Andrea POV
Pag uwi ko ng bahay kinumusta nila si Justin. Sinabi kong ayos na sya pero kailangan i admit dahil may mga minomonitor pa sa lagay nya. Nakapag luto na din pala si nanay ng ulam. Oo nga pala, nakalimutan kong bumili ako ng ulam kanina buti nabitbit ni Cedric.
"Ikaw nak, wala bang masakit sayo?" alalang tanong ni nanay. Kumakain kami ngayon ng dinner.
"Wala ho nay. Nakalayo po kami agad ni Cedric kanina nung nagkakagulo na
"Ate nakita ko kanina sasampalin ka sana nung lalaki. Mabuti dumating na ang mga pulis"
"Mabuti talaga, ikaw bata ka hindi pa tayo tapos ah. Mamaya mag uusap pa tayo" tukoy ko sa pagdadrive nya ng motor.
"Opo ate. Sorry po talaga. Nay sorry po pinag alala ka namen" baling nya kay nanay
"Mamaya na naten pag usapan yan nasa harap tayo ng hapag. Sige kayo tutumal ang biyaya satin kung hindi nyo gagalangin ang pagkain."
Tumahimik na kaming dalawa ni Cedric at pinag patuloy ang pagkain. Nang matapos ako ay nagpaalam nakong mauuna na dahil may pasok pa ako.
"Akala ko ba wala kang pasok." Sabi ni nanay. Sinabi ko nga pala kahapon na wala akong pasok sa bar. Pero hindi naman sa bar ang papasukan ko ngayon kundi dun sa club na tinawag sakin kanina ni Diane
"ah eh.. Nay. Humingi po ako ng schedule. Nakiusap ako sa amo ko kung pwede madagdagan yung araw ng pasok ko para pang gamot ni Justin" Palusot ko. Ayokong sabihin kay nanay ang pagsayaw ko mamaya sa club.
Naligo na ako at nagbihis. Casual lang ang suot ko at hindi na ako nag ayos masyado dahil may mag aayos naman daw sa akin doon. May sariling make up artist ang club. Wag lang talaga ako mag mukang bakla.
Habang nagsusuklay ng buhok, pumasok si nanay sa kwarto ko. "Anak pwede ba tayo mag usap?" Sabi nya at umupo sa dulo ng papag ko.
"Opo naman nay. Pero tungkol po ba saan?" Hindi nagsalita si nanay at bigla lang akong niyakap. Naramdaman kong nabasa ang kanang balikat ko kung saan naka patong ang baba nya. "Umiiyak po ba kayo?" Dali dali syang nag punas ng luha.
"Masaya lang ang nanay nak kasi lumaki kang maayos kahit wala ang ama mo." Hinawakan nya ang pisngi ko at hinaplos ito.
"Lumaki po akong maayos dahil kayo po ang nagpalaki sakin. Hindi ko po kailangan ng ama, ikaw lang nay sapat na po" kahit naman nung buo pa kami walang time sa akin ang tatay dahil busy sya sa negosyo nya. Negosyong ibang pamilya ang makikinabang.
"Paano anak kung bumalik sya?" Nung bata ako gabi gabi ako nag aabang sa tapat ng gate, inaantay kong bumalik sya. Na baka one day marealized nyang si nanay ang mahal nya, kami ang pipiliin nya. Hanggang sa nabenta nalang namen ang mansion hindi padin sya bumalik.
"Malabo na ata yan nay. Kung gusto nya bumalik edi sana noon pa. Ilang taon na si Cedric nay oh" Buntis palang si nanay kay Cedric nung iwan nya kami. Hindi nga nya alam na buntis si nanay nun kaya hindi nya kilala si Cedric. "Basta nay hindi naten sya kailangan. Nabuhay tayo ng ilang taon na wala sya kaya mabubuhay tayo ng marami pang taon kahit wala sya." She smiled sweetly.
Ang ganda talaga ng nanay. Kahit hindi nya sabihin, alam kong mahal parin nya si tatay dahil naka sabit padin sa kwarto nila ni Cedric ang wedding photo nila.
"O'sya mag ayos kana uli baka ma late ka sa trabaho mo. Goodnight anak. I love you. Mag iingat ka."
"Goodnight nay. I love you too" humalik lang ako sa pisngi nya bago sya lumabas ng kwarto. Pero muli syang tumingin sakin.
"Eh pano kung sya ang babalik?" Nangunot ang noo ko. Iniisip kung sinong 'sya ang tinutukoy ni nanay. Muka namang nakuha ni nanay na hindi ko naiintindihan ang sinasabi nya kaya muli syang nagsalita. "Anak yung ex mo. Si Rapha--" Pang aasar nya.
"Nay naman" Hindi na natapos ang sasabihin ni nanay dahil umangal nako. Humagalpak naman sya ng tawa. Hay! Kung malabong bumalik si tatay, mas malabo yun.
~~~
Nandito ako ngayon sa sasakyan ni Diane. Sinundo nya ko sa bahay at ihahatid sa club. "Kinakabahan ako." Sabi ko
"You don't have to force yourself. Kung hindi mo kaya pwede ka mag back out. Regarding sa gastusin pwede naman kita pahiramin muna"
"Thank you pop pero wag na. Kakayanin ko nalang to. Tsaka diba may takip naman ang muka. 1st time ko kasi kaya kinakabahan ako." Dahil sa lovelife sinuway nya ang parents nya kaya hindi na sya binibigyan ng allowance. Tumatanggap sya ng tutorial sa mga bata at dun nya kinukuha ang pang gastos nya. She's taking up Education major in Mathematics and graduating na din sya.
Nakarating kami sa club. Pinakilala nya ko ng personal kay mamasang. Mamasang lang daw tawag sakanya pero hindi naman daw sya nagbebenta ng mga alaga nya. If you know what i mean.
"Mamasang ipagkakatiwala ko sa inyo ang best friend ko. Alagaan nyo sya ah tsaka hanggang sayaw lang yan bawal mag table." paalala ni Diane kay mamasang. I wonder kung paano sila nagkakilala ni Diane. Bukas nga itatanong ko
"Noted my dear. Kahit hawak hindi ko papayagan. Naka stand by lang ang mga bouncers ko and i specially instructed them na bantayan ang lugar mamaya pag performance mo na. Taking videos and pictures are also not allowed."
Humarap sakin si Diane. "As much as i want to stay but i can't. May tutor ako bukas ng umaga and i need to rest ealy"
"Naku wala yun noh. na istorbo na nga kita kase hinatid mo pa ko dito. Pwede naman ako mag taxi. Drive safely."Bumeso sya sakin and bid goodbye.
Pag alis ni Diane sya namang yakag sakin ni mamasang sa dressing room. Hinahayaan nya ko na mamili ng susuotin ko, yung magiging komportable daw ako pero sa tingin ko kahit alin pa dito eh maiilang pa din ako. TInipid naman kasi sa tela ang mga to. Sa huli ang napili ko ay shorts at crop top bra na maraming beads at burloloy.
"Naku i didn't know Diane has a goddess best friend like you" ngumiti sya sa akin at ganun din ako. i appreciate her compliment.
Pumunta kami sa stage para mag practice daw. Hindi lang pala sya basta gigiling ka lang dahil may steps daw ang ibang part pero madali lang naman daw. Namangha pa nga ako sa ganda ng set up nitong club, halatang mayayaman ang nagpupunta dito.
Nag umpisa na ang practice. Tinuruan nila ako ng kanilang steps. At first nahihiya ako pero eventually nakakasabay na ako sakanila.
"Wow, Andrea. I'm sure madaming lalaki ang mapapatingin sayo mamaya." Sabi ni mamasang habang pumapalakpak pa. Pero sana wag. I don't want to be the center of attention.
"Wait" Awat samin ng performance leader nila. Nakahawak ito sa baba at tila nag iisip. "I think Andrea has to be a center for tonight. She's attractive so mas bagay sya sa gitna. Jenny can you pls switch position with her?". She or He said, ah basta bakla sya. Kakasabi ko lang na ayoko maging center of attention pero ito at ipepwesto pa ako sa gitnan. Tinignan ko naman si Jenny at ang sama ng tingin nya sa akin. Problema nito?
Gaya ng instruction nya ay nagpalit kami ng pwesto. Minadali lang namen ang practice dahil mag mamake up pa kami.
Nag matapos ang practice ay kanya kanya kaming puntahan sa mga vanity table namen. Lumapit sakin si mamasang at inabot ang piraso ng manipis na tela.
"Andrea ito pala ang itatakip mo sa muka mo." Kinuha ko iyon at sinubukan suotin. Kalahati lang ng muka ko ang matatakpan, sa ibabang part lang."I just realized maganda ang mga mata mo, sayang kung tatakpan." Kinuha nya uli ang tela sa kamay ko at sinuot nya sa akin. Tinignan nya ako mula sa salamin. "Perfect! Paki emphasize ang mata nya." Kausap nya sa make up artist.
Umalis na si mamasang at nagpaalam na kailangan nyang magtungo sa bar ng club para i check naman ang mga alak.
Dumating ang oras para sa sayaw. Mas kinabahan ako nang makitang madaming tao. Puro lalaki at puro mga mukang manyak. Kung hindi ko lang kailangan ng pera ay hindi ko gagawin to.
Umakyat na kami ng stage. Kami pala ang unang sasalang. Tsaka meron pa ko mamaya bago magsara. May solo performance daw ako. Ay juicecolored.
Naririnig ko ang bulungan ng mga tao 'Bago ba sya?' 'Ngayon ko lang sya nakita' 'Her eyes are gorgeous, I wonder kung ano itsura nya pag tinanggal ang nakatakip sa muka nya' 'Ngayon palang i want her to take home' Ilan lang yan sa mga nadidinig ko.
Nanginginig ang mga tuhod ko habang nakatayo sa gitna ng stage. Napansin naman ng dancer na nasa bandang kanan ko, si Mitch. "Girl isipin mo lang walang ibang tao dito kundi ikaw."
Unconsciously, I absorbed her words. Wala akong nakikitang iba kundi ang ilaw sa paligid at sarili ko lang. Nagsimula ang musika, at tila may sariling buhay ang katawan ko at kusang sumasabay ito sa beat.
River by Bishop Briggs
Like a river, like a river, sh-
Like a river, like a river, sh-
Like a river, like a river
Shut your mouth and run me like a river
I move along to the beat of music. Iba ang naging atake ko dahil hindi ko sinunod yung prinactice namen kanina, instead nag interpretative dance ako. Freestyle.
How do you fall in love?
Harder than a bullet could hit you
How do we fall apart?
Faster than a hairpin trigger
Good thing alam ko ang kanta, kaya alam ko kung paano ako gagalaw. Nagpalakad lakad at nagpa ikot ikot ako sa stage habang sumasayaw.
Don't you say, don't you say it
Don't say, don't you say it
One breath, it'll just break it
So shut your mouth and run me like a river
Yung kabang nararamdaman ko kanina ngayon ay wala na. Iniisip ko lang na walang nanonood sa akin at walang ibang tao sa paligid ko.
Shut your mouth, baby, stand and deliver
Holy hands, will they make me a sinner?
Like a river, like a river
Shut your mouth and run me like a river
Choke this love 'til the veins start to shiver
One last breath 'til the tears start to wither
Like a river, like a river
Shut your mouth and run me like a river
Suddenly there's a man entered the club,. Eh? Bakit sya nakikita ko? My heart beat faster. This feeling is familiar to me and I only felt it with him. Kahit malayo sya at nasa madilim na sulok ng club ay alam ko ang tindig na yan.
May tumamang ilaw sa gawi nya, our eyes met. Ganitong ganito ang pakiramdam ko when i first met him 3 years ago. Is that really him? What is he doing in this kind of place? Naghahanap ba sya uli ng playmate na babae? Nakakainis at ang sakit isipin.
Habang sumasayaw ako, sakanya lang ako nakatingin. Dumating ang order nyang alak. Kahit sa paglagok nya nito ay hindi nya tinatanggal ang titig nya sa akin at ganun din ako.
Masyado akong nadala sa kanta at hindi ko namalayan na tapos na pala ang tugtog. Nagpalakpakan ang mga tao. Biglang natanggal ang takip ko sa muka kaya dali dali kong pinulot yun at tumalikod para isuot muli.
Tinignan ko ang lugar kung nasaan sya kanina pero wala doon ang lalaki. Was that my imagination? Medyo na disappoint ako.
Tinignan ko si mamasang at yung performance leader sa crowd. Pumapalakpak din sila at nag thumbs up yung performance leader while mamasang mouthed 'Good Job'.
Bumalik na kami sa back stage para magpahinga dahil mamaya ay meron uli silang sayaw at ako ay may last solo performance. Lumapit sakin si Jenny na galit ang muka. "Anong ginawa mo? Diba nag practice tayo, may steps tayo? Pinag muka mo kaming back up dancer mo."
"Sorry nadala lang ako sa music hindi ko sinasadya" Sasampalin nya sana ako pero mabilis syang naawat ng ibang dancer.
"San ka ba napulot ni mamasang? Masyado kang nagmamagaling eh? Ang epal mo" Tanong sa akin ni Jenny.
"Jenny maganda naman ang sayaw nya kanina tignan mo ang daming natuwang parokyano" Sabat ni Mitch sabay bulong ng 'ayaw mo lang malamangan' pero ako lang ang nakarinig nun dahil magkatabi kami.
"Ayun nga eh. Ang galing nya, paano kung hindi na tayo panoorin ng parokyano dito at sya nalang ang hanapin?" turo sakin ni Jenny. "Aayawan na tayo ng iba at sya nalang irerequest. Gusto mo bang malaos agad?" Baling nya kay Mitch.
"Ang oa mo naman. Isang sayaw palang nya laos na agad. Tigilan mo yan Jenny, kung ayaw mong malamangan galingan mo din." Inirapan nya si Jenny at hinawakan ang kamay ko. "Halika na, Ganyan talaga pag magaling, kinakainggitan. Pero alam mo ako hindi, parang idol na nga kita. Ang galing galing mo kanina. Pwede mo ba ituro sken yun?" Ngumit ako sakanya at tumango. Nag umpisa na kaming maglakad papalayo kay Jenny pero nagulat ako dahil bigla nyang hinablot ang buhok ni Mitch. Nagkagulo na naman.
Parang lapitin ako sa gulo ngayong araw na to. Dahil sa naging kumusyon maagap na inawat sila ng isang bouncer saktong dating din ni mamasang.
"Anong nangyayare dito" galit na sigaw ni mamasang. Mabilis naman silang nagkulasan at pinapunta ni mamasang sila Jenny at Mitch sa opisina nya para doon mag usap.
Nilapitan ko si mamasang para kausapin. "Pasensya na po, dahil sakin nagkagulo po kayo dito" Sinabihan naman ako ni mamasang na wag ko intindihin yun at talagang ganun lang si Jenny kada may bagong dancer. Nagpasya akong umalis nalang. Hindi ko na itutuloy yung last performance ko. Ginalang naman ni mamasang ang desisyon ko at inabot ang kita ko. Bukod sa tip ay dinagdagan nya ito kaya umabot din ng sampung libo.
May pang gastos na ako sa bahay at makakabili pa ako ng dagdag na gamot ni Justin.
~~~~
Raphael POV
"saan ka pupunta? We're not done talking yet"
she yelled at me. Seriously, does she know anything aside from nagging?
"There's nothing we need to talk. If you're going to rant well excuse me. I'll go"
"What? I am your wife, Raphael, I am your legally wedded wife in case you forgot, and now bakit hindi ka umuuwi dito, may babae ka ba?"
"We may be legally married but in case you forgot too, let me remind you. We were forced to be husband and wife. There is no love between us, I don't love you. You get it?"
"That doesn't change the fact that we're married so i have all the rights to nag. Wag mo ipapahuli sa akin yang babae mo or else sasamain sya sa akin"
I ignored her and went straight to my walk-in closet. I picked a white long sleeve and jeans and changed my clothes.
For a year sinubsob ko nalang ang sarili ko sa trabaho. Halos sa opisina na ako nakatira, umuuwi lang ako para kumuha ng damit. Why? because i don't want to see her. Naaalala ko yung nangyari a year ago, ang dahilan kaya nangyari ang set up na ito. Ang pakikipag sabwatan nya sa mommy ko.
Pagkabihis, dali dali kong kinuha ang susi ng sasakyan ko at dumeretso sa garahe. Habang itong asawa ko kuno ay tuloy lang sa pag bubunganga.
.
I drove to the usual place pero puno ang lugar. I decided to go to the nearest bar but i found a club instead. Ayoko sana sa ganitong lugar dahil puro mga bayarang babae ang nandito. Hanggat maaari ayokong lumapit sa ibang babae at ayokong lapitan ako ng ibang babae dahil pakiramdam ko pinag tataksilan ko sya.
Siguro ok lang kung papasok ako dito ngayon lang, wala na kasing ibang option. I just want to have a drink.
When i entered the club may nasalubong ako waiter and ordered some drinks. Inorder ko lang ang best seller na alak dahil hindi ko pa naman nakikita ang menu nila. I scan the area , hmm I'm impressed with it's interior design. As an Architect, ngayon lang ako nakakita ganitong layout.
Dumako ang tingin ko sa harap, may mga sumasayaw. There are 5 ladies on stage but only 1 caught my attention. Yung nasa gitna.
I don't know why pero my eyes glued on her, those eyes are familiar. I felt.. longing? Matagal kami nagkatitigan, nagsusukatan kami ng tingin. Dumating ang inorder kong alak, inisang lagok ko iyon habang hindi padn tinatanggal ang pagkakatitig sakanya.
For the 1st time after a year ngayon nalang ako ulit tumitig sa babae ng ganito, I feel like i want to rush over the stage and pull the piece of cloth that covers her face. I want to see her.
Hindi pa naman ako nakakarami ng inom pero pakiramdam ko nalalasing ako sa mga titig nya. Ang bawat galaw nya ay mapang akit, she looks inviting. Gusto ko syang itakas para ako lang makakapanood sa kanya. She reminded me of her. Ganyan na ganyan ang mata nya, ang katawan nya and even her height.
Their performance ended and everyone applauded, Suddenly, the cover fell and accidentally her face revealed. I was stunned for a moment dahil sya ang nakita ko. She immediately picked up the cloth and turned her back before putting it back. I shook my head off. There is no way that she's her. Hindi sya ang tipo ng sasayaw ng ganyan sa harap ng maraming kalalakihan. Inubos ko ang alak at naglapag ng pera sa mesa.
Tinungo ko ang parking lot at sumasakay sa sasakyan ko. Nag dadrive lang ako kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Was i hallucinating? Dala ba iyon ng alak ng nainom ko? Maaaring nag kamali ang mata ko pero bakit ganito ang pakiramdam ko?
Wala sa sarili akong nag U-Turn. Wala naman masama kung manigurado ako. Paano kung sya talaga yun? Masasayang ang chance kong makausap sya.
I got back in front of the club. Before I got out of the car, I saw a woman walking. Her figure is similar to that of the woman earlier. Ito na naman ang pakiramdam ko.
Pumihit ang babae paharap sakin and there she is, the woman that makes my heart beat faster. the woman I love. My Andrea.
Nakatayo lang sya na parang may inaantay. Bahagya pa syang napatingin sa sasakyan ko pero dahil heavy tinted ang windshield nito ay hindi nya ko nakita.
Bumaba ako ng kotse ko at lalapitan ko na sana sya pero bigla syang pumara ng taxi at sumakay doon.
I quickly returned to my car to follow the taxi she took. Kung minamalas malas ka nga naman ngayon pa magloloko ang sasakyan ko. Ayaw mag start ng makina. I slammed the steering wheel because of my annoyance. I could do nothing but watch the taxi getting away from this place.
Aayusin ko ang lahat. Makikipag divorce ako at hahanapin kita. At kapag sa akin kana uli i promise hindi na kita papakawalan.