CHARLENE POV AFTER FIVE YEARS ... NAPATINGIN siya sa suot niyang relo. Pasado alas-dose na ng hating gabi, pa out na siya sa trabaho. Sa nakalipas na taon matapos siyang mag-graduate sa kolehiyo 'di naging madali ang paghahanap niya ng trabaho. Hindi man lang siya makapasok sa mga radio station o TV station sa Davao, kaya naman nakipag sapalaran siya sa Maynila. Subalit, mailap talaga sa kaniya ang pangarap niyang trabaho kaya naman naisipan niyang mag apply sa isang kilalang BPO Company sa BGC, Taguig. Mula sa pagiging customer representative ng ilang buwan na promote siya bilang Team Leader. At ngayon, apat na taon na siya sa trabaho. Nakaka-stress subalit kinakaya naman niya. Mayamaya nakatanggap siya ng tawag sa Mama niya. Napailing siya. Panay nuod na naman nito ng chinese drama

