CHARLENE POV KANINA PA siya panay lakad, pabalik-balik sa kwarto niya habang hawak ang cellphone. Panay text at tawag siya kay Shawn subalit out of reach ito. Lumabas kasi sa flash news sa telebisyon ang aksidente kinasangkutang ng Kuya Shane nito. Hindi siya mapakali hangga't hindi nalalaman kung ayos ba o hindi si Shawn. Huminga siya ng malalim, kinuha niya ang sling bag at akma lalabas ng bahay ng tawagin siya ni Mama. "Saan ang punta mo, nak?" "Pupunta ako ng hospital, Ma. Kailangan kong makibalita. Kailangan kong malaman lagay ni Shawn baka—" "Sasamahan kita," masuyong hinawakan ni Mama ang kamay niya. "baka mapano ka pa sa daan, gabi na." Tumango lang siya. Nagmadali na silang umalis hanggang sa makarating sila sa District Hospital na pinagdalhan kay Shane Rebato. Napakaraming

