24

1378 Words

CHARLENE NAPAHIKAB siya dahil sa antok, maaga kasi siya nagising upang tumulong sa pagluluto ng mga panindang almusal ni Mama. Mabuti na lang at kakatapos lang ng final exam ng araw na iyon. Sa wakas, matatapos na ang semester mas marami siya oras para tumulong magtinda sa Mama niya. Nilapitan siya ni Erica at may pinakita sa kaniyang papel. Kunot ang noo kinuha niya iyon. Isang pamphlet na may nakasulat 'Hawai'i Summer Vacation Destination' mas lalong nalukot ang mukha niya. Para saan 'to? Tinaasan niya ng kilay si Erica. Abot tenga ang ngiti nito saka umupo sa harapan niya. "Sasama ka?" Umasim ang mukha niya. Wala siya panahon at pera sa mga gan'yan bagay. Summer vacation sa Hawaii pa? Tsk! "Hindi ako sasama. Wala akong pera," tanggi niya. Inayos na niya ang gamit niya at bag par

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD