ERICA POV NAPALABI siya habang lumilipad ang isip niya. Paano nalaman ni Jake ang tunay na kasarian niya? Naging masyado na ba sya halata? Tsk ! "Ayos ka lang?" may pag aalalang tanong ni Jake sa kanya. Pabalik na sila sa barracks. Hindi siya okay ! "Ahm, ayos lang ako. Naparami lang yata ang kain ko, sumama ang timpla ng tiyan ko–" pagdadahilan niya sa binata. "Drink tea later, bago ka matulog para gumaan ang pakiramdam mo," nakangiting sabi nito. "Sa barracks ka ba matutulog ngayon?" Matiim ang mga matang tinitigan siya ni Jake. Hindi niya mawari kung ano ang emosyon nakikita nya sa mga mata nito. "Baka hindi. May kailangan pa kasi akong gawin–" Halatang nagdadahilan lang si Jake. Sinasadya ba nito na hindi umuwi sa barracks dahil kaya sa nalaman na nito na babae siya? Subalit

