22

1035 Words

CHARLENE POV MATAPOS silang kumain kaagad silang bumalik ni Shawn sa hospital. Sakto naman na gising na ang Mama at Tiya niya kaya naman pinakilala niya si Shawn sa mga ito. "Shawn Rebato? Tama ba ikaw 'yon bunso anak ni Mayor Rebato?" manghang tanong ni Tiya. "Opo," magalang na sagot naman ni Shawn. Pumalatak si Tiya. "Ay kagwapo kaayo!" Umingos siya nang mapansin ngising-ngisi ang loko. Tsk, mahirap purihin 'to lumalaki ang ulo. "Nakalimutan kita pasalamatan para sa pagligtas mo dati kay Charlene," mahina ngunit nakangiting bigkas ni Mama sa binata. "Wala po 'yon. Kumusta na po kayo?" "Maayos na. Salamat. Pero maitanong ko lang, ako ba ang sadya mo o si Charlene ko?" may halong panunudyong tanong ni Mama. Umasim ang mukha niya. Partida may sakit pa 'yan pero nakuha pang magbiro

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD