CHARLENE FRIDAY NIGHT MALAKAS na tugtugin at hiyawan ang pumuno sa buong resort. May malawak na stage sa harapan mismo ng malaking swimming pool, may mga LED lights sa paligid pati na rin sa mga puno, samu't saring pagkain ang nakahilera sa mahabang lamesa. May mga fruits, grilled seafoods, grilled chicken and meat, iba't ibang klase ng salad, potato salad, fruit salad at pasta salad. Mayroon din mga cookies, potato chips, sushi, club sandwhiches, shawarma, donuts, at kung anu-ano pa. Luminga-linga siya sa paligid, nakita niya si Shawn kasama sina Garcia, Sarmiento at Morris na nakaupo sa mga lounge chairs na malapit sa pool at kan'ya-kan'ya hawak ng bote ng beer. Napatingin rin siya sa bandang tumutugtog at sa ibang miyembro na naroon sa harapan ng stage na nakikisabay sa tugtugin, an

