CHARLENE HINDI NIYA malaman kung matutuwa ba siya dahil paubos na ang paninda nilang banana que at turon o maiinis dahil halos dumugin ng mga kapitbahay at ka-baranggay nila si Shawn na kasama nila nagtinda ng araw na iyon. Umingos siya nang makitang marami babaeng nakipag-picture sa binata at ang kumag mukhang tuwang-tuwa, abot tenga ang ngiti nito at nakaabay pa sa babaeng katabi nito nagpakuha ng picture. "Ang gwapo mo pala sa personal," puri ng mga babae sa binata. "Crush ka namin, Shawn Rebato." Umikot ang mata niya at nagsimula nang magligpit saka tumingin sa Mama niya na huling-huli siyang nakamasid sa binata. "Mukhang masama ang timplada ng mukha mo, Anak," komento ng Mama niya na may kakaibang ngiti. Umiling siya. "Mainit kasi, Ma. Umiinit na rin ulo ko, tara na po, naubos

