MICO VLADIMIR'S POV "Ano kayang gagawin mo kapag nalaman mo ang totoong sinapit niya sa kamay ng tiyuhin mo?" Parang sirang plaka na paulit-ulit na nag-replay sa utak ko ang sinabing 'yon ni Ran. Kanina pa siya umalis sa harap ko, pero 'yong sinabi niya ay hindi mawala-wala sa isip ko. "Anong nangyari? Anong totoo? Bakit nasabi niyang baka hinfi ko kayanin? Ang alin?" Ilang sandali akong hindi mapakali. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nalalaman ang totoo. "Ano pa ba'ng hindi ko alam maliban sa mga nasabi na ni Uncle Mike sa akin?" Ano pa ang hindi ko alam? "Ano ba ang totoong nangyari sa 'yo, Leira?" Gulong-gulo ang isip na tinawagan ko ang cellphone number ni Leira na ibinigay sa akin ni Jesse. Nakadalawang dial ako bago niya sinagot ang tawag ko. "Hello? Sino 't

