CHARLENE POV "KUMAIN ka na, Ma," pilit niyang sinusubuan ito ng lugaw nang magising ito. Wala ito imik at tila walang buhay ang mukha nito. Gusto niya magtampo at maiyak dahil sa nangyayari sa Mama niya ngunit hindi niya ginawa. Hindi siya pwedeng maging mahina sa harap nito. Kailangan niya magpakatatag para sa kanilang dalawa. "Ako na ang magpapakain sa kaniya, Charlene. Magbili ka na ng makakain mo sa labas," nag abot ng one hundred pesos si Tiya. "Maraming nagbebenta ng pagkain sa gilid ng hosptial o kaya kung gusto mo may fast food sa labas sumaglit ka roon para kumain," suhestiyon ni Tiya sa kaniya na agad naman niya tinanggap ang pera at tumango. Alas-kuwatro na nang madaling araw kaya nakaramdam na siya ng gutom. Napabuntong hininga siya habang palabas ng ward at bumaba upang l

