Chapter 31

1288 Words
Napatitig si Tyler kay Erika, "Paano ba niya magagawang paghigantihan si Erika? Hindi niya kayang ipakulong ito at pagbintangan tulad ng plano nila, hindi rin niya kayang pakasalan at iwan ito matapos masalin sa kanya ang pera ng bata bilang legal guardian. Hindi niya kayang maiwan si Erika sa kawalan." bulong ni Tyler na titig na titig din kay Erika. "Tyler, wala akong balak manggulo. Kung may pamilya si Theo wala na akong magagawa. Pero makikiusap ako.Kailangan ni Dos ang kanyang ama. Si Theo ang pag asa ko kaya kung maari lang paki sabi kay Theo na buhay ang anak namin at kailangan siya ng bata."pakiusap ni Erika. Nanginginig na naman siya. "Please ilihim mo na lamang sa asawa ni Theo para walang gulo. Walang kaming ibang hangad at hindi ko gusto ang makagulo. Siguro kaya naglaho si Theo, dahil nga siguro may asawa siya. Pangako matulungan lang ni Theo ang anak ko maglalaho kami para sa katahimikan niya. Ililihim kong may anak si Theo sa tulad ko," sabi ni Erika. Tumulo ng kusa ang luha ni Erika. Ang bangungot ng lumipas ay nagpapanginig na naman ng mga tuhod niya. Ang kakila-kilabot na namang mga eksena sa isipan niya ay nanumbalik at pinasasakit na naman ang ulo niya ng mga pira- pirasong eksenang kahit sa panaginip ay ayaw niyang makita. Kaya muling napayuko si Erika at pinigilan ang nararamdamang sakit. Gayun din Tyler, hindi niya magawang magsaya sa pagkakatuklas sa lahat. Hindi niya magawang magdiwang na nahanap na niya ang babae ni Theo. Kusa na ring tumulo ang mga luha ni Tyler lalo pa ng maalala ang isang masakit na katotohanan. "E-Erika....I'm so sorry, I'm so sorry hindi na kita maaring dalhin kay Theo. Hindi na makakatulong si Theo sa inyo." sabi ni Tyler na hirap ituloy ang sasabihin. Niyakap na lamang niya ng buong higpit si Erika. Hindi niya kayang makita sa mga mata nito ang pagkabigo. Sa katotohanang nalaman ay kasabay rin niyang nalaman na walang pagasang mailigtas si Dos. Humigpit ang yakap ni Tyler kay Erika pero pumalag ito saka tumitig sa kanya ng tagus-tagusan habang lumuluha at muling lumuhod sa harap niya si Erika. "Para mo nyo nang awa, huwag nyong ipagdamot sa akin ang buhay ng anak ko. Lahat gagawin ko, Tyler pakiusap.Tiniis ko naman ang lahat, lumayo kami. Hindi ko kailanman dinungisan ang pangalan ni Theo. Hindi ako naghangad o nanghingi ng kahit ano," masaganang tumutulo ang luha ni Erika habang nakikiusap. "Para nyo ng awa, para nyo na awa .... iligtas nyo ang anak ko. Pakisabi kay Theo iligtas lamang niya ang bata kahit yun lang," Walang patid na pagmamakaawa ni Erika habang nananatuling nakaluhod sa harap ni Tyler. "Erika...Hindi mo naiintindihan, hindi maaari ang sinasabi mo... Si Theo ay...." "Ano pa! ano pa bang gusto nyo ha? tiniis ko na ang lahat, ako,ako ang pinahirapan ng lahat. Hindi ako kailanman nanggulo o nanghingi ng kahit ano. Hindi ko kinasuklaman ang kapatid mo sa kabila ng lahat."sabi ni Erika. "Ano pa? ano pang pasakit ang gusto nyo? makabayad lang ako ng kasalanan sa pamilya nyo? Napakawalang puso nyo. Buhay ng anak ko, buhay ng anak ni Theo ang nakasalalay dito. Dugot lamang ninyo pero napakadamot nyo. Napakadamot nyo..!" sigaw na ni Erika. Hindi niya maunawaan kung bakit kahit nag aagaw buhay ang bata ay kasakiman pa rin ang nais ng mga ito. Hindi rin maisip ni Erika kung saan galing ang mga sinabi niya. Maging siya ay nagulat sa sumbat na lumabas sa bibig niya. Saan niya nadampot ang mga salitang iyon? Tama ba ang mga sinabi niya?" "No, Erika hindi yun ang ibig kong sabihin,bplease listen.." Sabi ni Tyler pero pumalag si Erika at hindi nagpayakap sa binata. Ang hinanakit at sama ng loob sa lahat ng pinagdaan magisa ay kumawala na at unti unti ng namumuo ang poot sa dibdib niya lalo pa at nakakita siya ng pagasa pero ipinagdadamot ng mga ito sa kanya. "Mga wala kayong puso, ganyan kayong mga mayayaman, ganyan kayong makaalipusta ng tao. Oo! marumi ang pagkatao ko pero hindi ko yun pinili. Biktima ako ng kahirapan, ng kapalaran at pagkakautang." sumbat ni Erika lumabas na sa mga mata nito ang poot. Hindi na luha ang nakikita sa mga mata nito kundi apoy ng galit. "Sige, Ibato nyo ng lahat ng insulto sa akin, ng sisi sa akin, iparanas nyo ang impiyerno sa pagkakamaling iyon pero ang idamay ang mosmos na bata ay nakakaput*ngina na. Sobra na." sigaw na ulit ni Erika. "Ikaw, Ikaw Tyler nabahag ba ang buntot mo? Ang sabi mo tutulungan mo kami. Ngayon na nalaman mong kadugo mo ang bata at anak lamang ng isang pokpok ay naduduwag ka na? at lalong nandiri tama ba? Sakim ka rin ba tulad nila? Katulad ka ba nilang walang puso? Magkakadugo nga kayo pare pareho kayong mga walang kaluluwa." galit na sabi ni Erika. Kasabay ng pagsambulat ng galit ni Erika ay ang pagdaloy ng mga munting alaala at malinaw iyon this time. Pero muling ikinasakit ng ulo niya iyon kaya pumiglas si Erika sa hawak ni Tyler at tumakbo sa banyo para sana doon magkulong pero nasundan agad siya ni Tyler at muli siyang niyakap. "E-Erika...please listen to me..."habol ni Tyler. Nagsisigaw si Erika dahil sa sama ng loob at sa sakit ng ulo na tila palala ng palala. Tumulo naman ang luha ni Tyler sa sakit ng kalooban sa nakikita. Hindi niya kayang makitang ganito ka miserable si Erika pero kailangan niyang sabihin ang totoo. "E-Erika, si T-Theo, wala na si Theo Erika. Nagpakamatay ang kapatid ko, may tatlong taon na.." umiiyak na sabi ni Tyler na awang awa kay Erika. Alam niyang lubhang masasaktan si Erika sa maririnig dahil katumbas iyon ng kabiguan, at masasaktan din ang puso nito dahil wala na ang lalaking minanahal at posibleng hinihintay pa nito. At siya, nasasaktan din siya. Inaamin ni Tyler na nasasaktan siya. "Hindi! hindi totoo yan, diyos ko po, hindi totoo ang naririnig ko, huwag naman po," nanginginig ang labi ni Erika ng sabihin iyon. "Alam ko, sinasabi nyo lang iyan, dahil hindi nyo tanggap ang bata na anak ng isang bayaran hindi ba..? diba?" sabi ni Erika na nagtakip pa tenga habang umiiyak na nakalugmok sa tabi bowl.Para siyang binagsakan ng buong mundo. "E-Erika, oh, God sana nga nagdadamot na lang ako. Sana nga ganun na lang. Pero, patawad, Erika pero yun ang totoo." paos na sabi ni Tyler na hirap din ang kalooban. "Nasasaktan akong sabihin sayo ang ikabibigo natin pero kailangan mong malaman ang totoo. Matagal ng patay ang kapatid ko Erika." Sabi ni Tyler na niyakap si Erika at pinaghahalikan sa luhaang mukha. Ngayon napagtanto ni Tyler na sa maiksing panahon ay napamahal na sa kanya si Erika.Inaamin niya iyon ngayon na napakasakit makitang wala siyang magawa para dito at kay Dos. "Patawad Bro, hindi ko man lang matulungan ang babaeng alam kong minahal mo. Dahil kung nagawa kong mahalin si Erika sa maikling panahon, malamang ay minahal mo rin siya dahil sa kanya mo piniling magkaanak. Pero bakit ka sumuko? anong kuwento niyo ni Erika bro?" Bulong ni Tyler habang yakap ng mahigpit si Erika. Sumalampak na rin si Tyler sa tiles para mas mayakap at maalalayan ang halos kapusin na sa hiningang si Erika. Nanatili ang dalawa sa ganung sitwasyun.Yakap lamang ni Tyler si Erika. Pero lingid kay Tlyer si Erika ay nawalan na ng malay ng hindi namalayan nito. Ang akala lamang ng binata ay nakatulog lang ito. Nang mahimasmasan din si Tyler ay binuhat nito ang akala nitong tulog lang na si Erika at pinagpahinga na lamang sa kama. Matapos itong kumutan ay inalis ni Tyler ang malaking larawan ni Theo sa ding-ding at iniligpit muna. Ganun din ang larawan sa center table.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD