CHARLENE POV MULA SA malakas na tugtugan naging malamyos ang musikang pumainlanlang sa buong sulok ng Club na ikinatuwa naman ng lahat. Shawty you don't need no makeup... Brown-eyed chick northside beauty stand out... Lahat sumabay sa kanta, habang siya ninanamnam niya ang lyrics ng kanta. Shawty... isang tao ang biglang pumasok sa isip niya. Pretty pretty lady Big Bang doesn't make sense I see God in your face girl I mean it... Napabuntong hininga siya. Napaigtad pa siya ng akbayan na naman siya ni Jefferson pero kaagad din naman niya inalis ang braso nito. Lasing na kasi ito kaya panay dikit, akbay at himas na sa kaniya. Malapit na siyang manuntok subalit pinipigilan niya. Katrabaho niya kasi ito, ayaw niya ng gulo lalo pa't kasama niya ang iba pang katrabaho niya. Marilag An

