MICO VLADIMIR'S POV PAGKATAPOS AKONG IPAGTABUYAN ni Tita Alice, laglag ang mga balikat na lumabas ako ng kanilang bahay. Agad na tumayo si Uncle Nick nang makita ako. "Mico." "Let's go, Uncle." Halatang nagulat ito. "Ngayon na? Kadarating lang natin, ah." Tumango ako. Marahil napansin niya ang hitsura ko na parang pinagsakluban ng langit at lupa kaya ang pagtatakang nakalarawan sa mukha nito ay napalitan ng simpatya at pang-unawa. Hindi na siya nagtanong. Nagpaalam ito nang maayos kay Tito Arnold. "Mico, puwede ba tayong mag-usap sandali?" tanong ni Tito Arnold sa akin. Tumango ako bilang sagot. Kusang lumayo si Uncle Nick sa amin upang bigyan kami ng privacy na makapag-usap nang sarilinan. "Maupo ka." Alok nito na pinaunlakan ko. Kinuha ko na rin ang pagkakataong ito

