Prologue
"Here's the hotel's card key. Expect him tonight around 8-10pm." Inabot nya sa akin ang isang card na kulay ginto. "I am sorry to put you in this kind of situation, but I'm really desperate." Ngitian nya ako pagkasabi nya nun.
"Utang ko po sa inyo ang pangawalang buhay ng nanay ko kaya gagawin ko po ang lahat ng gusto nyo."
She provided me with a kidney donor for nanay. Last year ng madiagnosed ang nanay ko ng End-Stage Kidney Disease. Matagal na pala nyang iniinda ang sakit nya kaya lumala. She's in need of a new kidney dahil hindi na kinakaya ni nanay ang madalas na hemodialysis.
'We need to perform a kidney transplant as soon as possible. Habang tumatagal na nag didialysis ang nanay mo humihina din ang puso nya. Ayaw naten umabot sa ganung point. Heart Disease is fatal. Pwede iyon ikamatay ng nanay mo.'
'kung tuluyang magkaron ng komplikasyon sa puso nya, she can live approximately for the next 3 months only.'
Lumala ang kondisyon ng nanay ko kaya kinailangan ko makahanap ng donor sa madaling panahon. Kung saan saan na ako nagpuntang government and private institution na nag bibigay ng libreng kidney pero hindi ako pinalad. Willing ko ibigay ang kidney ko pero hindi kami nag match ni nanay.
Pero isang araw pinatawag nya ko sa kanyang opisina. Ibibigay nya daw ang kidney na kailangan ko at magbabayad pa sya ng malaking halaga sa isang kundisyon. KAILANGAN KO MAGPABUNTIS SA ASAWA NYA AT IBIGAY SA KANYA ANG BATANG ISISILANG KO ngunit hindi daw dapat malaman ng asawa nya. Sa kadahilanang iiwan sya nito pag nalaman na hindi na nito kaya magka anak.
Kaya ito ako ngayon nasa hotel room na binook nya para iset up ang sarili nyang asawa na isiping ako. Sa maiksing panahon lamang ang daming nangyari sa buhay ko. Madaming problema ang kinaharap ko. Mula sa pag aaral ko at ng kapatid ko, hanggang sa sakit ni nanay, hanggang sa buhay pag ibig ko.
Meron akong minamahal, nagkahiwalay kami ng isang taon, pero nagkita din kami nito lang. Masugod nya kong niligawan at dahil mahal na mahal ko pa rin sya sinagot ko sya uli sa pangalawang pagkakataon. Yung akala kong magiging masaya nalang kami hanggang sa makabuo kami ng sarili nameng pamilya ay hindi na pala mangyayari dahil kailangan ko syang iwan para gawin ang trabahong ito. Trabahong siguradong hindi nya matatanggap. Trabahong baka pandirihan nya ko. Ang pagiging SURROGATE MOTHER.
"He's on his way there " isang text message ang natanggap ko mula sa kanya. Tinignan ko ang orasan na nakapatong sa lamesa. 9:30 na pala. Mahigit isang oras na din pala ako nag aantay dito. Tumayo ako para patayin ang lahat ng ilaw, tanging dim light lang na kulay pula ang nakabukas.
Naupo lang ako sa gilid ng kama habang umiiyak. Hindi ko kaya isipin na gagalawin ako ng taong hindi ko kilala, at ng taong hindi ko mahal. Pero kailangan ko lakasan ang loob ko dahil buhay ng nanay ko ang naging kapalit.
Narinig ko ang pagbukas ng pintuan 'Andito na sya'. Nahiga ako at nagtalukbong ng kumot. Napahigpit ang hawak ko dito nung maramdaman kong lumundo ang kama. Gumapang ang kamay nya mula sa paanan ko paakyat sa balikat ko. Napapikit ako ng mariin dahil nandidiri ako. 'wala ng atrasan to' Lumayo sya saglit at nakita ko nalang na hinagis nya ang suot nya sa lapag kung saan ako nakaharap.
Bumalik sya sa kama at hinawakan ako sa braso ko upang iharap sa kanya. Automatic na nag unahan ang mga luha ko pagkakita ko sa lalaking gagalaw at bubuntis sakin.
Hindi ko alam na may asawa na sya. Ginawa nya kong kabit.
"Andrea." Tawag nya sakin. Nakilala nya ko? Pero sana wala syang maalala bukas. "Mahal na mahal kita." Mas lalo akong napaiyak sa sinabi nya. Mahal nya daw ako pero iba ang pinakasalan nya.
Siniil nya ko ng halik , mapusok ngunit maingat. Nagpa gala gala ang kamay nya sa katawan ko. The next thing i knew ginagawa na namen iyon. Wala syang sinayang na oras, at talagang sinunod sunod nya ako.
Madaling araw na ng magiseng ako sa tunog ng cellphone ko. Si ma'am Ivah tumatawag, ang asawa ng lalaking katabi ko. "N-nagawa n-nyo ba?" Nauutal na tanong nya sakin.
"Opo."
"Ok. Ma-m-magbihis ka na paakyat na ako." Pagtapos nun binaba nya na ang tawag. At kahit di nya aminin alam kong umiiyak sya. Sino bang asawa ang hindi maiiyak kapag may nakasiping na iba ang asawa mo? Inalis ko ang pagkakayakap sakin ni Raphael bago tunguhin ang banyo upang magbihis.
Pagtapos ko magbihis nilapitan ko sya upang halikan sa pisngi nya, sunod ay sa labi. "Mahal na mahal kita pero hindi ko pinangarap maging kabit. Siguro nga hanggang dito nalang tayo. Paalam" Pinunasan ko ang luha ko bago tumayo at nilisan ang kwarto. Nakasalubong ko si ma'am Ivah habang patungo ako sa elevator.
"Thanks for you help. Take this pang taxi mo." Hindi ko sana tatanggapin ang perang inaabot nya sakin pero sinuksok nya na ito sa bulsa ng bag ko. "Sabihin mo agad sakin pag nabuntis ka na ah." Ngumiti sya at tumalikod na. Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa nakapasok sya sa kwarto kung san ako galing, kung nasan si Raphael.
Isang buwan ang lumipas simula nung gabing yun. Laging masama ang pakiramdam ko at nasusuka ako sa umaga. Madalas din akong nahihilo. May pagkakataon sa trabaho ko ay napapaupo nalang ako dahil hindi ko na kaya ang nakatayo ng matagal. Hindi ako tanga para maging clueless kaya andito ako sa isang cubicle ng cr dito sa mall na pinag tatrabahuhan ko. Hawak ko ang pt habang inaantay ang resulta nito.
Ito na ata ang pinaka matagal na dalawang minuto ng buhay ko. Kasabay ng pag iyak ko, napatakip ako sa bibig ko upang hindi ako makagawa ng ingay. Malinaw na malinaw ang dalawang pulang linya. Buntis ako
Pinag bubuntis ko ang anak ng taong mahal ko pero kailanman ay hindi nya ko makikilala bilang ina nya. I'm sorry anak, hindi ka pa man naisisilang mahal na mahal na kita. Ngunit kailangan kong sumunod sa kasunduan. Magiging masaya pa din ang mama dahil kahit hindi kami naging maayos ng papa mo nandito ka. Para sakin bunga ka ng pag mamahalan namen. Hindi ka nabuo dahil sa isang kontrata.
Ako si Andrea Charlotte A. Manuel, THE SURROGATE MOTHER.