23

1058 Words
ERICA POV KANINA PA siya nag-aantay ng text o tawag mula kay Jake kung tuloy ba na magkikita sila. Linggo na kasi. Ilan araw itong di umuwi sa barracks kaya wala siya balita kung anong nangyari sa binata. Kung makapal lang ang mukha niya, magtatanong na sana siya kay Mang Piyo kaso nahihiya siya baka kung ano isipin. Napabuntong hininga siya ng malalim. Siguro aalis na lang siya upang magpunta kina Clarissa, baka biglang tumawag o mag-text si Jake sa kanya. Gustong gusto pa naman niya makita ang binata. Nag aalala na siya, kahit sana marinig lang niya ang boses nito para di na siya mag isip ng kung ano-ano. Pumasok na siya ng banyo para maligo. Nasa ilalim na siya ng shower nagsasabon ng katawan ng maulinigan niya may bumukas ng pinto ng kwarto at napaigtad pa sya sa gulat ng may sunod sunod na katok sa banyo. "Rico ! Rico ! Ikaw ba nandyan?–" Nanlaki ang mga mata niya ng marinig ang boses ni Onofre. Shít ! Bakit pumasok ito sa kwarto? Anong meron? "O-Oo, bakit ba?!" pinalaki nya ang boses at pagalit na sumigaw para marinig siya ng lalaki. Napahinto pa sya sa pagsasabon niya ng katawan at mukha. May mga bula din sa buhok niya na hindi pa niya nababanlawan. "Barado ang banyo sa baba. Natataé ako, pa-CR ako ! Dali na labas ka muna– taeng taé na ko talaga, Rico ! Rico !" malakas na sigaw ni Onofre na halata sa boses na emergency talaga ang gagawin nito. Tang ína ! Akma kukunin niya ang tuwalya sa towel rack pati ang bihisan na damit niya ng maalalang naiwan sa kama ang tuwalya at damit niya. Paktay !!! f**k ! Paano siya lalabas ng banyo? "Rico ! Please– Buksan mo na ! Dali na lalabas na ang taé ko !" natatarantang sabi ni Onofre. Palihim siyang napamura, natataranta na rin kasi siya. Di niya alam kung paano papaalisin si Onofre sa kwarto, hindi siya maaari lumabas ng banyo. Malalaman nito ang sikreto niya at mayayari siya pag nagkataon. "Uhmm, di pa ako tapos maligo. Mamaya na–" "Taéng tae na ko, Rico !!!" "S-Sa loob ka na lang hotel tumae ! Natataé din ako !" ganti sigaw niya. Kinalampag ni Onofre ang pinto ng banyo at pilit binubuksan. Nahindik siya sa ginagawa nito kaya lumapit sya sa pinto at hinawakan ang doorknob baka bigla kasi bumukas 'yon. Walang tigil pa rin kinakalampag ni Onofre ang pinto. "Naku, Rico– sisirain ko 'to pinto pag di mo binuksan." "Hoy ! Gago ka ba?! Makikibanyo ka na nga lang, maninira ka pa? Timang ka? At saka, di pa sabi ako tapos ! Sa iba ka magbanyo–" Napatili siya ng hampasin ni Onofre ang pinto. Sa lakas niyon parang mawawasak talaga ang pinto, mukha pa naman mumurahin ang pintuan ng banyo madaling masira. Shít ! Shít ! Ilan minuto pa naramdaman niya tinutulak ni Onofre pabukas ang pinto, kaya halos mamutla na siya sa takot at kaba lalo na ng tuluyan naalis ang lock ng pinto. Nasira ! f**k ! Humarang siya sa pinto, nagtutulakan silang dalawa ni Onofre sa pintuan. Pinipilit nito buksan ang pinto habang siya pinipilit niya isarado. "Putáng ina naman, Rico ! Buksan mo na–" Naiiyak na siya sa takot, pakiramdam niya na ha-harrass siya sa ginagawa ng lalaki. Nakahubad siya, as in walang saplot sa katawan. Paano na lang kung makita nito ang katawan niya? bukod sa nakakahiya, malalaman nito ang tinatago niyang sikreto. "At ano sa tingin mo ang ginagawa mo, ONOFRE ?!" Isang pamilyar at maawtoridad na boses ang narinig niya. Si Jake !! "Taeng tae na ko at gusto ko lang–" "Labas !" bulyaw ni Jake. Dumagundong yata ang boses ng binata sa buong kwarto dahil sa lakas. "Lumabas ka ! Nakita mo ng ayaw ni Rico 'di ba? Matuto kang rumespeto, hindi 'yon papasok ka sa ibang kwarto ng basta basta. Labas !" "Tang ínang 'yan ! –" Naramdaman niyang gumaan na ang pinto ng banyo, wala ng tumutulak. Nakalabas na yata si Onofre. Napabuga siya ng hininga, daig pa niya nabunutan ng tinik sa dibdib. "Rico?" Napakislot siya. Oo nga pala, nandito na si Jake. Napakagat labi siya. "Oh?" mariin siya napapikit. Wala siya masabi sa binata. "Ayos ka lang diyan?" Malapit ang boses ni Jake, parang nakatayo ito sa labas ng banyo. "Ah, a-ayos lang. Dumating ka na pala–" "Buksan mo ang pinto." "Ha?" natameme siya sa sinabi ni Jake. "Buksan mo kako." "Ah... Ah, b-bakit ?" Pati pa rin ba ito pipilitin siya palabasin ng banyo? "Iaabot ko lang ang tuwalya at bihisan mo. Buksan mo lang konti para makuha mo, tapos lalabas ako uli." "Ahh.. s-saglit–" Marahan niya binuksan ang pinto, konti bukas lang, sakto lang na maiabot sa kanya ni Jake ang damit na bihisan nya at tuwalya. Nang makuha iyon, sinara niya agad ang pinto. "S-Salamat.. Jake." "Pag maliligo ka kasi, siguruhin mong naka-lock ang pinto ng kwarto. Sige na, tapusin mo na ginagawa mo, lalabas ako uli, ila-lock ang pinto don't worry." Naulinigan niya ang hakbang nito kaya mabilis na tinawag niya ang binata. Hindi pwede umalis to agad, gusto pa niya makita si Jake. "T-Teka, Jake– saan ka pupunta?" kabadong tanong niya. "Sa labas lang ako, bibili makakain. Babalik din ako." "Ah, okay... okay," hindi niya napigilan mapangiti. Akala niya kung saan ito pupunta, bibili lang pala. Ilan sandali pa ay narinig na niya ang pagsara ng pinto sa kwarto. Kahit papaano nakahinga na siya ng maluwag, kaya pinagpatuloy na niya ang pagligo. Mabilisan banlaw na ang ginawa niya baka mamaya may gumambala na naman sa kanya. Pagtapos maligo, nagbihis sya agad. Sakto naman na may kumatok sa pinto. Nang pagbuksan niya, si Jake ang nabungaran niya. Nanlalalim ang mga mata nito, halatang puyat at walang maayos na tulog. Magulo rin ang buhok nito, may stubble beard na rin ito. Hindi na rin nakakapag-shave ang binata, pero gwapo pa rin, walang itulak kabigin ang kagwapuhan nito. "Ayos ka lang?" tanong niya sa binata. Pumasok ito sa kwarto at walang pag aalinlangan niyapos siya ng yakap. Nanlaki ang mga mata niya maging butas ng ilong niya dahil sa walang pasintabing pagyakap ni Jake sa kanya. "Na-miss kita, Rico–" What the heck ?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD