ERICA POV GUSTO niya kutusan ang sarili dahil sa nalihis ang plano niya pag amin sa binata. Pakiramdam niya lalong naging kumplikado ang lahat. Paano ba naman boyfriend na niya si Jake?! Ano na lang ang magiging reaksyon nito, oras na malaman niya ang totoo? Tsk ! Natigilan sya ng mapansin nasa harapan na niya si Jake, ilang dangkal lang layo ng mga mukha nila. Oo nga pala, kasama pa rin niya ito. Malapit ng mag umaga, mukhang kailangan na niya mag isip ng alibi para makaalis na. Shít ! baka ma-late pa sya sa duty nya. "J-Jake..." He brushed his againts her lips. "Anong iniisip mo?" "Ha?" May pasok na kasi ako mamaya ! "Ang lalim ng iniisip mo," dugtong pa ni Jake. "Ahm, a-ano.. Iniisip ko lang na baka maging–" pabulong niyang sagot. "Don't worry about my situation here, tatapu

