SHAWN POV HE HAS a fear of deep water or Thalassophobia. Takot na takot siya sumakay sa mga bangka, barko o yate basta nasa dagat. Kaya ngayon, nagsisisi na siya dahil sa kayabangan niya ito ang napala niya. Hinang-hina na siya, wala na siyang maisusuka pa, kada aalog o gagalaw pa-kanan o pa-kaliwa ang sinasakyang ferry ay gano'n rin ang nangyayari sa bituka niya. "Charlene, ipainom mo ito kay Shawn." Nakasandal siya sa isang gilid malapit sa banyo para mabilis siya makatakbo pagmasuka uli siya. Bukod sa nakakahilo, sumabay pa ang nakakasulasok na amoy ng banyo. Sh*t ! Hinawakan siya ng dalaga sa balikat sabay hagod sa likod niya. "Inumin mo ito gamot sa hilo tapos bumili si Tiya ng gatorade mo." Gatorade? Nagtataka man ay hindi na siya nagsalita. Kinuha niya ang gamot at ininom pa

