CHAPTER 2

1646 Words
LEIRA'S POV HABANG sinasaksihan ko ang kasal ng kakambal ko, dalawang emosyon lang ang nararamdaman ko. Una, masaya at pangalawa ay panaghili. Masaya ako para sa kaniya dahil sa wakas ay bubuo na siya ng sariling pamilya kasama ang lalaking pinakamamahal niya. At sa kaibuturan ng puso ko, hindi ko maiwasang makaramdam ng panaghili sa kaniya dahil sa aming dalawa, siya 'yong mas matapang na piliin kung ano ang gusto niya. "I promise na hindi na kita sasaktan, iiwan at paiiyakin, Keira. Simula ngayon, wala na akong magiging priority kundi ikaw at ang magiging mga anak natin." Naluluha akong napangiti habang nakikinig sa pangako ni Sir Michael sa kakambal ko. Puno ng pagmamahal na sinapo nito ang mukha ng kakambal ko, saka pinakatitigan. "I will take care of you and our babies for the rest of my life. I love you so much, Keira," dagdag niya. Habang nagpapalitan ng pangako ang dalawa, napatingin ako sa gawi ni Mico. Nakaupo siya sa tabi ng kaibigan ni Sir Michael na si Sir Nicholas. Mataman siyang nakatingin sa mga ikinakasal kaya nagkaroon ako ng pagkakataong pagmasdan siya kahit sa malayo man lang. I missed you... Bulong ng puso ko habang nakatingin pa rin sa kaniya. Mukhang naramdaman niya ang paninitig ko kaya nang akma siyang lilingon, nagbawi agad ako ng tingin at ibinalik ang tingin sa mga ikinakasal. Eksaktong nasa kiss the bride na pala ang eksena kaya napanuod ko kung paano maghalikan ang bagong mag-asawa. Sa paraan palang ng pagkakahawak ni Sir Michael sa mukha ng kakambal ko habang mainit na naghahalikan, alam kong nasa tamang tao na si Keira. "Whoa! Finally, we're married!" Masayang anunsiyo ni Sir Michael pagkatapos ng mapamugtong halikan nilang mag-asawa. "Finally, I can call her mine. Mine alone!" dagdag pa niya. Halata sa mukha niya kung gaano siya kasaya at ka-proud na sa wakas ay kaniya na ang kakambal ko. "Wala ka nang kawala ngayon, Uncle Mike! You're really belong to me...to us!" sabi ng kakambal ko, saka hinawakan ang malaki na niyang tiyan. Kambal kasi kaya mas malaki kaysa sa normal na buwan ng isang buntis ang kaniyang tiyan. Muli akong napaiyak nang wala sa sariling makapa ko ang aking tiyan. Hanggang ngayon, damang-dama ko pa rin ang sakit...ang lupit ng mundo sa akin. I'm sorry... I'm sorry, mga anak, kung hindi ko kayo nailigtas... Tuloy-tuloy na namalisbis ang mga luha ko habang nakahawak sa impis kong tiyan. Minsan na rin akong nagkaroon ng kambal... Ang sakit lang dahil tatlong buwan ko lang naranasan... tatlong buwan ko lang silang naramdaman sa sinapupunan ko. Dahil maaga silang binawi sa akin... Hanggang ngayon, damang-dama ko pa rin ang sakit...ang pait... ang lungkot..ang panghihinayang at pagsisisi. Ang sakit lang dahil binawi agad sila sa akin... Hindi ko man lang sila nahawakan at nakita. Napahikbi ako nang maalala kung paano sila nawala sa akin nang maaga. "Are you okay?" Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko nang marinig ang tanong na 'yon sa tabi ko. Ang pamangkin ni Sir Nicholas na si Romeshell ang nalingunan ko. "Use this." Inabot niya sa akin ang isang panyo. "Wipe your tears." Tinanggap ko 'yon at agad na ipinangtuyo sa mukha kong basang-basa na pala ng mga luha ko. "Thank you." Pasalamat ko sa kaniya. "You're welcome," mabait niyang sabi. "Are you okay?" "Yeah. I'm okay." "Are you sure? Masaya ang lahat para sa newly weds, pero ikaw, nandito lang sa puwesto mo, mag-isa. Umiiyak." May pag-aalala sa boses at mukha niya. "Y-Yeah. I'm okay." Pagsisinungaling ko dahil ang totoo ay hindi ako okay. At siguro malabo nang babalik sa okay ang buhay ko pagkatapos mawala ang mga baby namin ni Mico. At kasalanan ko lahat kung bakit sila nawala sa akin... Kasalanan ko kung bakit lahat ng mahal ko ay nawala sa akin. "You're not okay, Leira. You can lie, but your eyes are not. Hindi ko alam, pero habang pinagmamasdan kita kanina na umiiyak, pakiramdam ko ang bigat ng dala-dala mo dito." Itinuro pa niya ang dibdib ko, sa mismong tapat ng puso ko. "I hope you're okay, Leira." "Okay lang ako, Miss Romeshell. Masaya lang ako para sa kakambal ko. Alam kong alam mo 'yong kuwento tungkol sa akin at gusto kong magpasalamat dahil hindi ka nagdalawang-isip na kausapin at lapitan ako para tanungin kung okay lang ba ako." Kumurap-kurap muna ako nang maraming beses upang pigilan ang traydor kong mga luha bago nagpatuloy. "Thank you sa pagtatanong kung okay lang ako, I really appreciate it, but I'm okay. I'm just happy for Kei." Pinilit kong patatagin ang boses ko. Hinawakan niya ako sa braso. Gusto ko na namang maiyak dahil 'yong pagkakahawak niya sa akin, ramdam kong genuine. "Hindi kita kilala personally, in fact ngayon lang tayo nagkausap. At kung ano man ang nalalaman ko tungkol sa 'yo, wala ako sa posisyon para i-judge ka." "Thank you. I really appreciate that." Taos puso kong pasalamat sa kaniya. "You're welcome." Nagpalitan kami ng ngiti sa isa't isa. Minsa pa kaming nag-usap bago siya tinawag ng babaeng kasama niya kanina na sa pagkakaalam ko ay Maureen ang pangalan at pamangkin ng doktor na kaibigan ni Sir Michael. Nag-picture-picture sila kasama ang mga bagong kasal. Habang abala ang lahat, umalis ako sandali at pumunta ng banyo para ayusin ang sarili ko. Naisip ko kasing baka mag-picture din kami kasama ang newly weds. Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko, bumalik na din ako sa labas. Ngunit napatda ako nang makitang nagpi-picture na ang pamilya ko kasama ang mga bagong kasal. They're all look happy. Nakaramdam ako ng sakit dahil hindi nila ako hinintay. Ni wala yatang nakaalala sa kanila na wala pa ako. Malungkot akong napangiti dahil hanggang ngayon hindi pa ako masanay-sanay na pagdating sa mga kapatid namin ni Keira, she's always their favorite. And I can't blame them for that. Ang ate Keira kasi nila ang palagi nilang kasama, habang ako, piniling magtrabaho malayo. Dapat sanay na ako na si Keira ang favorite ate nila, pero masakit pa rin palang makita na masayang-masaya sila kahit wala ako. At sa halip na lumapit at makisali, pinanuod ko na lang sila. Kinuha ko ang cell phone ko at kinuhanan sila ng litrato. Tapos na ang picture taking nila nang mapatingin si Keira sa kinaroroonan ko. Mukhang nagulat siya base sa reaction niya nang makita ako. Nginitian ko siya. Hinintay kong nginitian niya ako pabalik, pero hindi siya ngumiti. Isang simpleng tango lamang ang isinukli niya sa akin. And I understand. Alam kong hindi ko na basta-basta maibabalik sa dati ang relasyon naming dalawa. Nagkalamat na 'yon at alam kong kasalanan ko. _________ NANG SUMUNOD na mga sandali, naging abala at enjoy ang lahat sa simpleng party ng mga bagong kasal. Naki-join din naman ako dahil niyaya ako ni Rome. Masaya ang lahat para sa mag-asawa. Hanggang sa lumalim na ang gabi at isa-isa nang nagsialis ang mga bisita. Kami na lang ng pamilya ko ang natira dahil dito pa rin kami mag-i-stay ngayong gabi sa bahay ng mga Thompson. "Anak, matutulog na kami ng mga kapatid mo." Paalam ni Mama, halatang pagod at antok na. "Sige po, Ma. Susunod na lang po ako. Tutulong lang po ako sa pagliligpit ng mga gamit. Mag-isa lang po si Mildred, eh." "Sige, anak." Hinatid ko muna ang pamilya ko sa guest room na pinag-i-stay-an namin dahil hindi daw kabisado ni Mama kung saan liliko o papasok. Mas'yado kasing malaki ang bahay ng mga Thompson at nakakaligaw talaga. Pabalik na ako sa labas para sana magligpit nang mapadaan ako sa living room. Hindi ko napigilan ang sarili kong kuhanin ang photo frame na katabi ng mga CD's. Picture ni Mico. He's wearing a black tuxedo. Umupo ako sa sofa habang titig na titig sa picture niya. Ngiting-ngiti siya sa picture. "Ganitong-ganito mo 'ko ngitian noon. 'Yong ngiti mo palang, kuhang-kuha mo na ako..." "Feel at home, huh?" Patuyang sabi ng boses na kilalang-kilala ko. Sa gulat ko, nabitawan ko ang photo frame. Nabasag 'yon. "Sino ang nagbigay sa 'yo ng permiso na pakialaman ang mga gamit dito?" Mariin niyang tanong. "Mico--" "You can't just go around and ruined everything, Leira--the gold-digging bítch." Pagkasabi niya niyon, hinila niya ang photo frame na hawak ko. At dahil basag, aksidenteng nahiwa ako ng bubog niyon. Sa mga oras na ito, hindi ko alam kung alin ang mas masakit. Ang tawagin akong gold-digging b***h o ang kamay kong nasugatan. "You actually have a thick face, huh? You can't just go around like nothing happened. You ruined me. You ruined us. Dapat nga wala ka rito, eh." "Mico." "Hindi mo ba nararamdaman na hindi ka welcome sa bahay na 'to? O, sadyang makapal lang talaga 'yang mukha mo?" Ramdam ko ang gigil sa boses niya. Umiigting rin sa galit ang panga niya. "Wala kang karapatang tumuntong sa pamamahay na 'to. At kung ako lang ang masusunod, kanina pa kita gustong kaladkarin papalabas ng gate, Leira. You.are.not.welcome here." Harapan niyang ipinamukha sa akin na hindi ako welcome sa bahay nila. "You are not supposed to be here. Mas'yadong masikip ang bahay na 'to para sa ating dalawa." "Alam ko. Pero gabi na, wala akong ibang mapupuntahan--" "And do you think I care?" Patuya niyang tanong. "I don't fvcking care, Leira. I just want you out of this house. Now!" "What are you waiting for? Leave!" Utos niya nang hindi ako kumilos. Hating-gabi na kasi at wala akong ibang mapupuntahan. "Mico--" "Leave." Nang hindi pa rin ako kumilos, hinila niya ako sa braso palabas ng bahay nila. Pasalya niya akong binitawan dahilan para mawalan ako ng balanse. At upang maprotektahan ang sarili, naituon ko ang kamay kong may sugat. Pagtingin ko sa kamay ko, puno iyon ng pulang likido. Pulang likido na naging mitsa upang bumalik sa isip ko ang isang napakasakit na pangyayari sa buhay ko... ang pagkawala ng mga baby ko dahil sa pagtatangka kong makatakas kay Marcus Thompson...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD