CHARLENE POV NAPAMULAT SIYA ng mga mata dahil sa sunod-sunod na katok sa pinto ng apartment niya. Kahit ayaw pa niya bumangon ay napabangon siya dahil sa walang tigil na pagkatok. "Argh! Day off ko! Day off ko, Lord— please naman!" Naiinis na singhal niya saka tinatamad na bumangon at bumaba upang alamin kung sino ang kumakatok. Lalong nag init ang bumbunan niya nang makita sa wall clock niya kung ano oras pa lang. Alas-siete pa lang ng umaga. Kung sino man ang kumakatok baka mapiga niya ito dahil sa sobrang inis. "Ang aga-agang istorbo 'to!" sikmat niya habang nagsasalita mag isa saka dumiretso sa pinto upang buksan iyon. Sa isang iglap tila na blanko ang utak niya sabay kumurap-kurap habang nakatingin sa taong nasa labas ng pintuan. Si Shawn Rebato. Hindi siya na nanaginip, totoong

