil hindi umiimik si Daddy ng makarinig sila ng katok. Mayamaya pa ay marahan pumasok si Mang Piyo at lumapit sa gilid ni Daddy. May dala itong malapad na tablet saka inilahad iyon kay Daddy. Kumunot ang noo niya at bahagyang sinipat kung ano iyon. Kuha iyon ng CCTV sa hallway, kitang kita ang paglabas ni Mr. Dela Rosa sa isang kwarto. Nagmamadali ang kilos nito habang inaayos ang zipper ng pantalon nito sabay lakad takbo. Ilan minuto pa nawala na si Mr. Dela Rosa at may lumabas na isang chambermaid. Umiiyak at magulo ang ayos ng suot na uniform. Kilala nya ang babae, si Marie iyon. Tumikhim siya para pukawin ang atensyon ni Mang Piyo. Sumulyap naman ito sa kanya at nagsalita. "That's Marie Pempemco, isa sa mga chambermaid. Umamin siya na ginahasa siya ni Mr. Dela Rosa ng araw na 'yan. Iyan din ang oras na nabunggo ni Mr. Dela Rosa ang janitor na si Rico Padigdig sa may elevator– At magsasampa ng kaso si Ms. Pempemco laban kay Mr. Dela Rosa," wika ni Mang Piyo. Kuyom ang kamao ni Daddy. Hindi maipinta ang inis at galit sa mukha nito. Habang siya, parang gusto niyang hanapin si Mr. Dela Rosa at basagin pa lalo ang pagmumukha nito. Hindi lang pala masama ang ugali nito, rapist din ! That motherfúcker fúcking beech ! Malakas na hampas ang ginawa ni Daddy sa office table nito. "May murder case pang inaasikaso ang hotel – tapos ito naman. Rape case? Shít !" malakas na angil ni Daddy. Kahit siya mai-stress din siya sa nangyayari ngayon sa hotel. Hindi kaya siya talaga ang badluck sa hotel? Syempre, 'di 'yon totoo. Umayos siya ng tayo sa harap ni Daddy. "I know wala pa sa'kin ang hotel, but I want to help. Let me resolve those cases, bigyan mo ko ng chance ayusin ang lahat ng kaso at maibalik ang magandang tingin ng tao sa hotel–" Matiim na tumingin sa kanya si Daddy. Tila sinusukat nito kung kakayanin ba niya talaga o hindi. Ilan segundo pa ay humugot ito ng malalim na hininga at tumango tango. "Alright. Hahayaan kita sa balak mo, Jake. I'll give you a chance. Hindi makitid ang utak ko, kung alam kong mali hindi ko kukunsintihin 'yon. At tungkol, sa murder case – ako ng bahala don. Just focus on this one.. Ikaw na rin nagsabi, priority mo ang mga empleyado, pakita mo sakin kung paano mo aayusin ang gulong 'to." Tumango siya. "I will. Thanks for trusting me, Dad." "Of course, anak kita. Mas may tiwala ako sa'yo." Huminga siya ng malalim. Masaya siyang marinig na may tiwala si Daddy sa kanya at hahayaan siya nito ayusin ang gulo sa hotel. Tumingin siya kay Mang Piyo saka ngumisi. "Give me a copy of the CCTV footage. Bibigyan ko ng sampol ang matabang senador na 'yon para pumayat," nakakalokong sabi niya. "Tang ína lang niya sakin–" Naiiling na lang si Mang Piyo dahil sa sinabi niya at hinila na siya nito palabas ng private office ni Daddy. Mayamaya may naalala siyang tawagan na makakatulong sa kanya. Kinuha niya ang cellphone saka nag-dial. "Make sure this is important–" banat agad ni Shawn Rebato sa kabilang linya. "It is." "What is it?" tinatamad na tanong ni Shawn. "Kailangan ko ng number ni Cooper." "Oh.." "Yeah... Oh." "Don't tell me nakapatáy ka?" "Hmmm, malapit na, pag 'di mo pa binigay number nya." Malakas na natawa si Shawn. "Is that a threat? Nakakanginig ng buhok sa kilikili ah." "Sige, bye na. Si Charlene na lang kakausapin ko, ikukwento ko sa kanya na–" "I'll send the number now ! You, fúcking jerk. Bye !" Pagkababa ng tawag. Natanggap na niya ang text message ni Shawn na may number ni Cooper, sumilay ang kakaibang ngisi sa labi niya. Tsk, sorry– who you ka sakin, Mr. Dela Rosa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD