Chapter 4- Their Past part2

3421 Words
"Congratulations, You can start tomorrow. This is your uniform, it's free from Management so you don't have to pay anything" After ng ilang araw, o umabot na nga ata ng buwan na pag jojob hunting ko ay may trabaho na din ako sa wakas. Malaki ang mall na mag ooperate palang bukas kaya halos lahat ng nag apply ay nabigyan din ng trabaho dahil kahit ilang araw na sila hiring ay kulang na kulang padin daw sila sa tao. Sales lady ang trabaho ko at sa women's wear section ako na assign. Malayo sa naging course ko at dream job ko. Pangarap ko kasi maging Civil Engineer pero dahil hindi ko naman natapos ang course ko at syempre wala ako lisensya hindi din ako natanggap sa mga Engineering Company na inapplyan ko. Kahit man lang sana alalay ng Engineer ayos na ako dun, malay mo may mga matutunan pa ko lalo. Kaso wala, dito ang bagsak ko. Ayos na din to kaysa walang trabaho. Nagpasalamat ako at umalis na. Sakto naman ng biglang pagtawag ni Diane "Pop. Busy ka ba? C'mon let's party. I celebrate naten ang kalayaan ko." Maoy na naman to, mukang naka inom. "We're over kasi nahuli ko sila ng babae nya. Hahahaha" tawa nya na parang nababaliw. Sabi na eh. Nag sosolo flight ng inom. Nakarinig ako ng nabasag na bote sa kabilang linya kaya nataranta ako. "Nandyan ka ba sa bahay mo? Sandali pupuntahan kita." Dali dali akong pumara ng taxi. Kahit mapapamahal ako sa pamasahe ayos lang, nag aalala ako kay Diane na baka masaktan nya ang sarili nya dahil sa sobrang kabaliwan este kalasingan pala. Pagbaba ko ng taxi ay dere deretso ako sa loob. Hindi naman ito naka lock. Pagdating ko sa kwarto nya ay nadatnan ko na magulo ang lugar. Nagkalat ang mga bubog sa sahig. Si Diane naman ay nakasalampak sa sulok habang umiiyak. Nilapitan ko sya at ng mapansin nya ang presensya ko ay walang sabi sabing niyakap nya ako at umiyak sa balikat ko "Ok lang yan. Iiyak mo lahat. Andito na ako" alo ko sa kaibigan ko. Masayahing tao si Diane. Kalog sya at palabiro kaya hindi ako sanay sa nakikita ko. Kilala ko ang boyfriend nya, or should i say ex-boyfriend nya. Babaero ang lalaking yun pero dahil mahal na mahal sya ng kaibigan ko ay nagbubulag bulagan lamang ito. Somehow masaya ako na natapos na ang pagtatanga tangahan nya. "Pop, ang sakit sakit. Hindi ko alam kung ano ba ang nagawa ko o kung ano ang hindi ko nagawa para maghanap pa sya ng iba. Pinapili ko sya, he chose her over me. He chose that girl over our 2 years relationship." "Tahan na pop. Hindi ako sanay na ganyan ka. Hayaan mo na ang lalaking yun you deserve someone better " inalalayan ko sya papunta sa kama nya. Binuksan ko muna ang Tv para malibang sya habang nililinis ko ang mga nagkalat na bubog. Kaso pati ang tv nang aasar ata kase ang palabas ay yung movie nina Liza Soberano at Enrique Gil na 'My ex and whys' dun pa talaga sa scene na "Panget ba ko? Panget ba katawan ko? Kapalit palit ba ko? Then why?" "Whaaaaaaaaa" biglang iyak ng babaeng kasama ko. Kinuha ko agad ang remote ng tv sa bedside table nya at mabilis na pinatay yun. "Hehe, sorry. Siguro mag sounds nalang tayo. Teka kunin ko lang phone ko" kinuha ko ang phone ko sa bag tsaka nag play ng music. Pinagpa tuloy ko na ang paglilinis. Nag matapos ay napag isipan ko naman magluto ng instant noodles. Para kahit papaano mahimasmasan sya sa pagkalasing. Inabutan ko syang nakaupo sa kama nya habang nakadungaw sa bintana at umiiyak "ohh bakit ka na naman umiiyak?" "Eh kase pop, favorite song nya to, huhuhu, lagi namen to kinakanta pag nag kakaraoke kami" Nak ng tokwa. Ang dameng bagay naman na makakapag paalala sa taong yun. Nilapag ko muna sa mesa ang niluto ko bago pinatay ang music. "Kumain ka muna. Wala pa atang laman yang tyan mo inom na agad inaatupag mo" Hindi naman na sya umangal nung iabot ko sakanya ang kutsara. Habang kumakain ay nagkwekwentuhan lang kami sa nangyari. Medyo kumalma na din sya kaya kumpara kanina mas maayos na syang kausapin ngayon. Napag kwentuhan lang namen ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw.Yung gulong kinasangkutan ng kapatid ko at yung pagtanggap ko sa raket na inalok nya sken. "Eh bakit nga ba hindi ka na umulit. Natuwa pa naman sayo si mamasang kasi pagtapos ng gabing yun ang daming bumalik na parokyano, hinahanap ka." Pang uusisa nya. "Hindi ko pinangarap magtrabaho sa ganun noh. Nagipit lang ako nun tsaka--" Sandali kong binitin yung sasabihin ko. Nag iisip kasi ako kung ikwekwento ko ba? Kaso parang inaantay nya ang karugtong kaya bahala na. "Eh kasi pop, actually nung gabing yun parang nakita ko sya eh." "Sinong sya?" Kwinento ko kay Diane ang nangyare habang sumasayaw ako. "Hindi lang ako sigurado kasi paglingon ko wala naman sya doon" hanggang ngayon nga palaisipan pa din saken yung nakita ko. "Oh edi kung wala sya doon ibig sabihin nag hahalucinate ka? Ano miss mo na sya? Mahal mo pa ba? Ayiie" Tignan mo tong brokenhearted na to. Kanina kung makaiyak akala mo katapusan na ng mundo. Ngayon naman todo asar. "Hmmm kinda, yung love? Hindi naman nawala yun. Mahal ko padn sya though hindi na katulad ng love ko noon sakanya. As days go by nababawasan naman sya" pang aamin ko. Hindi sya madaling kalimutan dahil sya ang first love ko kahit ang laki ng kasalanan nya sakin. "As i remember sobrang sweet nyo nung kayo pa. Halata namang mahal na mahal nyo isa't isa. Madaming girls ang pinag uusap ka palagi" well totoo yun. Lahat ng babae sakin ang mata inaantay nila ako makagawa ng mali at mahanapan ng butas. Atat sila maghiwalay kami. Kaya nung nalaman nilang lahat na wala na kami kaliwa't kanan ang mga bully sa akin. Syempre present jan si Stacy. "Kung mahal nya ko hindi nya ko lolokohin. If you truly love a person you wouldn't do anything to hurt them. You wouldn't leave them without clarifying things." "Hala sya, teka nga diba kaya ka andito para damayan ako? Ako yung brokenhearted eh. Bakit parang ikaw na?" Umiling iling sya sabay tumungo sa kusina nya. Pag balik nya meron na syang bitbit na dalawang beer. "mabuti pa magkwento ka saken hanggat maaga pa. Ako ang bestfriend mo pero wala akong alam sa naging lovelife mo hmmp" Mahihimigan ang tampo sa boses nya. Inabot nya saken ang isang bote ng beer. "Huy bakit may beer? Hindi ako pwede. Bukas ang start ko sa trabaho. " Ngunit hindi nya padin nilalayo saken ang boteng hawak nya. Nag puppy eyes pa ang loka "Oo na. Puppy eyes puppy eyes ka pa dyan hindi naman bagay" Kinuha ko ang bote na inaabot nya. Ayos lang siguro kasi light beer lang naman to. Sandaling namayani ang katahimikan bago sya nag umpisa ng topic. "So now tell me. Kumustang boyfriend naman sya nung kayo pa?" Naalala ko naman kung paano sya ka sweet at caring sakin noon. "Hmmm mabait at sweet naman sya. Walang araw na hindi nya pinaramdam na mahal nya ko" Scratch that mahal na mahal nya ko. "So bakit nag break kayo? Ikaw ang problema?" Bakit nga ba? Sa pagkakalam ko wala kaming problema. Bigla lang nangyari ang lahat. "No, wala naman kaming problema but there are some changes when his mom came back." Flashback Today is our 1st anniversary. Also today uuwi ang mommy nya from Paris. Matagal namalagi ang mommy nya sa Paris dahil dun nya piniling magtayo ng fashion boutique. May dinner date sana kami pero since gusto daw ako makilala ng mommy nya ay dun kami pupunta sa restaurant kung saan nagpa reserve ng table ang mommy nya. Nauna kaming nakarating sa restaurant. "Let's wait for her for a little bit. Maybe there was a delay on her flight. Do you want something? You're probably starving" "Ah hindi pa naman ok lang hintayin naten si mommy mo para sabay sabay na tayo kumain" Almost 30 mins na ata kami naghihintay. 30 mins na din ako kinakabahan. Madami kasing what if's sa utak ko. What if hindi nya ko magustuhan para sa anak nya kasi mahirap lang ako? Ganun kasi yung mga napapanood ko sa palabas eh, aalukin ka ng pera para layuan mo anak nya. Magkano kaya iaalok nya, 1M kaya? 2? 3? 4? 5? Ano kaya pipiliin ko, ang pera o si Raphael? Pero syempre eme lang yan. Si Raphael padin pipiliin ko kahit mag alok sya ng 100M. Napapitlag ako ng biglang nyang hawakan ang kamay ko "What's with the deep thoughts? If you're thinking about mom don't worry she's nice" he said then smiled. It somehow calms me down. "So, is she your girlfriend?" Saktong sulpot naman ng babaeng sa tingin ko ay nasa late 40's. Mistisa at balingkinitan ang katawan. Ito na ba ang mommy nya? "Mom" Tumayo si Raphael at yumakap sa mommy nya. "Welcome back. Oh i missed you so much" Bumaling naman sya ng tingin sakin. "Mom i would like to introduce my girlfriend, Andrea. Babe this is my mom, Lian Castellares" "Good evening po ma'am " Ngayon alam ko na kung bakit gwapo si Raphael. Kasi ubod ng ganda ang mommy nya. Para lang silang magkapatid kung pagtatabihin. "Ohh drop the ma'am iha. You can call me tita. You're special to my son so you're also special to me" totoo nga ang sinabi ni Raphael mabait ang mommy nya. Nawala ang lahat ng what if's ko kanina. Nanghinayang ako sa Millions, char lang hehe. Nagsimula na kaming mag order para makakain. Habang kumakain nagkwekwentuhan lang silang mag ina. Ang cool nga ng mommy nya kasi parang barkada nya lang kung kausapin. Plano nya na pala mag stay sa Pilipinas for good. Ililipat na ang Fashion boutique nya dito sa Pilipinas. Hindi kasing potential ang kita unlike sa Paris pero gusto nya na daw makasama ang mga anak nya. Ngayon ko lang din nalaman na may ate pala si Raphael na nasa Paris na susunod din naman daw dito after a few days. "Excuse me, i have to go to the bathroom." Paalam ni Raphael kaya naiwan kaming dalawa dito ng mommy nya. Ginawa ko nalang busy ang sarili ko sa pagkain dahil nahihiya ako sa mommy nya. "Masarap ba yan? If you want more i oorder pa kita." Nakangiti nyang sabi. Ang ganda talaga nya lalo pag nakangiti. Parang ani mo'y kumikinang ang mga ipin nito. 'Ok na po ako dito salamat po " nahihiya kong sabi. "Oh c'mon. Ngayon wala dito ang anak ko, can we drop the kaplastikan?" Sandali ko syang tinignan. Nakapulupot ang mga braso nya sa kanyang dibdib "Alam ko namang hindi mo afford ang ganyang pagkain. Baka ilang buwan mo pag ipunan ang isang order nyan. Kaya wag ka mahihiya" I was stunned for a moment. Parang ibang Mrs. Castellares ang kaharap ko ngayon kumpara kanina. Ang nakangiti nyang muka napalitan ng pagkamataray. "Be thankful because I've been trying to be nice to you in front of my son" "P-Po?" Hindi ma proseso ng utak ko ang sinasabi nya "I'll be frank with you. I don't like you for my him." Hindi sinasadyang nabitawan ko ang kutsara sa pagkagulat ko. "Yes you're pretty but you're out of his league. If you are using my son to change your life then quit." Kung kanina ay para ang amo amo nya ngayon naman ay halos tunawin nya ko sa sama ng pagkakatitig nya. "Hindi ko po habol ang pera nya. Wala po akong masamang intensyon. Totoong mahal ko po ang anak nyo kahit nag hihirap kami ay mamahalin ko padin sya" "You're too selfish of that iha. Hindi bagay ang anak ko maghirap. If you love him, leave him. He will get married after his graduation to someone whose family has power in the business world. That will secure his future." Kinuha nya ang wine sa gilid nya sabay ininom. "In our lives, what the heart says is often not followed. He is an heir, he has a lot of responsibility in our family. So stay away rather than get hurt." Ayun ang huli nyang sinabi bago nakabalik sa table namen si Raphael. End of flashback After makauwi ng mommy nya sa pinas ay kung kani kanino nya sine set up ng blind date si Raphael. "For real?" Di makapaniwala si Diane sa nakwento ko. "Eh pag nakikita ko sa school yun parang napaka bait nya. Tsk talagang looks can be deceiving." "Mabait naman yun gusto nya lang ang best para sa anak nya" kung si nanay nga noon sya pa nagmakaawa para di nya kami iwan. Kahit yung isa naman talaga ang may kabit at legal na asawa si nanay. "Sige pag tanggol mo pa. Hay sandali nga lang" nagtungo na naman si Diane sa kusina para kumuha naman ng snacks. Kukuha pa sana sya ng beer pero tumangi na ko. Bitbit nya ang samut saring junk food pagbalik nya. May kasama ding isang malaking bowl. "Mabalik tayo. So naghiwalay kayo dahil sinabi ng mommy nyang iwan mo sya?" "Hindi noh. I respected his mom syempre mommy nya yun but when it comes to our relationship kami lang dapat ang may say doon" "So bakit kayo nag break" "I caught him in the act" Yeah Diane and I have the same reason why we broke up with our boyfriends. Mag best friend talaga eh noh. "Why? What happened?" Hindi mahanap ng dila ko ang tamang term. Pag naaalala ko yun nakakaramdam padin ako ng sakit. Affected padin ako. "If you're not ok with sharing it, it's alright" Hinawakan nya ko sa balikat at niyakap. "Halata naman na nasasaktan kapa. Kung hindi mo pa kayang ikwento naiintindihan ko." "That was our 2nd anniversary. We were supposed to have our dinner together. Simpleng celebration lang. After class magkikita kami tas kakain ng sabay. Dapat mag staycation kami sa isang resthouse nila pero dahil busy sya sa school dahil graduating sya hindi na natuloy. He texted me the place. I arrived 15mins earlier than the time we agreed to meet." Panimula ko out of nowhere. Kumalas sya sa pagkakayakap. Hinawakan nya ang mga kamay ko at pinisil iyon ng marahan, she's like saying 'go on, whatever is that I'm just here to comfort you' Flashback Ang usapan namen ay 7pm pero 9:30pm na wala padin sya. Nakailang baso na din ako ng service water dahil kanina pa ko inaabutan ng menu pero wala naman akong pera para makaorder man lang kahit ng drinks nila. Lumapit sakin ang isang waitress. "Good evening ma'am. We are about to close, I'm sorry but you have to leave this place." "Miss may inaantay lang po ako kahit sandali nalang sana baka pwede ko sya antayin dito" "Actually ma'am may nagpapa abot po nito sayo, kanina pa po ito pero sabi ibigay ko daw pag paalis na kayo o kapag magsasara na kami" kinuha ang ang envelop na hawak ng waitress. May laman itong mga pictures ng couple. Pero hindi ko kilala kong sinong couple ito dahil puro nakatalikod. It seems that it was all captured at the same day and same place. Dahil hindi naman nagbago ang damit nila, ganun din ang paligid. May magkaakbay, magkayakap at naghahalikan. Hindi ko alam sino nagpa abot saken nito pero masama ang kutob ko. Tinignan ko lahat hanggang sa napako ang tingin ko sa huling larawan. Kung saan natalikod padin ang babae pero ang lalaki, kilalang kilala ko sya. Hindi ako pwedeng magkamali. Kilala ko ang suot nyang relo dahil ako mismo nagregalo nun sakanya. Sya din ang lalaki sa ibang larawan dahil natutugma ang suot nya at suot ng lalaki sa ibang pictures. May kahalikan syang iba? Unti unting nag unahan ang mga luha ko. Halos tatlong oras ako naghintay tapos ito lang pala ang makikita ko. Sa gigil kong malaman ang totoo ay tinawagan ko sya. I need an explanation. Hindi naman ako nabigo dahil tatlong ring lang ay sinagot na nya and i didn't expect what i heard. It sounds like a moan. Ungol ng babae at lalaki na sigurado akong sya yun. Napatakip ako sa bibig sa sunod na nadinig ko "Faster RJ, ohhh ahhh. F*ck me harder" RJ stands for Raphael John? "Im coming babe" ani nung RJ at talagang parehas pa ng endearment namen ang tawag nya sa babae nya. Hindi ko na kayang pakinggan at binaba ko na ang tawag. I'm eager to know more that's why I tried to track his location and luckily his GPS is on kaya nalaman kong nasa condo unit nya sya. Lumabas ako ng restaurant at dali daling pumara ng taxi. Kinakabahan ako sa makikita ko pero gusto kong makasigurado. Baka naman kaboses nya lang yun. Sana, pero iba ang kutob ko. Nasa tapat na ko ng building hinahanda ang aking sarili. What if sya nga yun? Anong gagawin ko? Hindi ko pa naman nakikita pero nasasaktan na ko. Naiiyak na ko. Kung gaano ako kabilis lumabas ng restaurant ay ganung bagal ko naman habang naglalakad papunta sa unit nya. Nagtatalo ang utak ko kung aakyat ba ako o hindi. Wala ba akong tiwala sakanya para isipin na magagawa nya yun? Pero malinaw ang narinig ko at malinaw ang nakita ko sa mga larawan. Hindi sumagi sa isip ko na mangyayari ito dahil simula maging kami ay sobra nyang pinaramdam kung gaano nya ko kamahal. Sa lalim ng iniisip ko, hindi ko namalayan na nasa tapat na ako ng pinto nya. Alam ko ang code nya kaya nakapasok ako. Bukas ang ilaw sa sala indikasyon na may tao nga dito. Naglakad ako papasok. Merong mga nagkalat na damit. Ito yung mga suot nila sa picture. Lalo akong napaiyak dahil parang nakumpirma ko ang ang nangyayari. Yung trail ng mga damit ay patungo sa kwarto. Nanginginig ang mga tuhod kong humahakbang patungo sa silid na bahagyang nakabukas ang pintuan. May naririnig akong mga ungol ng babae at lalaki. Kaparehas ng nadinig ko kanina sa phone call. Tila ba sarap na sarap sila sa ginagawa nila. Hindi nako nakatiis, mabilis kong binuksan ang pintuan at inon ang switch ng ilaw. There they are, uniting their bodies. Gumagalaw si Raphael sa ibabaw ng isang babae "MGA WALANG HIYA KAYO" sigaw ko saknila. Para namang napaso ng mainit ng tubig ang lalaki. "Babe? What the. Sino to?" Tukoy nya sa babaeng kasiping nya. Mabilis pa sa alas kwatrong nilapitan nya ako. Wala pa nga syang suot na kahit na ano kaya dumampot sya ng isang tuwalya. "Babe let me explain, iba yung nakita mo" Malakas na sampal lang ang tinugon ko sakanya. Sa sobrang lakas pati palad ko ramdam ang hapdi "Wala kang kailangan i explain. I saw you" turo ko sakanya at sa babaeng nakatakip ang muka dahil sa kahihiyan. "We're over Raphael, good bye" Umalis ako ng condo unit nya habang iyak ng iyak. Naririnig ko pa syang tinatawag ako pero hindi ko na sya nilingon. End of flashback "Pagtapos nun wala akong narinig na explanation mula sa kanya. Ni hindi nya ko sinuyo. Nabalitaan ko nalang nagpunta sya sa America." Pinunasan ni Diane ang ilang butil ng luha sa pisngi ko. Umiiyak pala ako habang nag kwekwento. "I'm sorry, pinapunta kita dito because of what happened to me without knowing mas malala pala ang naranasan mo. Grabe pa ko makaiyak kanina yun naman pala mas nasasaktan ka." "Don't be sorry. You have also a valid reason para masaktan tsaka ano ka ba-" pinunasan ko ang luha sa muka ko at ngumiti "napuwing lang ako. Maglinis ka nga ng kwarto mo ang alikabok" "Uy grabe sya. Araw araw pumupunta dito yung housekeeper namen noh" inisang lagok ko ang natitirang beer sa bote. Iba pala sa pakiramdam kapag may napagsasabihan ka. Gumaan ang dinadala ko these past few months. "Pop" tawag sakin ni Diane. "Promise me na kapag may pinag dadaanan ka magsabi ka sakin ah. I can't imagine the pain you've been through. Just like you did when i called you earlier, I would love to be your crying shoulder. Kaya promise mo wag mo sosolohin ang lahat cause I'm here." Tumango ako at nag pinky swear sya. "Best friend forever" "Ang childish pop" natatawa kong pang aasar pero sa huli nag pinky swear din ako. "Best friend forever." I am so lucky to have a friend like her. I'll treasure this person forever.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD