SHAWN POV WALA NAMAN siya magagawa kung paalisin na siya ni Charlene kaso kung siya ang masusunod ayaw niyang umuwi, ayaw pa niyang iwan ang dalaga sa gano'n lagay. Napabuntong hininga siya habang nag aantay ng sagot nito. Tumagilid ito ng higa, patalikod sa kaniya sabay yakap sa unan nito. "Hindi kita pinapaalis. Bahala ka kung ano oras ka uuwi, basta i-lock mo lang ang pinto. Matutulog ako uli," pataray nito sabi habang nakatalikod sa kaniya. Sumilay ang ngiti sa labi niya. Sapat na sa kaniya ang sagot nito dahil gusto pa rin naman niya mag-stay sa apartment ng dalaga. Inayos niya ang comforter na nasa paanan nito at kinumutan ito. "Thank you. Sa baba lang ako," aniya sa dalaga na hindi na kumikibo. Naisip niyang maghugas sa kusina saka maglinis sa maliit na sala nito. Napasulyap s

