Chapter 7- Friendship Between Ex and Wife

3177 Words
Andrea POV 8:55, 8:56, 8:57, 8:58, 8:59, 9:00 'thank you' Sabi nung bundy clock nung nag out ako. Hay, another tiring day pero bawi ang pagod ko kasi madaming binili kanina yung customer ko. Kahit napagalitan ako nung supervisor ko ayos lang. Ang hindi ko lang kasi maintindihan bakit ayaw nila ipagalaw yung ibang damit sa stock room. Madaming customer ang hindi nalang bumibili pag nakikita yung price tag pero pumupuslit ako ng kuha madalas sa stock room para makabenta ako. "Andrea pinapatawag ka ni ma'am Roxas. Dumaan ka daw sa office nya bago ka umuwi." Sabi nung katrabaho ko. Ito na naman tayo, si maam Roxas ang supervisor ko. Pagdating ko sa opisina nya, isang mataray na muka ang naabutan ko. As in mataray kase nakataas ang isang drawing nyang kilay. Isinenyas nya sakin ang upuan sa harap ng mesa nya. Umupo naman ako. "Akala ko ba kailangan mo ng trabaho para sa nanay mong may sakit." Pag uumpisa nya. "Opo" "Pwes wag ka sumusuway sa utos ko. Pag sinabi kong bawal galawin ang mga nasa stock room, bawal. Naiintindihan mo ba?" Para akong robot na tumango na lang. "Isang beses pa Manuel, kapag nagbenta ka pa ng hindi naka display ipapa early endo kita" Hindi ako pwede mawalan ng trabaho kailangan ko pa makaipon ng pang transplant ni nanay. "Bilang penalty mo, wala kang makukuhang kumisyon sa mga benta mo ngayong araw" "Po?" Napatayo ako sa gulat. "Hindi naman po tama yan ma'am, wala pong ganyang rules sa pinirmahan kong kontrata." Ito ang pinaka malaking kumisyon ko simula ng nag trabaho ako dito, baka nga ito na nga din ang pinaka malaking kumisyon sa lahat ng sales personnel dito. Meron kaming 10% kada makakabenta kami. Yung binili kanina ng customer ko ay umabot ng 45,000 pesos dahil sampung set ang pinabalot nya. 4,500 ang kumisyon ko dapat doon, halos isang kinsenas kong sahod. "Hindi mo ba nabasa sa dulo? We can change rules depending on the situation." Nilapag ni ma'am Roxas sa lamesa nya ang isang papel. Ito ang Probationary Contract ko. Nakakapag takang meron nga sa dulo nung sinasabi ni ma'am pero walang ganito nung pumirma ako. "Mamili ka nalang wala kang kumisyon o wala ka ng trabaho?" Napapikit ako ng mariin dahil sa inis. Para kay nanay, para sa dialysis, para sa transplant, para kay Cedric, para sa pag aaral nya, para sa mga utang, para sa pang pagkain, para sa renta, para sa kuryente, para sa tubig, para sa skin care. Char lang yung huli. Inisip ko lahat ng dahilan kung bakit ako nagtatrabaho. Bumuntong hininga muna ako bago humingi ng tawad. "Sorry po." "Good, marunong ka naman pala umintindi sumasagot ka pa " Pinalabas nya din ako pagtapos nun. Pag ako talaga na regular humanda kang balyena ka. Hayy, sayang 4,500 pang dalawang session na sana yun ni nanay sa dialysis. Paglabas ko sa employees exit nakita kong nakatayo si Justin sa di kalayuan. "Huy anong ginagawa mo dito? 3 days palang ata nung nakalabas ka ng ospital, gumagala ka na agad." Kinuha nya ang dala kong bag at sinukbit sa balikat nya "Obvious ba? Edi sinusundo ka." "Anong meron?" "Diba sabi ko sayo liligawan kita. Hindi na kita tatanungin kasi hindi ka naman papayag. Gagawin ko nalang." Nakanguso nyang sabi. Namumula pa nga ang mga pisngi nya at naging malikot ang mga mata nya. Ganyan pala mahiya ang kaibigan ko. "Yung nguso mo pwede ng sabitan." Kinorte ko pang hook ang hintuturo ko at kunwaring sinabit sa nguso nya. Napasimangot naman dahil sa ginawa ko "Joke lang. Ito naman hindi mabiro. Halika na nga." Nagumpisa na kaming maglakad. Nararamdaman ko pa na sinusubukan nyang hawakan ang kamay ko pero iniiwas ko lang. Hindi sa ayaw ko sakanya. Ayaw ko lang masira ang friendship namen. Dahil kung sya ang magiging boyfriend ko may tendency na hindi may work out at mah hiwalay kami, pag nangyari yun mahirap na ibalik ang friendship na meron kami. Kaya mas magandang maging magkaibigan nalang kami. May bumusinang sasakyan sa likod namen habang nag lalakad kami. Nung nilingon ko ang sasakyan, si Diane pala yun. Napasampal ako sa noo ko dahil nakalimutan kong may usapan pala kaming gigimik. Eh pano to kasama ko na si Justin. Bumaba si Diane sa sasakyan nya at lumapit samin. "Pop, kanina pa kita tinatawagan hindi mo sinasagot." Sinilip ko ang phone ko, oo nga madaming missed calls at lahat sakanya. "Sorry pop naka silent hehe." She rolled her eyes. "k.fine. So na tara?" Hinatak nya ang kamay ko para papasok sana sa kotse nya, pero hinatak naman ako pabalik ng isang kasama ko. "Hindi mo ba nakikitang may kasama sya?" Sabi ni Justin kay Diane. "Ohh may tao pala dyan, sorry nag beblend ka kasi sa dilim eh." Nakataas kilay pa yan habang nag sasalita. "Palibhasa kitang kita ka eh. Ang kapal ba naman ng make up mo sinong hindi makakapansin sayo." Napanganga si Diane sa sinabi ni Justin, parang sinasabi nya sa utak nya 'aba'. "Hoy lalaking kulang sa paligo. Palibhasa hindi ka makapaglagay ng pulbos kasi magmumuka kang crinkles." "Oh talaga ba babaeng espasol? Kapag pangit, sa make up kumakapit." "At sinong nagsabing panget ako?" "Ikaw! Kakasabi mo lang diba." Hinubad ni Diane ang suot nyang sandals at akmang ihahampas sana kay Justin pero pinigilan ko sya. "Hep hep hep hep hep. Tama na yan. Para kayong mga bata." Palipat lipat ang tingin ko sakanila. "Yan kasi," turo ni Diane kay Justin "Anong ako? Baka ikaw." Balik na turo namam ni Justin kay Diane. "Ayan na naman kayo eh,. Kakasabi ko lang diba. TAMA NA." napahilot ako sa sintido ko. Magsasalita pa sana si Diane pero inunahan ko sya. "I said enough." Natahimik sila saglit. Maya maya pa lumipat si Diane sa tabi ni Justin. "Galit na yan kasi nag english na." Bulong ni Diane kay Justin. Pero dinig na dinig ko. Ginulo ko ang buhok ko dahil sa frustration. Mababaliw ako sa dalawang to. Nauna nalang ako sa sasakyan ni Diane. Sa backseat ako naupo para sana magtabi sila sa harap. Bagay na bagay silang mag sama eh. Wag na nila ako idamay. Sumunod naman silang dalawa. Si Diane naupo sa driver seat habang si Justin tumabi sakin. Nilingon pa kami ni Diane bago ipaandar ang sasakyan. "Hoy ano ako driver nyo?" "Sabihin mo lang kung gusto mo ko makatabi. Ikaw ah may paasar asar kapang nalalaman, may gusto ka lang pala sakin." Nagpa taas taas pa ng kilay si Justin. Umakto namang nasusuka si Diane. "Eeww, so eeww. Do you think magkakagusto ako sayo? May salamin ba sa inyo? Try mo gamitin." "Baka ikaw ang walang salamin. Hindi pantay kilay mo eh." Mabilis na kumuha si Diane ng maliit na salamin sa purse nya para i check kung talagang hindi pantay ang kilay nya. "It's a prank." "Ggrrrr" gigil na sabi Diane. Bumaba ako at lumipat sa passenger seat. "Tumigil na kayo pwede ba? Akala ko ba gigimik tayo para magsaya, eh bakit parang ma sstress pa ako lalo sa inyo?" Hindi na sila umimik pa at nagsimula na din mag maneho si Diane. Kung mag asaran tong dalawang to parang magkakilala na talaga sila. Pero sa totoo ngayon palang nila nakita ang isa't isa. Habang nasa byahe ay tahimik lang kami. Sa wakas natigil na din sila sa asaran nila. Pero yun ang akala ko dahil biglang nagsalita si Diane. "OMG, natakot ako sa rear-view mirror ko. Akala ko multo." Sinilip ko ang rear-view mirror nya. "Eh pop wala namang multo, si Justin yan." "Exactly, sya kase yan kaya akala ko multo." Ito na naman tayo. 2nd wave begins. "Bakit biglang nag iba ang amoy? Amoy bulok." Suminghot singhot pa si Justin na parang inaamoy ang paligid, una sa dalawang gilid nya hanggang papunta sa gawi ni Diane. "Bibig mo ba yun?" "Sayo yun, sadyang malapit ang bunganga sa ilong." sagot ni Diane. Bago pa mapunta kung saan to ay inawat ko ulit sila. "Tama na nga, isa pa , talagang bababa ako ng sasakyan. Gigimik nalang akong mag isa kaysa ganito makakasama ko." Mabuti naman at sumunod sila dahil kung hindi mababaliw na ako. Tinatanaw ko lang ang mga dinadaanan namen hanggang sa nakarating kami sa restobar. Dumagundong ang malakas ng music pag pasok namen. Umorder kaagad kami ng maiinom at makakain namen. Light drinks lang sakin kasi hindi naman talaga ako umiinom yung tipong hindi na makapaglakad. Nakiki foodtrip lang ako madalas kay Diane. "Kumusta ka pala sa trabaho mo Andrea? Wala bang nang aapi sayo dun?" Tanong sakin ni Justin. "Hay naku, ito ang pinaka masamang araw ko simula napasok ako dyan sa mall." Paguumpisa ko. Hindi naman sila nagtanong kung bakit pero halata sa mga muka nila na nag aantay sila ng kasunod. "Alam nyo ba may naging customer ako kanina worth 45,000 ang nabiling mga damit. May 10% commission kami sa mga mabebenta namen kaso yung supervisor ko hindi na daw ibibigay sakin." "Huh? Pwede ba yun? Hindi ba pag ganyan management ang nagseset ng rules? Authorize ba yang supervisor mo para mapapalit palit ng rules sa inyo? Bakit daw hindi nya ibibigay ang commission mo?" Si Diane. "Kasi hindi daw ako sumusunod sa utos nya. Ayaw nya kasi ipagalaw ang mga damit na nasa stock room. Ang gusto nyang mabenta yung mga naka display. Madaming customer ang hindi nalang nakakabili kasi overprice yung nasa labas." Dumating ang inorder nameng mga alak at pagkain. "Pero yung mga nasa stock room overprice din ba?" Tanong naman ni Justin "Hindi nga eh. Malayo ang presyo ng mga nasa stock room at naka display." Uminom ako ng cocktail na hawak ko. "You mean nag iiba na ang price pag naka display na? OMG baka naman sya lang din nagpapalit tapos binubulsa nya ang sobra." Si Diane. "Paano naman yun gagawin mag isa ng supervisor ko?" Balik tanong ko kay Diane. "Duh, edi may kasabwat sya." Posible pero ayoko mambintang hanggat wala akong ebidensya. Magtingin tingin nalang ako ng mga clue bukas dahil baka mag madiskubre ako. "Yung probationary contract ko din, may nadagdag na rules na hindi ko naman matandaang nandun nung pumirma ako." "Wala ba silang binigay na copy sayo?" Tanong ni Justin. Umiiling ako para sabihing 'wala'. "Eh picture? Na picturan mo ba sa cellphone mo?" Mabilis kong kinuha ang phone ko at tinignan ang photos. Swerte padin ako ngayong araw dahil may napicturan akong kontrata at tama nga ako, wala yung huling rules nung pumirma ako. Isiningit lang. Kakausapin ko bukas ang supervisor namen. "Wag mo muna tangkain na komprontahin ang suoervisor mo." Si Justin ulit. Pero bakit? Tila nadinig nya kung ano yung nasa isip ko. "Pag kinompronta mo sya nasa sayo na ang mata nya at ng mga kasabwat nya kung meron man. Kung ako sayo imbistigahan mo muna yung tungkol sa overpricing. Tama si Diane, maaaring nagpapatong sila ng presyo sa mga produkto ng mall at binubulsa nila ang sobra. Kung paanong hindi yun nakikita ng nakatataas sa inyo, yun ang hindi ko alam. Yan ang kailangan mong alamin." Gusto ko lang naman magkatrabaho at kumita ng pera para kay nanay at kay Cedric, naging imbistigador pa ako. Pero kung totoo nga ang hinala nila Justin at Diane hindi ko din kaya mag bulag bulagan. Kawawa naman ang ibang customer, sila ang nagbabayad ng sobra. Hindi na nasundan ang topic na yan. Pare parehas lang kami natahimik at nagkanya kanya ng lagok sa mga alak namen. Hanggang sa nagsalitang muli si Diane "Kinukumusta ka pala ni mamasang pop." "Bakit nam--" hindi natuloy ang sasabihin ko ng pinutol iyon ni Justin. "Ah so ikaw pala ang nagpasok sakanya sa club para sumayaw. Kaibigan ka ba nya talaga?" Sabi ni Justin kay Diane. "Sino bang dahilan kung bakit nya ginawa yun? Kung hindi ka na ospital edi sana hindi sya napilitan mag sayaw dun." Kontra naman ni Diane "Kahit na, inalok mo padin. Paano kung may nambastos sa kanya dun? Kaya ako na ospital dahil pinangtanggol ko sya. Eh ikaw? Mas lalo mo sya nilalapit sa kapahamakan " Angil naman ni Justin. "Tinutulungan ko lang sya sa expenses nya. Hindi katulad mo dinagdagan mo lang". Si Diane uli. Here we go again. Bakit ba ganito mga kaibigan ko? Para akong nasa gitna ng dalawang nag uumpungang bato. Malalaking bato! Hinayaan ko nalang sila magbangayan, nakakapagod ng umawat hayaan ko nalang sila magpatayan mamaya. Sa di kalayuan nakakita ako ng babaeng pamilyar sa akin. Tumayo ako para lumapit sa kanya. "Gusto mo palang makatulong bakit hindi ikaw ang nagsayaw dun?" Justin "Duh, I'm not a dancer. I'm soon to be a teacher kaya." Diane "Sus, baka panget lang katawan kaya hindi mo kaya" Justin "Nagsalita ang macho." Naririnig ko pa silang nagtatalo habang naglalakad ako palayo. Dahil parehas silang ayaw magpatalo hindi na nila namalayan ang pag alis ko hanggang sa nakalapit ako sa mesa kung nasaan ang babae. "Sabi na nga ba kayo po yan eh" Ivah POV My doctor called me a while ago to follow up on when I will schedule the operation. Honestly, ayoko matanggalan ng matres, dibaleng may sakit kasi makakahanap pa ko ng paraan para magamot ito, pero para tanggalin ito ay ibang usapan na. I know that if I lose it, I really have no chance of having a child "Sabi na nga ba kayo po yan eh" I raised my head as I heard the voice. It's Andrea. I'm here now at the restobar to drink. I smiled at her and motioned her to sit down, which she immediately obeyed. "Are you alone?" I asked her. "Ah hindi po, kasama ko po ang mga kaibigan ko. Ayun po sila." She pointed at a table with a woman and a man who seemed to be arguing. "Nakita ko po kasi kayo, kaya lumapit ako. Pasensya na po, gusto nyo po atang mapag isa." Ngumiti ako ng tipid. "No, it's fine." Maybe it's good to have someone to be with and talk to. We're not close yet, we're not even friends but there's something special with her. I can't tell it but I feel good about her. "Parang ang lalim po ng iniisip nyo ah. Ayos lang po ba kayo?" Ngayon nalang uli may nangamusta sakin kaya medyo naluha ako nung marinig ko yun. "Hala ma'am, bakit po kayo naiyak? May nasabi po ba akong masama?" Natataranta nyang tanong. "Nothing, I just got emotional about what you've said because I can't remember when was the last time someone asked how I am." First I don't have a friend. Daddy is sick. Mommy is taking care of daddy and she can't even call me. Lastly, my husband, who doesn't want to go home, doesn't want to be near me. They don't care about me. Well except for dad, if he is here he will definitely comfort me. She came closer to me and rubbed my back. I'll just let her because somehow it calms me down. It feels differently when you have a friend. Is she really my friend now? I hope so. "Hindi ko po alam ang pinag dadaanan nyo pero gusto ko pong sabihin na lahat ng problema may sulusyon." Yung sa akin wala ng sulusyon. Oras na matanggal na ang matres ko wala ng paraan para magka anak ako. "Bakit parang ang daling sabihin sayo yan?" "Suki na po ako ng problema. Immune na nga po ako jan eh." Napaka aliwalas ng muka nya. I wonder kung paano nya hinaharap lahat ng problema nya. Naikwento nya sakin isa isa ang lahat ng pinag daraanan nya. Mula sa nanay nyang nagka sakit, sa pang dialysis, sa kidney transplant, sa donor. Pati yung kapatid nya na pinag aaral nya. Hindi halata na may ganito syang pasanin dahil napaka bright nya pa din tignan. "Kaya mahal na mahal ko po ang trabaho ko kahit pakiramdam ko inaapi talaga ako ng supervisor ko dahil ayoko ko po mawalan ng trabaho." She said sadly. "Is she the woman who was scolding you earlier?" She smiled lightly and nodded. "Kasi diba po madami kayong binili kanina? Sa totoo lang po napaka saya ko kanina kasi malaki laki ang commission ko. Pang dalawang session na po yun ng dialysis ni nanay eh. Kaso hindi na daw po ibibigay sa akin." My forehead frowned. Why? I personally made that rule for all my sales personnel, they will get a commission of 10% of the total cost of the product they sold. That's for them to be motivated and get their job well assisting the customers. I didn't know that someone is breaking my rules I stayed quiet and just listened. "Hindi daw po kasi ako sumusunod.." "And what is it that you don't follow? From what I can see you are hands-on with your customers." "Pinagbawalan po kasi ako mag benta ng mga damit na nasa stock room." Stock room! Masama talaga ang kutob ko sa stock room na yan. "Pero kung iisipin nyo po lahat din naman ng naka display dumadaan sa stock room, hindi po kasi kami nag didisplay ng mga new arrival inuuna namen mabenta ang mga naunang dumating, pero nakakapag takang nag iiba ang price kapag naibalas na sa rack at naisuot na sa mannequin. Hindi ko po alam kung marketing strategy pa ba yun ng mall." "That makes sense but if that's a marketing strategy, I should be aware of that because everything is reported to me daily and I haven't heard if any of the suppliers raised the cost of their product. Therefore, there is no way that the products in the department store would be that expensive." I said in a whisper voice but I think she heard. "Po?" She asked, confused about what I said. "Ah wala, i said baka nga technique yun para lumaki ang sales." I'm gonna check the weekly sales tomorrow, particularly in the women's wear section "Kung marketing strategy po yun hindi sya effective." She commented. "How do you say that?" "Kasi po masyadong mahal, hindi po tugma ang presyo nya sa quality at brand. May mga na encounter na po akong mga customer na hindi makabili kasi kulang ang pera. Alam nyo po kung gaano kahalaga ang customer satisfaction? Yung kahit hindi malaki ang kinita nyo pero nakita nyong nasiyahan ang customer nyo, tiyak babalikan po kayo nun. Pero kung pinili nyong ibenta ang produkto sa napaka taas na presyo dahil gusto nyo kumita agad, asahan nyo po hindi na sila babalik. Madami pong pwedeng maging kompitensya sa negosyo. Kung ang isang customer nakatagpo ng mas magaganda at mas murang mga damit, dun na po sila palagi bibili." Everything she said has a point. Kaya bukas na bukas I'll look into this bago pa mawalan ng tatangkilik sa amin. "Thank you." Nabanggit ko ng hindi sinasadya. "Po? Para saan." Oh did she hear again? Lakas ng pandinig nito. "Ah, eh.. para sa.." nag isip ako ng palusot. "Nagpaplano ako magtayo ng negosyo, salamat kasi maganda yung advise mo." That was close. I don't want her to know that I am her boss. Hindi pa ito ang time.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD