LEIRA'S POV "GALIT KA BA SA AKIN?" Narinig kong tanong ni Ran. Hindi ako sumagot at kinuha ang medicine kit. May sugat kasi ito sa labi. Hindi ko alam na tinamaan din pala siya ni Mico kanina. Pagbalik ko, prente na itong nakaupo. Tumabi ako sa kaniya at walang imik na sinimulang linisan ang sugat niya. "Galit ka sa akin?" Ulit na tanong niya. "Hindi." "Hindi? Bakit ayaw mo 'kong tingnan?" Dahil sa sinabi niya napilitan akong tumingin sa mga mata niya. "Nagagalit ka sa akin dahil sinaktan ko siya?" Napabuntong-hininga ako. "Hindi ako galit. Naiinis, oo. Hindi mo naman kasi kailangang saktan 'yong tao. Wala siyang ginawang masama sa akin." Nagsalubong ang mga kilay nito. "Walang ginawa? Kinidnap ka niya, Leira. Hindi pa ba masama 'yon?" Halatang nagpipigil lang itong 'wag

