LEIRA'S POV "I'M SORRY, LEIRA..." Mahinang usal ni Mico, yakap-yakap pa rin ako. Mahina, ngunit sapat na para matauhan ako. Huminga ako ng malalim, saka buong-lakas na bum'welo at itinulak ito sa dibdib palayo sa akin. Nagtagumpay ako. "Leira." Nasa mga mata nito ang lungkot. "Tama na, Mico. Ayoko ng masaktan ulit. Ayoko ng maramdaman ulit 'yong gano'ng klase ng sakit. Nakakapagod, nakakaubos at gusto ko na lang ng tahimik na buhay." Ginawa ko ang lahat para hindi mabasag ang boses ko, pero hindi ako nagtagumpay. Umiling ito. Sinubukang hawakan ako, ngunit umiwas ako. "Alam kong nagkamali ako, Mico. Alam kong ako ang unang nanakit. Ako ang unang nakasakit, pero humingi na ako ng tawad. Hindi lang isang beses kundi maraming beses. Umabot pa nga ako sa puntong pumayag sa gusto mo

