LEIRA'S POV "ANAK, NANDITO LANG SI MAMA." Lalong bumuhos ang mga luha ko sa sinabing 'yon ni Mama. Hindi ko na kinaya, napahagulgol na talaga ako ng iyak. Nang mga sandaling 'yon ay daig ko pa ang batang paslit na nagpapaayo sa ina pagkatapos awayin ng mga kalaro. At habang humahagulhol, damang-dama ko ang unti-unting paggaan ng dibdib ko. Dahil sa wakas, pagkatapos ng ilang buwang pag-iyak ng patago, pagkatapos ng ilang buwang sinarili ang sakit, ang bigat, ang lungkot, ang pagluluksa sa pagkawala ng mga baby ko ay nandito si Mama, handang makinig sa akin. Handang maniwala sa lahat ng sasabihin ko. At ang sarap dahil sa wakas, nailabas ko na 'yong lahat ng iyak na gusto kong gawin noon pa. Ang sarap dahil hindi ko na kailangang magkunwaring masaya, hindi ko na kailangang magkunwari

