SHAWN POV KANINA PA siya panay tingin sa cellphone niya. Kahapon, pinilit niya si Garcia ibigay sa kaniya ang viber number ni Charlene subalit nagmatigas ito dahil magagalit nga raw ang dalaga kaya naman kay Morales siya nagtanong, konting suhol lang ang ginawa at matagumpay naman niyang nakuha ang numero ng dalaga. Kaya heto siya ngayon kasama na naman siya sa event campaign habang panay tingin kung nag-reply na ba si Charlene. Halos isang linggo na niya ito hindi nakikita, kung maaari lang lumipad agad patungong Manila ay gagawin niya kaso kailangan ni Daddy ang presensiya niya sa event na iyon lalo pa't tatakbo rin siya bilang Mayor ng Davao sa susunod na taon. Isang tapik sa balikat ang nagkuha ng atensiyon niya. Si Daddy. Nakangiti ito at pinakilala siya kay Gobernador Velazquez ng

