CHARLENE POV GRADUATION COMING .... NARINIG NIYANG humikab si Shawn na nasa tabi niya. Sinulyapan niya ito, subalit napasinghap siya ng ma-realized niya kung gaano kalapit ang mukha nito sa mukha niya. Napalunok siya. Mag iisang taon na niya itong boyfriend pero walang pagbabago sa nararamdaman niya. Malakas pa rin ang kabog ng dibdib niya sa tuwing naglalapit sila. "Inaantok ka na?" Tumango-tango ito na naka-usli ang nguso. Para itong batang naiinip sa tabi niya, nag aantay kung ano oras siya matatapos. "Matagal pa ba 'yan?" nag-baby talk pa ito. Napailing siya sa ka-cute-tan nito. "Malapit na po. Saan ba tayo kakain?" "Ikaw, saan mo ba gusto?" Marami siyang school papers na dapat ipasa bago mag-graduation, kaya naman naroon sila ngayon sa kwarto ni Shawn sa malaking bahay nito

