SHAWN FRIDAY NIGHT KANINA pa siya palingon-lingon sa paligid, hinahanap ng mga mata niya si Charlene. Nauna siya lumabas sa dalaga upang makipag usap sa bandang inokupa nila ng gabing iyon. Ang sabi nito ay susunod ito subalit wala pa rin ito. Bumalik siya sa tinutuluyan nilang kwarto para tignan kung naroon ang dalaga ngunit wala ito roon. Saan naman nagpunta 'yon? Nag gala ng hindi siya kasama? Tsk! Halos naikot na niya ang buong resort at lahat ng masalubong niya staff ng resort ay tinatanong niya kung may nakita ang mga itong babaeng maliit na mukhang siga. Napabuga siya ng hangin dahil wala ni isa man ang nakapagsabi na nakita si Charlene. Babalik na sana siya sa gawi nila Sarmiento, Morris at Morales nang may humarang sa harapan niya. Si Maureen. Nakasuot ito ng kulay pink na tw

