SHAWN POV NILALAMON siya ng sobrang sakit. Hirap siya huminga habang ginagawa ang insinerasyon sa katawan ni Kuya Shane. Cremation process ang napili ni Daddy kagaya rin sa Mommy niya ng mamatay ito. Wala na si Mommy, ngayon wala na rin si Kuya Shane. Bakit kailangan mangyari ito sa kanila? Bakit kailangan niyang maramdaman ang ganitong sakit? "Kailangan mong sumama sa'kin sa California," walang emosyon na wika ni Daddy na nakatayo sa likuran niya. Hindi siya kumibo. Nang sabihin ni Daddy sa kaniya ang plano nito, aaminin niya nagdalawang-isip siya. Si Charlene ang unang pumasok sa isip niya. Paano ito? Paano niya gagawin ang mga plano niya para sa kanilang dalawa kung ganito ang sitwasyon niya? Durog na durog siya, hindi niya alam kung paano bubuuin uli ang sarili. Ilan taon din an

