Hanggang sa pagdating ng bahay at pagbaba ng sasakyan ay tahimik na tila tulala lamang si Erika kaya mabilis na umibis si Tyler sa driver seat at inalalayan si Erika. Sinalubong naman sila ng katulong at nakituwang na akayin si Erika dahil halos hindi ito makagalaw.
Papasok na ng pinto si Erika ng bigla niyang inikot ang paningin sa buong bahay na parang nagagalak pero kalaunan ay pumalahaw ng iyak.
"Dos,Dos,anak ko, patawad Dos," sabi ni Erika na ikinabahala ni Tyler kaya mabilis at halos karga na ni Tyler si Erika papasok ng guest room.
"Sir? kakain po ba kayo ni Ma'am. Maghahain pa po ba ako?" Tanong ng maid.
"Hindi na, malamang wala ring gana si Erika. Ako rin walang gana. Dalhan mo na lang ako ng kape dito at tubig para sa ma'am Erika mo" utos ni Tyler.
Nang makalabas na ang katulong ay inalalayan ng binata si Erika na makahiga pero tumatangi ito kaya isinandal na lamang ni Tyler si Erika sa headboard ng kama. Inabot ng maid ang kape at tubig at umalis na din ng sabihin ni Tyler magpahinga na.
"Gusto ko sanang dito magkape para samahan ka Erika. Alam kong kailangan mo ng kahit makakausap. Pero kung gusto mong mapag isa ka ay lalabas na muna ako, nandoon lang ako sa terrance kung may kailangan ka ha." sabi ni Tyler.
Pagtalikod ni Tyler, hindi pa man siya nakakahakbang ay piniligilan siya ng nanginginig na kamay ni Erika.
"Hmm may kailangan ka ba Erika?" ewan ni Tyler kung bakit ganun kalambing ang tono niya. Natanim kase sa isip niya na kapag ganito si Erika ay mangungulit itong magbayad ng serbisyo niya. Sino ba ang aayaw na paliligayahin ka pero sa palagay ni Tyler ay hindi tama ang oras para doon.
"A-Ang p-picture, si-sino ang picture?" Nauutal na tanong ni Erika.
"Picture? Whose picture? asan?" Naguguluhang sabi ni Tyler. Sa nanginginig na daliri ay itinuro ni Erika ang larawan sa ding-ding.
"Ah, oo nga pala may mga picture nga pala dito. That's Theo Erika, my younger brother. Nabo-bother ka ba? Dito kase ang silid niya kapag naririto siya kaso lang...."
hindi na naituloy ni Tyler ang sasabihin dahil muling nagtanong si Erika at itinuro naman ang larawan sa tabi ng side table.
"Ah kami yan, si Theo ang nasa kanan, si Dad sa kaliwa, ako yung nasa gitna at katabi ko ang asawa ni Theo si Maricar.
"A-asawa ni Theo? Kapatid mo yan?" Tanong ni Erika.
Pero ang pagsagot at pagtango ni Tyler ay hindi na nakita ni Erika dahil napayuko na siya dahil sa matinding pagkahilo at pagkirot na naman ng ulo niya dahil sa pagtitig sa larawan.
"Ayan na sumasakit na naman ba ang ulo mo? marahil at stress at puyat yan. Ang mabuti pa nga ay magpahinga ka muna. Bukas na lang tayo magusap tungkol kay Dos. Marami tayong dapat pagusapan Erika para sa kaligtasan ng anak mo" sabi ni Tyler na muling humakbang palabas.
Pero mabilis na kumilos si Erika at humarang sa pinto pagkatapos ay lumuhod sa harap ni Tyler.
"E-Erika? Ano bang ginagawa mo? pagbabayad pa rin ba ang nasa isip mo ha? Damn it, Erika hindi yan ang mahalaga ngayon." sigaw ni Tyler pero nanatiling nakaluhod si Erika at patuloy sa pagiyak.
"Erika ano ba? It's a no!" Sigaw ni Tyler na akala ay gusto na namang magbayad ni Erika.
"T-Tyler...Please d-dalhin mo ako sa kanya. Dalhin mo ako sa kanya para mo ng awa." mahina pero malinaw na sabi ni Erika.
"Dalhin kanino? Who are you talking about, Erika?Teka nga, halika please, linawin mo nga ang sinasabi mo." litong tanong ni Tyler na hinatak patayo ang nakaluhod na si Erika.
"Sa kanya,Tyler, dalhin mo ako sa kanya. Siya lamang ang makaka tulong kay Dos. Para mo ng awa..."
Humagolhol na pagsusumamo ni Erika. Kasabay kase ng paghingi niya ng tulong dito ay ang takot sa puso niya.
"Si Theo? But why? Wait, anong ibig mong sabihin Erika ? Si..... Si...Theo ba ang ama ni Dos?" gimbal na tanong ni Tyler.
Nang tumango si Erika ay parang binagsakan ng langit at lupa ang binata.
"Kung ganun, ang babae bang ipinahahanap ng kapatid niya ay si Erika? Pero Eloisa ang binanggit nito sa sulat? Pero naalala niya ang unang pagkikita nila ni Erika, iba nga ang pangalang sinasabi nito. Marahil ay nagiiba iba ng pangalan ang babae kapag nasa trabaho.
"Sh*t !! No..! No..." Hindi matangap ni Tyler ang mga narinig, lalong hindi niya kayang isipin na may anak si Theo kay Erika. Si Erika ang mahalagang babae sa kapatid niya. At si Theo ang ama ni Dos? kung ganun ay pamangkin niya si Dos?" Parang pati si Tyler ay natulala at nanigas ng sandaling iyon.
"Si Dos? Si Dos ba ay anak ng kapatid ko Erika? May anak sayo si Theo? pamangkin ko si Dos? Totoong kadugo ko si Dos?" Sunod sunod na tanong ni Tyler.
Hindi na nagulat si Erika ng marinig na konektado ang lalaki sa larawan kay Tyler. Kahapon pa lang na nakita niya ang larawan sa silid ay alam na niyang malaki ang posibilidad. Bagamat hindi magkamukha sina Theo at Tyler ay posible ngang konektado ang dalawa. At heto ang katotohanang sumampal sa kanya. Napakaliit ng mundo para pagtagpuin sila ni Tyler.
She's been wishing upon the star noon pa, na sana magtagpo ang landas nila ng ama ni Dos. It's been 4 years na hinahanap din niya ito. Pero ngayon na malinaw niyang narinig na kapatid mismo ng lalaking itinatangi ng puso niya si Theo, biglang kinilabutan si Erika at nanigas sa takot.
Ang pagasang maililigtas na si Dos ay katuwaan ng kanyang buong pagkatao, pero nagluluksa ang kanyang puso at nababalot ng takot ngayon.
Si Dos ay anak ng kapatid ni Tyler. Malinaw na pamangkin ni Tyler si Dos at yun ang ikinakatakot ni Erika.
"Hindi dapat makita ni Tyler ang diary. Walang dapat malaman si Tyler. Hindi niya kaya, hindi niya kakayanin." bulong ni Erika habang matiim na nakatitig sa tuwang tuwang binata sa harap niya.
"Oo, Tyler si Dos ang naging bunga ng pagibig namin ni Theo. Nagkagulo lamang sa club kaya kami nagkalayo." Sabi ni Erika habang naging malikot ang mga mata at pinipilipit ang mga daliri dahil sa kaba.
"P-pero may asawa na si Theo Erika, nasabi ba niya? Nilinlang ka ba ng kapatid ko ?pinangakuan ka ba niya?" Tanong ni Tyler na bagamat naguusisa ay parang unti unting sinasaksak ang puso niya.
Yumuko si Erika dahil hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong ni Tyler.
"Oh Sh*t!" Napamura naman si Tyler sa naging reaksiyon ni Erika sa tanong niya. Sa pagyuko nito at pananahimik, ipinagpalagay ni Tyler na walang alam si Erika na may asawa ang kapatid at marahil baka huli na ng malaman nito. Kaya nagiisa ngayon si Erika.Kung nagkaroon ng relasyun si Erika at si Theo, at sa paraan ng habilin ni Theo ay mukhang mahalaga si Erika. Bakit nagpakamatay si Theo?
Nalilito na si Tyler sa damdamin. Noon ay kinasusuklaman niya ang hinahanap na babae ni Theo sa paniniwalang may kinalaman ito sa pagpapakamatay ng kapatid. Noon ay balak niyang pakasalan ang babae para lamang sa huling kahilingan ng kapatid pero balak niya itong hiwalayan agad at papanagutin.Kaya rin halos nagmamadali ang kanyang ama ganun din ang kanyang ina na mahanap ang babae dahil sa babae iniwan ni Theo ang lahat ng ari- ariang minana ni Theo sa kanilang lolo.
Kung mapapatunayang anak nga ni Theo si Dos ay automatic na kay Dos na ang kayamanan ng mga De Dios, dahil ayon sa kanilang pamilya ang apo ang magmamana ng lahat ng kayamanan ng kanyang lolo at ama.
"Napakayaman ni Dos kung tutuusin pero si Erika, paano si Erika? Paano ba niya magagawang paghigantihan si Erika?" halos mabaliw si Tyler sa natuklasan.