CHARLENE POV MASAMA ang pakiramdam niya. Namimilipit siya sa sakit ng puson at balakang niya dahil sa Dysmenorrhea o menstrual cramps. Idagdag pa ang pananakit ng ulo niya dahil naman sa hang over. Hindi siya makakilos, nakabaluktot lang siya sa kama habang yakap-yakap ang kaniyang unan. Wala siyang lakas para bumaba upang uminom ng gamot. Nanghihina siya, pakiramdam niya tatakasan siya ng ulirat. Humugot siya ng malalim na paghinga. Ito lang ang down side ng mag isa, walang kasama, walang tutulong o mag aalaga sa'yo sa ganitong sitwasyon. Mariin siya napapikit ng maramdaman na naman ang pananakit ng puson. Napakahirap maging babae! Buwan-buwan na lang dumadaan sa ganitong kalbaryó ang mga babae. Lahat na lang ng sakripisyo mga babae ang nakakaranas. Nawala ang pagmumukmok niya nang t

